"Alam mo naman na ayokong malaman nila tatay na tinakbuhan ako ng lalaking nakabuntis sa akin." sabi nito. Napataas ng palihim ang kilay ko. Eh sinong sasabihin niya, ako ang ama? Hindi naman ako makapapayag. Ano siya sinusuwerte?

"Gusto mo akong magpaliwanag sa Tatay mo? Mukha naman mabait si Mang Fernando. Siguro naman maiintindihan niya ang situation mo. Anak ka niya walang magulang na kayang itakwil ang anak. Lalo pa at nagdadalantao ka." sabi ko. Wala naman itong naging violent reaction sa sinabi ko.

Kanina nakita kong ang sama ng tingin ng mga pinsan ko sa akin bago sila umalis. Alam kong ganoon ang gagawin nila. Dahil hindi naman nila alam ang totoo. Napatayo ako at lumabas ng bahay.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Sabel sa akin. Napalingon ako.

"Magpapahangin lang." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hinayaan naman niya akong lumabas.

Kailangan ko ng madaliin ang lahat. May kinuha ako sa bulsa kong papel. Ito ang ibinigay na number ni Alexandro sa akin. Tawagan ko raw siya kung nakaalala na ako. Nakakaalala naman na ako. Kailangan ko lang munang magpanggap para sa kaligtasan ng buhay namin lalo na si City.

Pasimple akong napatingin sa paligid para makasigurong walang sumusunod sa akin. Napadako ang tingin ko sa bahay na tinitirhan ko. Alam kong nakamasid si Sabel sa akin kanina pa. Kumaway ako at itinuro ang pupuntahan ko. Kumaway rin ito pabalik.

Dito lang naman sa malapit ang taong pinagkakatiwalaan ko. Makatutulong siya para makontak ang pinsan ko.

"Toto," tawag ko sa labas. Lumabas ang isang binatang nasa edad disisyete. Siya lang ang nakaaalam na bumalik na ang alaala ko. Nakapalagayan kami ng loob dahil pareho kami ng hilig. Gusto niyang pumasok sa pagsusundalo kapag naka-graduate na daw siya ng kolehiyo. Kaya ipinangako kong tutulungan ko siyang makapasok kapag nakatapos na siya.

"Kuya Mikael," Bulong nito. Pinapasok na niya ako sa loob ng bahay. Mag-isa lang ito sa bahay dahil nasa kabilang bayan ang mga magulang nito. Naghahatid kasi sila ng panindang gulay sa may kabayanan.

" Ano'ng balita sa pinapasundan kong tao sa iyo." Seryoso akong napatingin sa binatilyo.

"Kuya, narinig kong nag-uusap si ate Sabel at ang magandang babae. Ayon sa narinig ko.." Napahinto ito at tiningnan niya ako. Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Gusto ka na nilang iligpit Kuya. Lalo ngayon nahanap ka na ng kamag-anak mo. Narinig kong isasagawa nila ang plano nila sa susunod na linggo. Kaya mag-ingat ka Kuya sa mga kilos mo dahil pinapa manmanan ka nila." Mataman lang akong nakikinig.

"Tawagan mo itong number. Sabihin mo ang buo kong pangalan kapag hindi sila naniwala sa iyo. Sabihin mo rin kapag nakatiyempo ako tatawagan ko sila." May ibinigay akong papel sa kanya. Tumango naman ang binatilyo. Tinapik ko ang balikat niya. Tumayo na ako para umalis.

"Kuya, kunin mo itong mga gulay baka kasi maghinala sila kung ano ang ginawa mo dito." Napangiti ako dahil natututo na ito sa mga tactics na itinuro ko sa kanya pagdating sa pagmamanman sa mga kalaban. Siguradong in the future magiging magaling na sundalo siya. Kinuha ko ang mga gulay at lumabas ng kubo. May napansin akong mga lalaking nakasuot ng buli na sumbrero. Napatingin sila sa gawi ko.

I knew it this people are spying on me. Kailangan ko magdoble ingat. Dahil konting galaw ko lang baka mapahamak ako at ang taong pinagkakatiwalaan ko. Bumalik na ako sa bahay dala dala ang mga gulay na binigay ni Toto sa akin.

xxxxx

HAWAK ko ang balakang habang tinatawag ko si Mommy. "Mommy! Mommy! " Parang binibiyak ang loob ng tiyan ko.

"Oh my god! Anak, your water broke!" Halos hindi magkada ugaga si Mommy nang makita niyang basa na ang legs ko. Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko dahil sa sobrang sakit na ng tiyan ko. Parang naninigas na.

"I will carry Felicity kunin mo na ang mga gamit niya bilis!." Utos ni Daddy kay Mommy halos  natataranta na rin si Daddy. Binuhat na niya ako at ipinasok sa sasakyan. Wala na silang inaksayang panahon pinaharurot na ni Daddy ang kotse nang makapasok na si Mommy sa loob ng sasakyan.

Iyak ako ng iyak habang nakasakay  sa stretcher papunta ng delivery room.

"Mommy, si K-Kael" Umiiyak na sabi ko. I want him here pero paano naman iyon nasa ibang kandungan na siya ng babae niya. Hinaplos ni Mommy ang pisngi ko.

"Anak please huwag mo muna isipin ang asawa mo. Isipin mo muna ang anak mo. Kailangan mo umiri para mailabas na si baby." Naiyak na rin si Mommy. Hindi ko kasi mapigilan hindi hanapin ang asawa ko. 

"You need to push more Mrs. Dela Costa." Halos hindi na ako makahinga sa kaka-push pero tila ayaw pa lumabas ng baby ko. Ang pawis ko sa noo ay tumatagaktak na.

"I need Kael I want here with me," umiiyak na sabi ko. Nakita kong nataranta na ang Doctor. Napapikit ako habang umiiyak. May humawak sa kamay ko. Nakapikit kasi ako kaya hindi ko alam kung si Daddy iyon o si Mommy. 

"Babe, please i-push mo na. Para lumabas na si baby natin." May bumulong sa akin. Para akong nagising sa isang panaginip. Hindi ba ako nagkakamali ng dinig? Boses ng asawa ko iyon.

Bigla akong nagmulat ng mga mata. Napaluha ako ng masilayan ko ang pinakamamahal kong lalaki sa balat ng lupa. Nakangiti at may luha rin sa mga mata niya.

"My Kael... Mahal.. My babe." Sabi ko hinagkan niya ang labi ko at ang noo.

"I love you, babe. I really miss you so much. Sige na push mo na babe. Si baby gusto na daw lumabas." Sabi ni Kael sa akin. Natawa ako sa sinabi niya. He kissed me again. Na-miss ko ang nguso niya. Then I pushed hard. Narinig ko ang iyak ng baby boy namin ni Kael.

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13


BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon