Chapter 25

28.5K 833 40
                                    

Nagulat kami ni City dahil tinotoo ni Mommy ang sabi niya. As in nakahanda na ang lahat, pati reception wala ng tanong. Bira kaagad.

Kaya pala last time nagtatanong si Mommy ano raw ba ang dream wedding ko. Sabi ko ay simple lang pero romantic.

"You are not kidding Mom? Is this for real?" Paniniguro kong tanong kay Mommy. Nakakamangha pagkapasok pa lang ng bahay ni Mommy may ibinigay siya sa akin na box. Bigla na lang niya ako pinapasok sa kuwarto at pinagbihis.

"Mukha ba akong nagbibiro Capt. Mikael Dela Costa?" Patay kang Mikael binanggit na ng buo ang pangalan mo. Anang isip ko.

Nakalukot na ang noo ni Mommy habang nakapameywang. Napakamot ako ng ulo.

"Hala, dali nauubusan na tayo ng oras pati ang oras ko nauubos na rin!" Pinagtulakan ako ni Mommy sa loob ng silid ko. Napapailing na lang ako. Hindo ito ang balak kong mangyari. Paghahandaan ko pa nga lang ang kasal namin ni Felicity.

NAGULAT ako ng sabihin ni Mommy kagabi na pupunta sila sa kasal ko. Kahapon ng nagpunta ako ng bahay nila Kael kinuha ni Tita ang number ni Mommy. Tapos ang aga na dumating sila Mommy at Daddy dito sa bahay ko ngayon. Hindi pa yata tumitilaok ang manok nandito na sila.

Ang bilis naman akala ko nagbibiro si Tita sa sinabi niyang ngayon ang kasal namin. Wala ng preparation gorabels kaagad. Parang The flash lang ganern.

"Felicity, halika ka na at aayusan ka na. Wala ng oras ano ka ba tulala ka pa diyan!" Singhal sa akin ni Mommy. Sino naman hindi matutulala sa nangyayari. Agad agad talaga. Para ngang panaginip lang iyong sinabi ni Tita kahapon.

"Opo! Grabe naman madalian talaga? Wala man lang recess" Reklamo ko sa kanila. Hindi man lang ako nakapag-ready, diyos ko para akong papasok sa school at mala-late na, hindi na ako nakapag-panty man lang dahil wala ng oras.

Napakamot ako sa ulo ko. Gulo-gulo pa nga ang buhok ko. Dahil kagigising ko lang. Hindi pa nga ako nakapag-almusal. Grabe naman si Mommy walang awa.

"Mom, kakain muna ako bago ako ayusan" Reklamo ko. Nagpapadyak pa ako ng paa. Si Daddy nakamasid lang pero tumatawa sa hitsura namin ni Mommy.

"I'll give you 15 minutes to finish your breakfast! Your time start now!" Hala siya oh, may oras na pala ang pagkain ko. Diyos ko what's happening in this country!

Nagpunta na kami nila Mommy at Daddy sa isang lugar. Garden wedding daw kasi ang theme ng kasal namin ni Mikael. Parang panaginip lang talaga ito. Kanina ko pa yata sinasabi na panaginip lang.

Kahapon lang talaga sinabi ni Tita ikakasal kami tapos ngayon ito na nga. Totoo nga! May himala.

Namangha ako sa venue ng kasal namin. Grabe! Nagawa ni Tita ito ng ganoong kaikling oras. Wow na wow.

Private property ito at pagmamay-ari nila Kael ang lupain na ito. Pagkapasok namin may makikita kang arrow na nakadikit sa pala at may nakalagay na wedding. Sa ibaba niyon may flowers na nakalagay sa diligan ng halaman.

 Sa ibaba niyon may flowers na nakalagay sa diligan ng halaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang ganda ng wedding gown kita ang likod ko. Ang sexy tingnan. Baka naman malibugan si Kael sa akin kapag nakita niya ang likod ko. Alam niyo naman iyon ultimo yata nakapaldang poste pinapatulan.

Alam na alam ni Tita ang sukat ng katawan ko ang galing!

Medyo iritable na ako kasi ang kati ng dede ko. Ang tela kasi makati sa balat. Parang gusto kong ipasok ang kamay ko para kamutin. Nag-stay muna kami dito sa isang tent. Dapat daw si Kael ang mauna sa altar.

"Bakit ganyan ang hitsura mo. Para kang natatae. Hindi ka ba tumae kanina?" Puna sa akin ni Mommy. Napanguso ako mukha ba akong natatae?

"Ang kati ng tela ng wedding gown ko. Ang dede ko nangangati na!" Reklamo ko sa kanya.

"I-rub mo lang sa ibabaw ng dede mo iyang kamay mo para maalis iyong kati." Utos niya sa akin kaya napanguso ako habang nirurub ko ang ibabaw ng dibdib ko.

"Anak ready ka na nandiyan na daw si Mikael. Dali na!" Nakanguso akong sumunod kay Mommy. Hinawakan ako ni Daddy sa kamay.

"Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo anak nagmamadali lang yun. Gusto na kasi magkaapo." Natatawang wika ni Daddy.

Hindi pa nga ako handa sa pag-iisang katawan namin ni Mikael. Natatakot kasi ako sa pinagmamalaking 10 inches na sandata niya. Baka naman mawasak ang pekpek ko nun.

"Ano ka ba Felicity ikakasal ka na nga't lahat nagde-daydream ka pa diyan. Ano yan nagmamadali lang. Iniimagine mo na ang wrestling niyo ni Mikael mamaya? " Puna sa akin ni Mommy. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko sa pinagsasabi ni Mommy. Nagmamadali ako? Sila itong nagmamadaling ikasal kami kaagad. Napapailing na lang si Daddy kay Mommy.

PARANG nag-marathon si Mikael sa sobrang pawis. Dahil sa suot niyang tuxedo na sobrang kapal. Ang init naman kasi ng suot kong tuxedo. Para akong ibuburol sa hitsura ko.

Ang puso ko ay tumibok ng mabilis na parang may hinahabol na terorista nang makita ko ang pinakamamahal kong si Felicity na naglalakad sa isle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang puso ko ay tumibok ng mabilis na parang may hinahabol na terorista nang makita ko ang pinakamamahal kong si Felicity na naglalakad sa isle. She is so stunning and so beautiful in her wedding gown. Natatawa ako sa hitsura niya nakangiwi imbes na nakangiti. Hindi siguro siya sanay sa mahabang gown. Ang haba naman kasi ng piniling gown ni Mommy. Hindi ko akalain na alam ni Mommy ang sukat ng katawan ni City.

Ang bilis ng pangyayari parang kahapon lang. Kahapon talaga iyon. Sabi ng isip ko. Pinakilala ko kay Mommy ang nobya ko. At ngayon nga ikakasal na kami. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang bride ko. Ang layo na ng narating ng isip ko. Nakarating na ito ng Paris. Ganoon kalayo. Nakatingin sila sa akin na parang naiinip na. Kung magigising pa ako sa pagtulog ng diwa ko.

"Pati ba naman ikaw Mikael nagde-daydream pa! Bakit ini-imagine mo rin ang chorvahan niyo ng anak ko?! Diyos ko nagmamadali lang? Hindi pa nagsasabi ang pari ng you are now husband and wife!" Wika ng Mommy ni City. Halos nanlalaki ang mga mata ni City sa sobrang gulat dahil sa pinagsasabi ng Mommy niya. Ako naman ay natatawa pati na ang Daddy ni City. Napangisi ako. Mamaya ire-ready ko na ang sandata ko. Hahasain ko pa.

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon