Chapter 47: Camping

17.6K 573 36
                                    

Chapter 47: Camping
 
The next morning, we are getting ready for our camping and I already double-checked my things dahil mahirap na kung may makalimutan pa ako. After that, I looked at myself in the mirror and for the last time, I checked my outfit.
 
Gen said that I should wear shorts since we will go hiking that’s why I’m wearing army green shorts. I’m also wearing a black muscle shirt at my printed itong word na ‘pink’, and since it’s a muscle shirt, I wear a black sports bra and last is my black rubber shoes.
 
Nakahati naman sa dalawa ang buhok ko and Rielle braided it pero hindi naman niya pinaabot ang braid sa dulo at nakakulot lang ito. Now that I am seeing myself, masasabi kong hindi ako mahihirapan sa hiking na gagawin namin.
 
This outfit looks fresh at makagagalaw ako ang maayos. Hindi naman na bago sa akin ang bagay na ganito dahil ginagawa namin ito nila Mimi no’n sa mortal realm—in short, mayroon na akong karanasan sa bagay na ‘to. After I am done, I carried my big backpack and went downstairs.
 
And there, I saw the princesses that are waiting for me and when they saw me, they smiled immediately before Gwen pulled me closer and looked at me up and down. “Sure akong mai-in love niyan sa ‘yo lalo si Aiden!” Masaya niyang wika na ikinapula ko naman kaya nagtawanan sila.
 
“Hay nako. Tama na muna ‘yan! Oras na para rumampa!” Rinig naman naming saad ni Oddie at nagawa pa talaga niyang mag-flip hair.
 
Lumakad naman kami dahil paniguradong naghihintay na ang mga prinsepe sa amin. Iniwan ko na naman si Caelum kay Mimi and I wish, Caelum will not cry and feel sad because we are not together. Four days and three nights pa naman kami sa activity na ‘to.
 
We are doing this activity to find a healing herbals or anything that can be use in making different potions at nagkataon namang maghahanap din kami ng mga sangkap na ibinigay sa amin ni Arang. So, probably, our grade here will be put on our Potion subject.
 
Mag-ca-camp kami sa isa sa mga bundok ng Laeves Kingdom and if I’m not mistaken, that mountain called, Mount Laliyah. Sabi nila, ligtas naman daw do’n kaya nakahinga ako ng maluwag. At saka, ang mount Laliyah daw ay isa sa mga magagandang bundok sa kaharian ng Laeves kaya naman na-excite talaga ako ng todo-todo. Idagdag pang dito madalas na mahanap ang mga halamang gamot.
 
Nakalabas na kami at pumunta na sa harapan ng academy dahil do’n daw magkikita-kita. Nang makarating naman kami sa harap ay nakitang nando’n na ang iba at naghihintay na lang sa pag-alis. May apat bus ang naghihintay—ang tatlong bus ay para sa Alphas, Betas, at ilang mga Epsilons habang ang pang-apat na bus naman ay para sa mga staffs at sa ibang teachers na kasama.
 
But among the four busses, Alphas’ was only riding a mini bus. Hindi rin ang mga ‘to katulad ng mga bus dito kung ‘di parang ordinaryong bus lamang ang itsura na kagaya sa mortal realm but it’s still a magic one for sure.
 
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa bus na para sa amin. Bigla namang tumakbo ang mga prinsesa at iniwan ako bago pinasok ang mga dala nila sa compartment ng bus habang tinutulungan sila ng mga prinsepe.
 
Ngunit habang pinagmamasdan sila ay napansin ko namang hindi nila ksama si Aiden kaya nagtaka ako. Ang alam ko, kanina pa sila nandito kaya hindi ko na sila nakita pa sa dorm namin na tila dinaanan ng bagyo kagabi. Malapit na ako sa bus ng may bigla na lang nagsalita sa gilid ko na ikinagulat ko ng bahagya at pansin ko pang natigilan sila dahil sa boses nitong parang galit pa.
 
“Why the fuck are you wearing like that?!”
 
I looked at the person who owns that voice and I just saw Aiden looking at me sharply—he was looking at me up and down while his eyes are sharp. Lalo na sa legs kong kitang-kita ngayon dahil sa suot ko. Nakita ko ring madilim ang kaniyang mukha at parang ayaw niya kung ano man ang suot ko ngayon ngunit kung akala niyang magpapatalo ako sa kaniya ay nagkakamali siya.
 
“Bakit ba? Eh, magha-hiking tayo, eh!” Katwiran ko na ikinatingin niya naman sa akin lalo ng masama.
 
Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng simpleng black T-shirt na pinatungan niya ng gray jacket. Sa pang-ibaba naman ay nakasuot naman siya ng army green cargo shorts at rubber shoes and he looks more handsome.
 
Gaya-gaya naman ‘tong lalaking ‘to!
 
He looked at me sharply but I just raised my right eyebrow at him. Hindi ko pa nakalilimutan ang pagnakaw niya ng halik sa akin kagabi kaya hindi ako nakatulog! At saka, yung sinabi pa niya kaya wala akong maayos na pagtulog!
 
Nawala lang naman ang first kiss ko! Pero okay lang. Hehe… siya naman ang nakakuha, eh! Naughty! Naughty! Ang harot! Sa kaniya lang naman! Napabuntong-hininga na lamang ako para sa sarili ko. 
 
I am hopeless… 
 
Napailing na lamang ang prinsepe at maya-maya pa ay hinubad niya ang suot niyang jacket at bigla na lamang itong itinali sa bewang ko habang nakasimangot siya. Napanguso na lang ako pero deep inside, kilikilig na ako. Matangkad siya kaya naman umabot hanggang sa ibaba ng tuhod ko ang jacket niya kaya natakpan na ng tuluyan ang legs ko na ikina-iling ko na lamang.
 
“You are really stubborn,” kumento niya ng matapos na siya sa kaniyang ginagawa. Then he took my bag and put it on the compartment before pulling me gently inside the bus.
 
Dahil nakahawak siya sa kamay ko ay nakita ko na lang ang mga nanunukso nilang mga tingin sa amin kaya namula na naman ang pisngi ko. Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatay-malisya na lamang. Alam kong pagkatapos nito ay uulanin nila ako ng asar. 
 
I have this feeling that this prince of fire won’t leave me alone in this entire camping!
 
Magkatabi si Gwen at Gen sa unang upuan sa right side, at sa likod nila ay si Rielle at Oddie. Sa left side naman ay si Lucas at Kaizer at sa likod nila ay si Kuya Logan and Jacob and lastly, Azriel and Chris. Habang kami naman ay sa likod naman kami nila Rielle at Oddie umupo.
 
Ako ang umupo sa tabi ng bintana para makita ko ang labas. We will be using a portal right now upang makarating kami kaagad sa Laeves kingdom. Bukod sa portal na madalas naming gamitin ay mayroon pang isang portal dito sa akademya—isang malaking portal at ‘yon ang gagamitin namin.
 
Idadala kami nito sa labas ng palasyo ng kaharian Laeves upang humingi ng permiso sa hari at reyna ng personal. Hindi naman na namin kailangang lumabas ng sasakyan upang batiin sila, bahala na ang mga guro sa bagay na ‘yon.
 
“You can sleep if you want,” napatingin naman ako kay Aiden at hindi na ako nagulat pa ng makita siyang nakatingin din sa akin.
 
I will do that.
 
Tumango na lang ako sa kaniya at muling tumingin sa labas. Naalala ko naman bigla si Caelum at ang malungkot niyang itsura kanina bago ko siya ihatid sa bahay nila Mimi. Kamuntikan ko pa nga siyang isama dito, eh, pero naisip ko, baka siya rin ang mahirapan dahil sa na sa labas kami mamumuhay ng ilang araw.
 
“Don’t worry about our baby, my Hope. He’s now fine,” napanganga naman ako dahil sa narinig ko mula kay Aiden at mula sa hindi gano’ng kalinaw na reflection niya sa bintana ay nakita ko siyang nakangisi.
 
Napailing na lamang ako at hindi na nagtangka pang lumingon sa kaniya dahil baka mas lalo pa siyang matuwa dahil makikita niya lang naman na mapula ang pisngi ko at siya ang dahilan no’n. Hindi na lamang ako sumagot pa hanggang sa umandar na ang bus na kinasasakyan namin.
 
Dahil tulugin ako sa biyahe ay nararamdaman ko ng inaantok na ako kaya umayos na ako ng upo and I was about to close my eyes when Aiden suddenly laid his head on my shoulder. Liningon ko siya pero nakita ko na lang na nakapikit ang kaniyang mga mata.
 
Akala ko, natutulog na siya pero hindi pala dahil nagsalita siya bigla. “I just want to put my head on your shoulder…” he said before looking at me while still leaning his head on my shoulder. “Or do you want to put your head on my chest?” Then his killer smile suddenly flashed that caught me off guard.
 
Huminga ako ng malalim at dahil inaantok na ako ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. “I choose the last one,” I answered that makes him smile from ear to ear. Kung sino siguro ang makakikita nito ngayon, paniguranong magugulat sila at maga-gwapuhan lalo sa lalaking ‘to.
 
Does he like what I chose?
 
Umayos siya ng upo at bahagyang pinihit ang katawan sa direksyon ko. Nakangiti naman akong sumandal sa kaniya at ipinikit ang mga mata. Alam kong walang nakarinig sa pinag-usapan namin dahil bulong lamang ‘yon.
 
I just hope that Gen is not using her sub-power or else, ichi-chika na naman niya ang narinig niya sa mga prinsesa na paniguradong aasarin na naman ako. I closed my eyes and inhaled his scent. Bago pa ako makatulog ng tuluyan ay naramdaman ko pang nilaro-laro niya ang dulo ng buhok ko, lalo na ng amuyin pa niya ito.
 
Kaya ang kinalabasan? Nakatulog ako habang kinikilig.
 
***
 
We safely arrived at the mountain pero hindi pa ito ang katapusan dahil aakyatin pa namin ‘to. Eight o’clock kami umalis sa academy at nakarating kami ng around ten. Bago pa naming simulang akyatin ang bundok ay kumain muna kami ng mga baon naming pagkain.
 
Mimi cooked this for me kaya naman sarap na sarap ako. Medyo malayo kami sa iba at kaharap ko ngayon si Aiden. Actually, he never leaves my side since we arrived here and he’s been so sweet to me. Dahil garlic butter shrimp ang ulam ko at hindi pa ito nababalatan ay siya ang nagbabalat no’n.
 
Binabalatan niya ang hipon at pagkatapos ay kukuha ng kanin bago isusubo sa akin. Nakakamay lang din siya habang sinusubuan ako kaya naman nahihiya ako dahil sa mga klase ng tingin ng mga kasama namin. Kapag sa Alphas, hindi ako maiilang, pero sa iba? Hays. Ngunit nakamamangha dahil alam niyang magkamay habang kumakain.
 
He’s also feeding himself with his bare hands—I mean, may plastic gloves naman siyang suot, eh. Kung ano ang pinangsusubo niya sa akin, ‘yon din ang ginagamit niya. Para tuloy kaming mag-asawa dahil sa ginagawa niya. Sinabihan ko na nga siya pero nginitian niya lang ako at hindi ako pinakinggan. No’ng una nga, akala ko wala lang siyang baon kaya niya ginagawa ‘to pero mas masarap pala ang baon niya kaysa sa akin!
 
Pero hindi, ‘no! Niluto kaya sa akin ni Mimi ‘to kaya mas masarap pa rin yung sa akin!
 
Nakapaghugas siya ng kaniyang kamay dahil hindi naman problema ang bagay na ‘yon. May tent na maliit dito para sa mga gusto at kailangang maghugas at may palikuran rin. Walang gumagamit ng kutsara o tinidor at binigay lang sa amin ay ang plastic gloves kaya naman super reklamo ang dalawang prinsesa—Odette at Gwenny—na hindi naman sanay sa paggamit ng kamay kapag kakain.
 
“Still not full?” Tanong naman ni Aiden kaya umiling ako habang ngumunguya. Napailing naman siya habang nakangiti at nagpatuloy sa pagbabalat ng hipon. May baon din akong strawberries at nagulat pa nga ako dahil siya rin ay mayroon.
 
“Aiden Axel, ako na kasi diyan! Hindi ka tuloy nakakakain ng maayos,” wika ko ng malunok ko na ang kinakain ko ngunit matigas talaga ang kaniyang ulo.
 
“Nah. I’m okay. I love the idea that I’m feeding you,” sagot niya habang patuloy pa rin sa ginagawa. Hindi ako madaling sumuko ngunit kapag ang prinsepe na ‘to ang pinag-uusapan? Tss!
 
“Lars!”
 
