Magical 13

274 10 0
                                    

"NAPAKAGANDA ng 'yong mga ngiti, mahal na binibini. Sa aking palagay ay tuluyan nang nahuhulog ang puso ko sa 'yo at nais kong malaman kung sakaling ako'y umakyat ng ligaw sa 'yo ay may pag-asang sagutin mo..."

"Ginoo, ako man ay tila nahuhulog na rin ang damdamin ko para sa 'yo—"

Hindi naituloy nina Andeng at Diego ang ginagawang dula-dulaan nang makarinig sila ng pagbagsak ng mabigat na bagay sa sahig, kaya kasama sina Maricor at iba pa—na siyang viewers nila—sabay-sabay silang napalingon sa entrada ng papasok sa kumbento—si Donnie na nabitawan ang hawak ng basket of fruits, mabuti na lang at matatag pa rin nitong hawak ang lagayan ng ice cream.

Mabilis nakalapit ang ibang mga kasamahan nila sa lalaki saka ito tinulungang buhatin ang mga bitbit nito. Mabilis naman silang nakalapit ni Diego sa kaibigan nila na noon ay nakatitig pa rin sa kanilang dalawa.

"Ano?" nagtatakang tanong niya kay Donnie, na nakatitig pa rin sa kanya na halos magdugtong ang mga kilay sa pagkunot ng noo. "Ano'ng problema mo?"

"'Uy brod, ano'ng nangyayari sa 'yo?" tanong ni Diego, saka nito tinapik sa balikat si Donnie, ngunit hindi nito pinansin ang lalaki.

"Ano 'yong narinig ko?" nagtatakang tanong ni Donnie sa kanila ni Diego. "Are you confessing to one another?"

"Ha?" magkasabay nilang tanong ni Diego, saka sila nagkatinginan, saglit pa ay natawa na lang silang lahat. Halos sumakit ang panga niya sa katatawa.

"What's happening?" gulong-gulong tanong ni Donnie sa kanila. Saglit pa ay tumigil din sila sa katatawa at in-explain na tinutulungan lang nilang umarte sina Genalyn at Carmilo sa mini-play na gagawin sa school—nagpapatulong kasi ang dalawang nakababatang kaibigan. Nakita niyang namula ang mukha ng binata at napakamot ng ulo.

"Nagselos yata, ate Ands." Sabi pa ni Maricor, bago nito tinawag ang iba nilang mga kaibigan para kumain ng dala ni Donnie na ice cream.

Sinundan naman niya si Donnie na naglakad palabas ng kumbento para pumunta sa dap-ayan. Mukhang hindi maipinta ng kahit sinumang kilalang pintor ang mukha nito dahil sa magkahalong kahihiyan at kalungkutang nakikita niya dito. Nang maupo ito sa upuan sa loob ng dap-ayan ay mabilis din siyang sumunod.

"Ano'ng pino-problema mo d'yan at ganyan kadilim ang aura mo? Ang high blood mo pa kanina? Babae 'no? Bakit break na ba uli kayo ni Rejoice, infairness ha, siya ang pinakamatagal sa nakarelasyon mo." Mahabang sabi niya pero hindi pa rin nabago ang madilim na expression ng mukha nito. Ngayon lang niya ito nakitang parang namatayan ng kuko sa paa. "'Uy..." sabay kalabit niya sa balikat nito kaya bumaling ito sa kanya.

"My dad wants me to meet Anthony." Sagot nito.

"Oh, 'di makipag-meet ka! 'Yon lang naman pala, e, akala ko pa naman nag-break na kayo ng evil mong girlfriend." Aniya, na hininaan ang parting hindi dapat nito marinig. "Pero teka, sino ba 'yong Anthony na gustong ipakilala sa 'yo ng daddy mo?" nagtatakang tanong niya.

"M-my stepbrother."

"Ahh... your stepbrother, wait... stepbrother?" nanlaki ang kanyang mga mata sa napagtanto. Donnie has a stepbrother? "Pakiulit nga nong sinabi mo?"

"Yes! I have a stepbrother named Anthony Jr. Anak siya ni daddy sa dating secretary niya na namatay sa panganganak. Two years ago lang nang matuklasan ko ang tungkol sa kanya at itinago ko lang din sa parents ko na alam ko ang tungkol sa kanya. He is now seven years old." Kuwento nito, hindi siya nakaimik sa sinabi nito. "My dad cheated on my mom while she was working abroad. Pero ang sabi ni dad na si mom lang talaga ang mahal niya, na natukso lang siya dahil na-miss niya si mom. Pinagsisihan niya ang ginawa pero hindi na daw maibabalik ang lahat, instead he accepted Anthony Jr, lubos daw na nagsisi at humingi ng tawad si dad kay mom."

Hindi siya agad nakapag-react. "A-Ano'ng reaksyon ng mommy mo?"

"I didn't know, maybe she was so hurt and shocked. Actually, tumawag siya sa akin the last time, sinasabi niyang anuman daw ang ipagtapat ni daddy ay tanggapin ko nang buo, so I assumed na dahil sa pagmamahal niya kay daddy ay tinanggap din niya ang pagkakamali ni dad. Hanggang sa tinawagan ako ni dad the other day and told me that I should meet Anthony."

She was so shocked. Akala niya no'n ay walang kina-i-stress-ang problema ang kaibigan niya, pero mabigat pala. "Gusto mo ba siyang makilala?" tanong niya.

"I don't know. Forty percent says I should meet him but sixty percent says I shouldn't."

"Bakit ayaw mo siyang makilala?"

"Hindi ko pa tanggap na may ibang anak ang dad sa ibang babae." Anito, na napayuko. Kaya mabilis niyang nilapitan ito at kinulong sa kanyang mga bisig. Sana ay hindi nito marinig ang kakaibang tibok ng puso niya para sa lalaking ito.

"Hindi mo naman forever na matataguan ang katotohanang may kapatid ka sa ibang babae, at wala din akong makitang mali kung bakit ayaw mo siyang makita. Wala naman siyang kasalanan sa pagkakamali ng dad mo at ng secretary niya. Siguro ang gawin mo muna ay tanggapin ang lahat bago mo siya makilala para wala kang anumang sama ng loob kapag nakipag-meet ka sa kanya, dahil kung hindi ay magiging unfair ka sa bata na wala namang muwang sa naganap." Aniya.

"What to do, Ands?" malungkot na sabi nito.

Tinapik niya ang balikat nito. "Kilalanin mo siya, malay mo magkasundo kayo. Saka okay na nga kamo ang mommy tungkol kay Anthony, bakit ikaw naman ang nagpapa-hard to get?" aniya. Hindi ito nakaimik. Mukhang pinangalagaan nang husto ang tungkol sa lihim na pagkakaroon ng anak sa ibang babae ng ama nito dahil hindi ito kumalat sa anumang newspaper. "Buti nga ikaw nadagdagan ang miyembro ng pamilya n'yo. Ako, hindi ko pa rin alam kung paano hanapin ang parents ko." Malungkot na sabi niya. Doon nag-angat ng tingin ang lalaki.

"Sa tingin mo, magiging okay lang ako kapag nakilala ko 'yong stepbrother ko?"

Ngumiti siya at tumango. "Magiging maayos ang lahat, maniwala ka sa akin. Bigyan mo nang pagkakataon ang bata na makilala ka niya. At alisin mo na kung anuman ang sama ng loob mo sa dad mo, just be thankful dahil nandyan pa siya laging sumusuporta sa 'yo."

Saglit itong nakatitig sa kanya bago ito dahan-dahang tumango sa kanya. "Thanks for the words of encouragement, Ands, naniniwala din akong malapit mo nang mahanap ang Nanay at tatay mo." Anito.

"Sana nga, Dons, gusto ko na silang makilala." Nakangiting sabi niya.

"Hindi ka ba galit sa kanila sa pag-iwan nila sa 'yo no'ng bata ka pa?"

Umiling siya. "Mas nananaig kasi ang pagka-miss at masayang pagkakaroon ng mga magulang kaysa magalit. At kahit papaano ay thankful ako dahil binuhay pa rin nila ako."

Tipid itong tumango. Nagulat siya nang mabilis siyang yakapin nito nang mahigpit. "Huwag ka din mag-alala, nandito lang ako para suportahan ka."

Gumanti siya ng yakap sa kaibigan. "Ako din, Dons, nandito lang ako para sa 'yo." Nakangiting sabi niya.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Where stories live. Discover now