Chapter 22

28.1K 806 18
                                    

Nakahinga ako ng maluwag nang tawagan ako ng commander ni Mikael na maayos na ang lagay niya. Sobra ang pag-aalala ko dahil malapit sa puso ang tama niya. May iba pa siyang tama sa ibang bahagi ng katawan, pero hindi naman malala. Kaya nagpapasalamat ako sa diyos pinakinggan niya ang dasal ko.

Tinawagan ko si Mikael para makausap siya.

"Babe, huwag ka ng mag-alala hindi naman tinamaan ang sandata ko kaya makakatayo pa. Daplis lang ang tinamo ko sa braso. Makakapag- perform pa rin ako ng husto kapag nagkita tayo" Napairap ako sa hangin kahit may mga sugat na nga ang libog pa rin.

"Heh! Ewan ko sa iyo. Muntik ka ng mamatay puro kahalayan pa ang nasa utak mo. Ang gawin mo magpagaling ka para makauwi ka na dito." Wika ko.

"Yes, po magpapagaling ako para makabalik na ako ng Manila. I miss you babe gusto ko na ngang umuwi pero hindi pa puwede. One week pa ako sa hospital bago ako puwedeng mag-travel." Nalungkot naman ako. So isang linggo pa ang hihintayin ko?

"Pagaling ka na lang para naman makauwi ka ng maayos dito sa Manila."

"I will, babe. " Napakunot ang noo ko nang may narinig akong boses ng babae sa background. Nagsalubong ang kilay ko parang malapit lang kay Kael malibog.

"Sino 'yang babae na kasama mo diyan?" Biglang nagtransform na naman ako sa isang tigre.

"Katrabaho ko lang babe. Shit! huwag mo ako diyan hawakan!" Sigaw ni Kael sa babaeng dikya.

"Hoy, Kael anong ginagawa niyo ng babae!" Umusok na ako sa galit. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko, hindi ko alam kung anong ginagawa ng babae kay Kael.

"Fuck! Give me my phone!" Sigaw ni Kael malibog sa babae. Narinig kong napadaing sa sakit si Kael.

"Oh, hi I'm Kael's new girlfriend" Maarteng wika ng babae. Parang gusto kong pumasok sa phone ko para makarating doon at ng masampulan ko nang sapak ang babae.

"Ano?!" Inis na wika ko. Buwisit na babaeng ito, ang kapal ng mukha. Anong girlfriend?! Ako ang girlfriend niya. Bigla akong nakarinig parang may kinikiskis na bagay. Hala ano iyon?

"Ohhhhh... Mikssss sige pa. Fasterrrrr. Harder... I'm cumming... Ahhhhh..." Ungol ng babae sa kabilang linya. Narinig ko ang pagmumura ni Kael.

Sasabunutan ko ang bulbol ng babaeng dikya na iyon pati na bulbol ng Kael na iyon kakalbuhin ko rin. Mga walanghiya! Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko. Kainis ka Kael kahit kailan talaga! Sa sobrang inis ko pinatay ko ang phone ko. Nangilid ang luha ko.

PARANG gusto ko manakit ng babae ngayon dahil hindi ko na makontak si Felicity naka off na ang phone niya.

"What the fuck!" Napatingin ako sa babaeng may kagagawan kung bakit nagalit sa akin ang mahal kong City. Kasamahan ko siya sa trabaho na may gusto sa akin. Hindi ko lang pinapansin dahil hindi ko siya type. Kahit maganda naman siya wala talaga akong gusto sa kanya.

Lumapit ito sa akin na parang lalandiin ako. Bigla ko siyang sinakal. Napahawak siya sa braso ko. Halos hindi na makapagsalita. Tsaka ko binitiwan ng pabalya. Napaupo siya sa sahig. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.

"Hindi lang iyan ang magagawa ko sa iyo, oras na nawala sa akin ang fiancee ko humanda ka sa akin!" Galit na wika ko. Halos magtaas baba ang dibdib ko sa galit. Hindi ko na alintana ang mga sugat ko kahit nakaramdam ako ng sakit sa bandang dibdib na may sugat.

"You asshole! Papatayin mo ba ako?! Gagawin mo iyan sa akin para lang sa babaeng 'yon!" Napaubo siya habang hawak ang leeg.

"I told you, kaya kong gawin iyan sa iyo! Get out now! I dont want to see your fucking face!" Natakot siya sa pagtaas ko ng boses. Nataranta pa nga sa paglabas ng silid ko. Nagtagis ang bagang ko sa sobrang galit. Nag-aalala ako kay City. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa ginawa ng babaeng iyon. Sana hindi siya naniwala. Goddamnit!

NAGDECIDE ako na mag-leave muna. Gusto kong ipahinga muna saglit ang puso kong sawi. Napapagod na ako sa relasyon namin ni Mikael. Palagi na lang akong umiiyak dahil sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Nakasasawa na.

"Bakla magli-leave ako. " Diretsahang wika ko kay Stefano. Napatingin si baklang fanot sa akin na para bang may masama akong sinabi. Mukha siyang nirereglang bakla sa hitsura niya.

"At bakit naman aber?" Taas kilay na tanong ni baks. Napatigil ito sa ginagawa sa harap ng laptop.

" I need to breathe some fresh air. Iyong malayo sa stress" Diretsong sabi ko kay baklang fanot. In fairness ang pogi niya ngayon. Parang may nag-iba kay bakla. Sa hitsura niya kasi para siyang nakipag-sex kagabi, ganoon? Napatingin si fanot sa akin para bang ina-analyze niya ang sinabing kong magli-leave ako.

"Please fanot, payagan mo na ako parang awa mo na." Pagmamakaawa ko.

"Ano na naman ang problema mo? Bakit all of a sudden. Nag-away na naman ba kayo ng pinsan ko?" Napasimangot ako at napanguso kay baklang fanot.

"Huwag mo nga binabanggit ang pinsang mong malibog at manloloko pa!" Galit na galit ako sa lalaking 'yon. May tama na nga ng bala may gana pang lumandi sa ibang babae.

"Bakit ano na naman ginawa niya sa iyo? Hindi ba nasa hospital pa iyon paanong niloko ka niya?" Nagtataka niya akong tiningnan.

"Oo nga nasa ospital pa siya. Pero may kalampungang iba doon. Knowing na may sugat pa iyon, huh!" Parang gusto ko mana-bunot ng buhok. Napatingin ako kay fanot.

"Hoy, baks huwag ako ang pagdiskitahan mo ng galit sa pinsan ko. Okay fine pinapayagan na kitang mag-leave. Ilang araw ba ang leave mo?" Wika ni baklang fanot.

"One month ang leave ko" Diretsahan kong wika. Napakagat labi ako.

"One month lang pala akala ko..." Biglang natigilan si fanot nang may na-realized sa sinabi ko. Natatawa ako sa reaction ni fanot mukha siyang jumerbaks sa hitsura.

"Ano?!!!! One month?!!" Napatakip ako sa tainga ko sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya. Ang OA huh? Para one month lang, ano naman masama. Ngayon ko lang magagamit ang leave ko no, duh. Ipa-rape ko ang baklang ito sa sampong kabayo, eh. Inirapan ko siya.

"Kailangan mahaba kasi broken hearted ako bakla. Please, pagbigyan mo na ako." Lumapit ako kay baklang fanot at saka kumandong sa lap niya. Hinawakan ko ang pisngi niya.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng patay na patay kay baklang fanot. Si Alonah.

"Anong ginagawa mo sa lap ng sweety pie ko! Umalis ka diyan!" Bigla niya akong hinila sa lap ni fanot muntik na ako matumba. Tapos siya ang umupo sa lap ni Stefano.

"Oh my god! Sweety pie, anong ginawa ni Ms. Felicity sa iyo. Hinarass ka ba niya?" Chineck niya kung may galos si fanot. Napangiwi naman ako sa sinabi niyang hinarass. Duh, ako nangha-harass? Tsura nito siya nga itong rapist. Makapag-judge, huh?

"Hindi ko siya hinarass. Ang OA mo huh? Isaksak mo pa sa tumbong mo ang baklang iyan!" Umupo ako sa sofa at napairap sa dalawa.

"Ms. Alonah can you please leave us alone. Mag-uusap lang kami." Mahinahon ang pagkakasabi ni bakla kay Alonah. Aba, himala ito. Magpapa-canton na ba ako?

Bago lumabas si Alonah binigyan niya ako ng nagbabanta look. Aba hindi rin ako magpapatalo. Binigyan ko rin siya ng nakahanda ako look. Oh, di ba fair ang laban- mata sa mata.

xxxxx

NATULOY ang leave ko papuntang Batanes. Ang sarap naman mag-stay sa ganitong lugar. Malayo sa kabihasnan. Dito ako nagpasyang magstay ng one month. Tahimik kasi dito at fresh ang paligid at walang sagabal sa pamamahinga ko. Buti pumayag si bakla ayaw pa sana dahil ang tagal naman ng bakasyon ko. Baka kasi gahasain raw siya ni Alonah araw-araw. If I know nag-sex na ang dalawa. Fanot na iyon in denial na bakla!

Kumuha ako ng mga piling shot sa magagandang lugar na pinuntahan ko. Napakaganda ng tanawin at napakalinis ng paligid. Mabuti tin ang mga tao dito.

"Hi," Napalingon ako sa taong bumati. Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa niya dito?

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon