fifty seven**

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ikaw ba takas ka sa mental?? Gulo mong kausap eh noh."

"Pinapatawa lang naman kita. Mas maganda ka kapag may ngiti sa mukha mo kesa luha." nakangiting sabi nito kaya napangiti na din ako. Kung alam ko lang na ganto si Andrei sana matagal ko na siyang kinaibigan.

"Tara na nga ihahatid na kita pauwi. Nag aalala na si Nana. Alam mo bang muntik na akong mabangga kanina sa lakas ng boses niya." natawa ako ulit sa sinabi niya. So close sila ni Nana?? Kelan pa??

"Si Nana talaga di na nagbago. Para namang di na nasanay na lagi na lang akong nawawala."

"Di mo maaalis kay Nana yun. Kulang na lang ikulong ka na niya sa bahay para lang safe ka."

"Ikaw stalker kaba talaga bakit ang dami mong alam sa buhay ko." natatawa kong sabi sa kanya. Well i think bipolar na din ako. Kanina lang gusto ko siyang maging kaibigan tapos ayaw ko na tapos ngayon gusto ko na ulit. Ang gulo ko din eh noh.

"Stalker no way. Admirer siguro pwede."

"Pareho din mga yun noh. Tara na nga baka atakihin pa si Nana dun." sabi ko sabay hila sa damit niya. Ayaw ko namang hawakan kamay niya mahirap na baka umasa na naman siya sa wala.

end**

(Third Person POV)

Hinatid ni Andrei si Winter sa bahay nila matapos ang walang katapusang bangayan nilang dalawa. Sa kabilang banda tinawagan ni Thunder ang buong shadow na nakita na niya si Winter at pinabalik ang mga ito sa Mansion ng mga Jansen.

Naghihintay ang lahat sa sala kay Winter. Habang si Nana naman ay pinatulog na nila at si Tim na lang ang nagluto ng hapunan nila. Kanya kanya sila ng ginagawa sa sala. Nandyan na si Sean, Glen at Kai nag babato bato pick. Si Ryuu, Sian at Thunder nanonood ng movie habang kumakain ng popcorn. Si Leo as usual kumakain din wala namang kabusugan yan. Si Rhon naman tutok sa laptop niya. Habang si Sky naman nagdadance revo mag isa. Si Nathan tahimik lang na nakatingin sa kanila. At si Kevin nagbabasa ng libro ng mapayapa.

Nahinto silang lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Winter at Andrei na nagtatawanan. Gulat silang lahat sa nakita at para bang naistatwa sila dahil sa nakita maliban na lang kay Thunder na naki go with the flow lang.

Patakbo namang lumabas sa kusina si Tim at naabutan ang kaganapan sa sala. Hindi din ito makapaniwala sa nakikita kaya kumurap kurap muna siya sabay kusot ng mata. Kaya lang kahit anong gawin niya iyon talaga ang nakikita niya.

"Winter saan ka galing ha." pambabasag ni Tim sa katahimikan. Well bilang 'Appa' nila siya ang unang naghihimutok.

"Wait lang Tim kulang ang porma." sabi ni Glen sabay takbo sa kusina. Pagbalik nito may dala na itong sandok.

"Yan Tim. Go. Sige na dumada kana. Wala ng pipigil sayo." nakangiting sabi ni Glen.

"Ikaw bata ka alam mo bang kanina pa kami nag aalala sayo. Saan kaba nagsususuot ha. Saang lupalop kaba napadpad at hindi ka namin mahanap. At bakit kasama mo yan. Ano bang nakain mo at tumatawa ka pa dyan samantalang may sugat ka. Oo nga pala may sugat ka tapos di ka namin aabutan dito. Diba dapat nagpapahinga ka na ha." dirediretsong sabi ni Tim sabay tutok ng sandok sa kay Winter.

"hyu--"

"hep di pa ako tapos. At ikaw lalaki. Alam mo ba kung anong oras na. Matinong uwi ba yan ha. Alam mo namang may sugat yan di mo pa inuwi agad. Dapat man lang sana sinabihan mo kami hindi ba. Tsaka bakit magkasama kayo. Magpaliwanag kayo now na." sabi naman ni Tim kay Andrei.

"Wooohhhh Tim diba dapat ako yung ratatatatt ng shadow. Bakit ikaw ngayon ang dumadada." singit edited sa kanya ni Sean.

"Shutaap hyung. Mamaya kana umentra. Ano na kayong dalawa saan kayo galing ha." pasigaw na sabi ni Tim.

"Sige na Andrei umuwi kana. Salamat ha." sabi ni Winter kay Andrei sabay tulak palabas ng bahay. Well ano pa bang i eexpect mo kay Winter diba.

"Alam mo hyung miss din kita." sabi niya kay Tim sabay yakap dito.

"Oh sige tara na kumain kana." mahinahong sabi ni Tim.

"Taena ka Tim kanina lang dinaig mo na yung Umma namin kakakatak mo tapos ngayon isang miss din kita ni Winter taob kana. Ano ba naman yan. Diba dapat ikaw ang didisiplina sa kanya kasi ikaw ang tatay namin dito." sabi sa kanya ni Thunder.

"Eh hyung ikaw ang kuya niya ikaw na lang. Alam mo namang di ko din matitiis si Winter. Teka nga kumain na lang tayo at lalamig na ang niluto ko." sabi ni Tim sabay punta sa kusina.

Nagsisunuran na ang lahat sa kanila sa kusina para kumain na. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng biglang magsalita si Winter.

"May plano na ako. Maliligtas na natin sila SOON!!" ang sabi niya habang nakangiti kaya napatingin sa kanya ang lahat.

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon