Kabanata 2

58 22 1
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas, hindi pa rin nagigising si Anna. Ngunit, hindi matigil ang suporta ng mga taong malapit sa kanya, maging ang mga fans niya. She is a great writer, all her works are loved by so many people. She received lots of award because of her creative mind and not just because of that, because of the person behind her success, her only editor and her fiancé Gabriel Valdez.

"Gab,"

Natigil siya sa paglalakad palabas ng ospital nang may tumawag sa pangalan niya. At kahit hindi siya lumingon, kilalang kilala niya ito.

"I'm really sorry for what happened. It's all my fault. I never thought—"

"This is entirely your fault and let's keep it to that. Now, I don't want to hear any of your lies again." Hindi na siya nag-atubili pang tingnan si Dhapnie sa mukha. He hated her for doing reckless things and he knows, she can do much cruel than this.

Ngayon lang nakauwi si Gab sa apartment niya. Oo, pagod siya. But this doesn't mean he would gave up. Anna will wake up one day and the one she will going to see first will be him. But today, everyone pushed him to go back to his apartment at magpahinga muna. Tumutol siya pero nung ang papa na ni Anna ang nagsabi, umuwi na siya. Balak niyang bumalik ulit mamayang gabi. Sa ayaw nila't sa hindi.

Every day, he's determined to wake her. He constantly talks to her since day one na nilipat siya ng private room. He knew Anna would hear him, kinukwento niya ang mga pinagdaan nila nung nagsisimula pa sila lalo na nung hindi pa sila at palagi silang nag-aaway. Gab is an evil editor. He even made Anna stop from reaching her dreams noong sinabi niya na walang kwenta ang pinagsusulat nito. The rest was their history. They already reached their dreams with all the hardships came along their way.

Hindi pa siya nakakapasok ng apartment niya, tumambad na naman si Sebastian sa harap niya. Bumuntong hininga siya at dumiretso sa pinto.

"Lord Gab, totoo ba? Naaksidente si Ate Ganda?" Tanong ni Sebastian na kinainis ni Gab pero wala siya sa mood na bulyawan ito kaya di siya nagsalita.

"Napanood ko sa TV, nakakalungkot na papalitan muna pansamantala yung head writer ng "Hidden". Paano nalang kung pangit kinalabasan. Bukas may rally, plano ko ngang sumama at—"

"Sebastian, diba pinaalis na kita dito? Binalaan na kita. Malaman ko lang na andito ka pa paglabas ko, itatapon ko na lahat ng gamit mo." Tumalikod na siya at nagsimulang buksan ang pinto.

"Lord, wala pa akong nahahanap na trabaho, sana maintindihan niyo. Araw-araw kong nililinis ang labas. Naging tubero ako dito nung wala kayo. Nagkaproblema kasi sa—" Binagsakan na niya ng pinto si Baste at dumiretso sa higaan niya para humiga.

Ni pagpikit niya, si Anna pa rin ang nakikita niya. Naalala niya nung biglaang trip nila sa dagat nang maflat yung sasakyan niya. It was the most romantic trip at doon niya naisipang magpropose kahit wala pa siyang dalang singsing. Because it's the best view he can't just waste.

Anna is two months pregnant, the baby is fighting its own battle. It's so amazing how the baby resembles his / her mother—A warrior. Dahil dito, he can't just afford sit down and not to fight. He needs to do the same thing over and over again. Until she wakes up.

"Monica just died a month ago and you are doing this!" Tinapon ng ama ni Simone lahat ng nasa table nito. Mga pictures kung saan meron siyang kasamang ibang babae. Not just other girl, but Monica's trusted secretary. He didn't moved nor didn't said anything from what his father knew.

"What will her father do kung nalaman niya 'to? You will be thrown to dirty mud! We're all are! Come to your senses Simone!"

He lit up his cigarette as he walks toward his glass wall. "Kaya ka nga nandito pa diba, to protect me." He reminded calmly. As if hindi siya takot sa kung ano ang mangyayari. Because he knows Monica's father trusted him so much. At hindi ito mag-iisip ng masama sa kanya. Lalo pa't siya ang naging sandigan nito pagkamatay ni Monica.

"I cannot guarantee to protect you every time, Simone. You know I am sick." Mahinahong sabi ng papa niya kaya nilapitan niya ito. Kinuha ang sigarilyo na nasa bibig bago nagsalita.

