Chapter 59: A SISTER'S DEMISE

Start from the beginning
                                    

Akmang tatayo si Kasanaya ng makaramdam siya ng biglaang pananakit ng kanyang dibdib. Parang pinipiga ang kanyang puso at nahirapan siyang huminga, dahilan para mapaupo siyang muli sa kanyang trono. Hawak-hawak ang kanyang dibdib ay bigla niyang naala ang kanyang kakambal.

"Daleria..." ang bulong nito. Nararamdaman niya na may nangyaring masama sa kanyang kakambal. Pinilit pa rin niyang tumayo kahit na masakit pa rin ang kanyang dibdib pero bigo siyang gawin ito. Humawak siya sa sandalan ng kanyang trono at pinilit pa rin niyang tumayo. Kailangan  niya ng tulong, kailangan niyang mapuntahan ang kakambal upang malaman ang kalagayan nito. Kilala niya si Daleria, hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Marahil bumalik ito sa kuwarto na kung saan nakasukol ang diyosang si Tala. Sa tingin niya ay bumalik si Daleria sa kuwarto na pinagsukulan nila kay Tala. Baka nakaligtas ang diyosa at naisahan si Daleria kaya nararamdaman niya ngayon ang nararamdamang sakit ng kanyang kakambal. Hindi siya mapalagay sa kanyang sitwasyon ngayon. Gusto niyang sumigaw upang tawagin ang kanyang mga mandirigmang sundalo para tulungan siyang puntahan ang pinakamamahal niyang kapatid.

Sinubukan inihakbang ni Kasanaya ang kanyang mga paa pero pakiramdam niya ay nanginginig at nanghihina ang mga ito. Kailangan niyang mapuntahan ang kanyang kapatid, masama ang kanyang kutob dahil hindi lang minsan nangyari sa kanilang magkapatid ang ganitong pakiramdam. Halos gumapang siya sa sahig ng palasyo ng makita siya ng isa sa mga personal niyang alalay na si Dayao.

"Panginoong Bulan, ano pong nangyari sa inyo?" Ang wika ni Dayao at patakbong pinuntahan ang kanyang amo. Wala siyang kamalay-malay na si Kasanaya ang nasa harapan niya at hindi talaga si diyosang Bulan.

Tumingin si Kasanaya kay Dayao at sinubukang nitong umusal ng mga salita ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Lalong nataranta si Dayao sa nangyayari sa kanyang amo kaya nagtawag pa ito ng mga kawal sa palasyo para tumulong sa kanya. Mabilis namang tumugon ang mga kawal na tinawag at tinulungan siyang binuhat at iniupo sa trono si Kasanaya.

"Tawagin ninyo ang manggagaway na si Handiong dali!" Ang utos ni Dayao sa dalawang kawal na mabilis namang tumalima sa kanyang utos.

Mahigpit na humawak si Kasanaya sa kanyang alalay na hirap pa rin sa paghinga. May gusto siyang sabihin kay Dayao pero hindi niya ito magawa. Alam niyang wala ng oras kaya sinubukan niyang muling tumayo para puntahan ang kanyang kapatid. Pinipigilan siya ni Dayao para tumayo ngunit walang magawa ang alalay sa kanyang taglay na lakas kaya imbes na makatayo ito ay muling bumagsak sa sahig si Kasanaya.

"Panginoong Bulan, hintayin po natin si Handiong baka ano na po ang mangyayari sa'yo." Ang nag-aalalang wika ni Dayao sa kanyang panginoon.

Muling tumingin si Kasanaya kay Dayao na nanlilisik ang mga mata. Napaurong si Dayao sa kanyang nakita dahil sa pagkabigla. Parang napako ang kanyang mga mata sa pagbabagong anyo ng inaakala niyang si diyosang Bulan na matagal-tagal na rin niyang pinaglilingkuran.

"Si... Daleria, ang...ang aking kapatid, may...may masamang nang...nangyari sa kanya. Tawagin mo... ang mga kawal, puntahan...ang silid ni Tala!" Ang pautal-utal na wika ni Kasanaya sa kanyang alalay.

Tulala pa rin si Dayao sa kanyang nakita kaya tila wala itong narinig sa utos sa kanya ng kanyang amo. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nasambit nitong kapatid niya si Daleria na isang Mangcucusi.

"Kumilos ka na!!!" Ang nagngingitngit na sigaw nito kay Dayao na nagbigay ng lalong takot sa alalay.

"Oopo, opo panginoon." Ang halos matarantang wika ni Dayao na mabilis na tumayo at kumilos para sundin ang kanyang panginoon sa kanyang iniuutos.

"Mga kawal! Mga kawal!" Ang malakas na sigaw ni Dayao habang patakbong papalabas sa bulwagan ng Palacio Lunar.

---------------
Paglabas nina Laurea sa pintuan ay sinalubong na sila ng mga paparating na kawal ng palasyo. Nagpalinga-linga sina Laurea sa magkabilang pasilyo para makahanap ng lugar na puwede silang makalabas, pero kahit saan nila ibaling ang kanilang paningin ay may paparating na mga armadong mga kawal.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now