Napatingin naman ako sa tumawag sa akin at nakitang si Azriel ‘yon na nasa hindi kalayuan sa amin. Sa totoo lang, magkakatabi sila at kami lang ni Aiden ang nakahiwalay. Sinolo lang talaga ako ng prinsepe at kahit na gusto kong kasama ang ibang Alphas and vice versa ay wala kaming magagawa. Pala-desisyon ang prinsepe ng apoy, eh.
 
“Gusto mo?” Tanong naman ni Az at inangat pa ang baon niya—a dish that originally came from here. I like that dish though. Ngumiti naman ako sa kaniya at tatango na sana ng bigla na lang magsalita itong kaharap ko.
 
“Williams…” there’s warning in his tone kaya napabusangot naman si Azriel na ikinatawa naman nila Gwen.
 
“Ito naman! Bibigyan lang naman si Lara ng ulam, nagselos na kaagad!” Tila reklamo naman ni Jacob habang nakatingin kay Aiden ng nakasimangot. Nakita ko namang tinignan siya ni Aiden ng masama na ikinalunok niya.
 
“Hoy, tama na nga ‘yan! ‘Wag niyo ng pagselosin si Aiden! Mamaya maghasik pa ng lagim ‘yan dito!” Pagsingit naman ni Gwen bago nagpatuloy sa pagkain.
 
Tinuon na lang din nila ang kanilang atensyon sa pagkain habang ako naman ay may biglang naalala so, I looked at Aiden with a frown. “Bakit mo pala hinabol ng flame balls kagabi sina Gwen?” Takang tanong ko dito habang nakakunot pa ang nuo ko.
 
He stopped what he’s doing before he face me. “I did not saw you last night when I was looking for you,” sagot niya at nakuha pang kumibit-balikat na ikinasingkit ng mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
 
“You what?” Pag-uulit kong tanong dahil hindi ko makuha kung bakit niya pa rin hinabol at sinunog ang first floor ng dorm. Ano, dahil hindi ako nito makita, nagwala na siya? Baliw yata ‘to!
 
“Tsk. They threatened me to make you dislike me, that’s why,” wika niya na ikinatigil ko naman. Hindi naman magpakundangan sa pagbilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa sinagot niya.
 
“Dami mong katwiran,” tanging naisagot ko na lamang at nakitang ngumisi siya bago ako muling subuan. Kumakain rin siya pero mas madami lang talaga ang sa akin kaya hindi ko mapigilang sitahin siya. “Patatabain mo ba ako?” Tanong ko sa kaniya ng patuloy pa rin siya sa pagpapakain sa akin.
 
He smirk before feeding me again. “Yes. You will look more beautiful when you are chubby,” sagot niya kaya napanguso na lang ako, lalo na at ramdam kong namumula ako ng bahagya.
 
I swallowed the food and face him. “Sweet talker and please, stop making me blush,”  I said that making him smile charmingly. Tila natutuwa pa siya sa narinig mula sa akin.
 
“Really? I didn’t mean to, baby. But you know, I love making you blush,” he answered at kasunod nito ay ang boses ng Alphas—na narinig pala ang sinabi niya.
 
“Ayieee…”
 
They said kaya napatingin sa amin ang ibang mga kasama namin. Napaiwas naman ako ng tingin lalo na ng nakita ko pang tumatawa si Aiden habang nakatingin sa akin kaya nakasimangot ko naman siyang nilingon na lalo naman niyang ikinatawa.
 
“Class, eat faster and after we rest, we will starts hiking,” natahimik naman sila dahil sa sinabi ni Sir Ali kaya tinapos na namin ang pagkain.
 
Pagkatapos namin ay nagpahinga kami ng ilang minuto bago nag-umpisa ng umakyat sa bundok. Nauna na ang mga gamit namin sa taas at kami na lang ang hinihintay. Nando’n na rin ang ibang staffs at baka nag-set up na sila ng mga gagamitin at mga kaiilanganin.
 
 
Inaalalayan ako ni Aiden habang paakyat kami at mabato ang part na ito kaya medyo mahirap akyatin but I like the surroundings. May nakikita pa kaming mga hayop at mga kakaiba ang mga itsura nila and I love the ambiance.
 
“Keep going,” wika naman ng prinsepeng umaalalay sa akin ngayon at napansin ko namang nahuhuli na kami. Huminga ako ng malalim at muling lumakad.  Nahuhuli na kami dahil sadyang mabibilis lang sila at ito ulit ang unang beses kong mag-hike muli dahil matagal-tagal na rin ang huling beses kong ginawa ito.
 
“Wait lang…” saad ko bago tumigil. Hinawak ko ang kanan kong kamay sa tuhod ko at bumuntong-hininga. Then I looked at Aiden who’s currently looking on his left side and he looks serious. Tumingin rin ako sa tinitingnan niya pero wala naman akong nakikitang iba kung ‘di mga puno lang at halaman. Tumayo naman ako ng tuwid at ginalaw ang kamay kong hawak niya kaya napalingon siya sa akin. “Aiden Axel, mauna ka na kaya?” Saad ko ng magtama ang mga mata namin. Nakahihiya naman sa kaniya at baka mainis lang ito sa akin dahil ang bagal ko.
 
I saw how his eyebrows rose while looking at me in disbelief. “Are you expecting me to follow you?” Taas kilay nitong tanong na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko kaya napalunok naman ako bago ngumuso.
 
“Eh, kasi, eh… tignan mo, ang layo na nila sa ‘tin at baka mainis ka pa dahil ang bagal kong maglakad. Okay lang naman sa akin kung—” napatigil naman ako sa pagsasalita ng bigla na lang niya akong siilin ng halik kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapapikit.
 
He moves his lips but I was like a rock standing there because of the shock, then he put his free hand on my nape to deepen the kiss but it lasted for seconds. Humiwalay siya sa akin at tinignan ako sa mata.
 
“Don’t say like that again or else, I will punish you with a kiss until your lips will be swollen, understood?” Parang wala naman ako sa sarili na napatango habang nakatingin sa mga mata niya. Then I noticed how his eyes turned to my lips and a sexy smirk flashed on his lips. “As long as I want to kiss these luscious lips of yours, I just can’t because of this goddamn camping,” napangiwi na lang ako dahil sa sinabi niya.
 
“Bata pa po ako…” I said in a low voice but he still manage to hear that.
 
He look at me flatly before saying, “Don’t fucking remind me, baby…” napangiwi naman ako dahil sa pagmumura siya—ang lutong lang at napansin niya ang reaksyon ko. “Sorry for the language, my Hope…” then he smiled at me. Bilis magbago ng ekspresyon… “You should punish me whenever I’m cussing, baby, you know…” saad niya na ikinataas naman ng kilay ko.
 
“Ano namang klaseng parusa?” Taas kilay kong tanong na lalo siyang ikinangisi.
 
“The kiss punishment,” he said that made me look at him flatly.
 
“Bata pa—” hindi ko naman magawang matulog ang sasabihin ko dahil tinignan naman niya ako ng masama. Lumabi na lamang ako pero ang totoo niyan ay gusto ko talagang ngumiti.
 
“Hoy, lovebirds! Bilisan niyo naman! Mamaya na maglandian!”
 
Bigla naman akong napatingin sa itaas ng marinig ko ang boses ni Kaizer at kasunod no’n ay ang tawanan nila. Ang layo na nila sa amin ngunit dahil sa lakas ng boses ni Kaizer ay rinig na rinig namin siya. Bulabugin ba naman ang tahimik na kagubatan na ‘to! Kapag talaga ‘yan nanuno, ewan ko na lang. Pero teka, mayroon bang gano’n dito?
 
“Tsk! Damn you, Morri—” I did not let him finish his words because I gave him a peck on his lips which made him shocked and looked at me with his wide eyes.
 
Gusto ko tuloy matawa lalo na ng makita kong unti-unting namumula ang kaniyang buong mukha. His reaction is also priceless! Nakapagtataka lang dahil ganito ang naging reaksyon niya kahit na ilang beses niya na akong ninakawan ng halik. Para tuloy siyang babae na first time na nahalikan!
 
Then he touched his lips while still looking at me—still shocked which made me smile before saying, “Don’t cuss, prince of fire,” I said and gave him a peck on his lips once again before I continue walking—leaving him dumbfounded.
 
Oh, darn, bakit gustong-gusto ko rin siyang pinag-ba-blush?
 