"Don't worry pa, they will never knew about this. Never. I'm going to get what we wanted from the start." At dahil sa sinabi niya, napatahan na ang papa niyang si Miguel. Alam niyang kung ano ang sinabi ng anak niya, gagawin niya ito. Hindi niya lang mapigilan ang masamang ginagawa nito dahil siya nalang ang pag-asa niyang mabawi ulit ang dati nilang tinayong negosyo.

Habang nagyayakapan ang mag-ama, nasa tabi ang kaluluwa ni Monica, nakakuyom ang mga kamay nito sa galit. Simula nang namatay siya, marami siyang nasaksihan. Ang akala niyang mabait at loyal niyang asawa, binabahay na pala ang secretary niya. At ang akala niyang perpektong pamilya, meron palang tinatagong baho.

Dahil sa hindi niya matanggap na pangyayari, lumabas siya ng bahay nilang mag-asawa at pumunta sa dati niyang bahay kasama ang pamilya niya.

Bago siya makapasok, natigilan siya nang makita ang papasok na ambulance.

"Si mommy!" Sigaw niya na may halong takot habang papasok siya. Kita niya ang ama niyang tahimik lang pero nakakuyom ang kamay. Ang teenager niyang kapatid na si Julia na nakayakap sa ama. At hindi nga siya nagkakamali. Iniakyat na sa loob ng ambulance ang mama niya at sumabay siya dito.

"Mommy, look at me, please. I beg you!" Mangiyakngiyak niyang sabi. Tumulo lang ang luha nito at tila naririnig siya. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi niya magawa. She is so desperate to come back kaya ganoon nalang ang pagtatago niya sa grim reaper na sumusundo sa kanya.

***

Nagmamadaling lumabas ng apartment si Gab papunta ng ospital nang tumawag ang mama ni Anna na naging critical ulit ang lagay niya.

"Lord, malubha pa ba si Ate Ganda?" tanong ni Baste nang madatnan niya si Gab habang nagwawalis siya sa labas. Ngunit hindi siya nito pinansin. Nakita niyang balisa si Gab at parang wala sa sariling nagmadali. Hindi na nga niya magawang magbihis ng maayos dahil nakapambahay pa ito. Nang pumasok ito sa kotse, agad na pumasok si Baste sa likod pero hindi siya napansin. Hindi na din siya nag-abalang kausapin pa si Gab.

"Don't die Anna, please. Don't die." Paulit ulit na sabi ni Gab habang nagdadrive. Nalulungkot si Baste sa mga naririnig niya pero ayaw niya lang isturbohin ang concentration nito sa pagmamaneho.

Nang makarating na sila sa ospital ay dali-daling lumabas si Gab. Sinundan din niya ito papunta sa loob. Nakarating sila sa isang private room at pumasok agad si Gab. Mula sa glass door, nakita niyang niyakap si Gab ng tingin niya ina ni Anna. Kasama din ni Gab sa loob ang ama ni Anna at ang doctor. Seryoso silang nag-uusap na tila may sinabi ang doctor na sanhi ng pag-iyak nilang tatlo.

Nang makita ito ni Baste, nalungkot siya dahil alam niyang malungkot na balita ang maririnig niya dahil sa mga emosyong pinakita ng mga taong nasa loob.

Gusto niyang tulungan si Gab at alam niyang makakatulong siya. Kahit mapanganib ang naiisip niya, buo ang loob niya. Malaki ang pasasalamat niya kay Gab dahil tinanggap niya ito nang hindi kinikwestyun ang istado niya sa buhay. Alam niyang ito lang ang maitutulong niya, kaya nakapagpasya na siya.

Umuwi siya at dali-daling hinanap ang potion na pinatago ng lola niya sa kanya bago ito pumanaw. Naalala pa niya ang sinabi nitong ibigay ito sa taong kusang pupunta sa kanya pagnakarating siya ng Maynila. Ngunit tatlong taon na ang lumipas wala pa ring pumunta sa kanya. Naalala niya na para saan ang potion na ito nang gamitin ito ng lola niya at tingin niya, ito ang makakatulong ng higit kay Gab ngayon.

Pagbalik niya sa ospital, nakita niyang nag-iisa nalang si Gab na nakabantay kay Anna. Nakabalot ang dalawang kamay nito sa kamay ni Anna habang nakayuko ang ulo niya. Dahan-dahan siyang pumasok pero hindi tumingin si Gab sa kanya.

"Lord Gab," mahinahon niyang sambit.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now