I looked back at him ng makalayo-layo na ko ng kaunti at nakita siyang nakahawak pa rin sa kaniyang mga labi at parang baliw na nakatingin sa kawalan habang nakangiti pa ito. Natawa ako pero hindi ko nilakasan ‘yon. Kung alam ko lang na ganito pala ang epekto sa kaniya kapag ako ang nagnanakaw ng halik, baka dalas-dalasin ko na! But I’m still young! Huhu! Pero malapit naman na ang birthday ko—hays! Halatang gusto rin ang prinsepe ng apoy, eh!
 
“Quits na tayo, prince of fire!” Malakas kong wika na ikinatingin niya naman sa akin. Nakangiti ako ng malawak pero ng makita ko ang malademonyo niyang ngisi ay napatakbo na lang ako ng mabilis palayo sa kaniya.
 
“Be ready for your punishment, Mrs. Smith!”
 
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig kaya mas lalong binilisan ko pa ang takbo. Kung hirap na hirap ako sa pag-akyat kanina ay nakagugulat lang dahil mabilis akong nakarating sa taas ng bundok. Adrenaline rush na rin siguro dahil alam kong may binabalak na naman ang lalaking ‘yon!
 
Nakarating ako sa taas pero hindi ko napagtuunan ng pansin ang magandang paligid dahil nagmadali akong tumakbo sa kinaroroonan ng Alphas at nagtago sa likod ni Kuya Logan na ikinataka naman nila.
 
“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo, Lara?” Tanong ni Gwenny na katabi lang ni Kuya Logan at lahat sila ay nakatingin na sa akin ng may pagtataka.
 
“At na saan si Aiden?” Takang tanong naman ni Rielle bago inilibot ang paningin.
 
“Hinabol niya kasi ako, eh. Kaya iniwan ko,” sagot ko naman ng makabawi na ng hangin. Tinignan naman nila ako ng nanunuksong tingin kaya napailing na lamang ako.
 
“Hindi na ako magtataka pa kung susunod nito ay kasal na,” nakangising wika ni Jacob habang nakatingin sa akin at nakita ko pang sumang-ayon silang lahat sa sinabi nito.
 
“Hoy! Anong kasal?! Bata pa ang pinsan ko!” Tutol naman bigla ni Lucas at bigla na lang akong hinila mula sa likod ni Kuya Logan at tinago sa likod niya at nakita ko na lamang na napangiwi sila.
 
“Tsk! Peri, ‘wag ka ngang maging isang hadlang!” Wika ni naman Chris na katabi si Gen at bigla ko namang naalala ang dare namin sa kaniya.
 
Matanong nga sa kaniya kung magkakaroon ako ng pagkakataon.
 
Hindi sumagod si Lucas pero alam kong tinignan niya ng masama si Chris. Naging tahimik ang pagitan namin at ang iba ay naman ay namamahinga. Nagtaka naman ako dahil kanina pa wala si Aiden at hindi dumadating. Pero bigla na lang nanindig ang balahibo ko ng may maramdaman akong hangin sa kanan kong tenga at kasunod no’n ay ang mapang-akit niyang boses.
 
“Miss me, Mrs. Smith?”
 
Bigla akong napalingon dito at bigla ring napaatras dahil sa lapit ng mga mukha namin. Dahil sa pag-atras ko ay nabunggo ko tuloy si Lucas na dahilan upang humarap siya sa akin.
 
“Oh, nandito na pala si Aiden, eh!” Napalingon naman ako bigla kay Lucas ng marinig kong parang masigla siya. Anong nangyari sa kaniya? “Tsk! Ayaw sana kita kay Lara pe—” hindi na niya natuloy pa ang kaniyang sasabihin ng bigla na lang kaming nakarinig ng isang malakas na paghampas ng kidlat kaya ang iba ay napasigaw at napatili pa dahil sa gulat. “Ayan ka na naman, eh! Hindi na naman patatapusin ang sasabihin ng kausap niya!” Sumimangot pa si Lucas at tinignan ng masama si Aiden, at nakitang gano’n din ang klaseng tingin na ibinibigay sa kaniya ni Aiden.
 
“Okay, class! Gather here!”
 
Naputol lang ang titigan nila ng biglang magsalita si Sir Ali kaya kaagad naman namin siyang sinunod kaya naman nag-umpisa na siyang mag-discuss kung ano ang gagawin namin ngayon dito.
 
I just wish that this camping will go well.
 
***

Lumina Academy: The Golden Hope (Realm Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon