"You're gonna be the one that saves me..." Sabay sa tugtog nilang kanta. Pagkatapos nito, napahinga sila ng malalim at sabay pang tumawa.

"I'll never forget that night." Pagsisimula ni Dhapnie habang nag-aantay na mag go signal light.

"Yeah, you were a total performer." Bilib na bilib si Anna habang napapabalik tanaw sa nangyari noong College pa silang dalawa.

"And you were my great fan. The best in shouting and screaming my name." Humalakhak siya at sumabay na din si Anna.

"Well, I'm really your fan. Sa galing mong kumanta, lahat napahanga mo... especially Gab." Mahinang sabi ni Anna. Napatingin si Dhapnie sa kanya, tahimik lang na ngumiti si Anna dito. At sa di inaasahang pagkakataon, biglang lumiwanag ang paligid. Huli na nila namalayan ang paparating na malaking truck sa tabi ni Anna.

***

"Hindi ka mapakali dyan." Pansin ni Bart habang ilang beses napatingin si Gab sa phone niya.

"Kanina pa hindi nagtetext si Anna, pre." Nag-aalalang sabi ni Gab habang paulit-ulit na dina-dial ang number nito.

"Relax ka lang. Kasama niya si Dhapnie, babalik din yun." Bart assured him pero hindi pa rin siya mapakali.

Huminga ito nang malalim. Ewan, parang bigla siyang kinabahan na hindi niya mapigilan.

Dapat ay nasa hotel na sila ngayon dahil sa Sunday na ang kasal. Bumalik siya sa apartment na pagmamay-ari niya nang nakalimutan niya ang regalo niya para kay Anna.

Natigilan silang dalawa nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Oh, baka siya na yan. Nako, bawal pa naman magkita before the wedding." Dali-daling tumakbo si Gab at hindi na pinansin pa ang mga sinasabi ni Bart. Pagbukas niya, muntik na niyang yakapin ang taong kumakatok sa pag-aakalang si Anna ang makikita niya. Pero nagkakamali siya.

Tumambad sa kanya ang matagal na niyang tenant na si Sebastian Santisima, tubong Samar. Napabuntong hininga siya at umiling. "Baste, hindi ko na kayang payagan ka kahit magmakaawa ka pa."

"Lord Gab, maawa kayo, wala na akong matutuluyan. Alam mo namang mahirap humanap ng kasing bait na Land Lord katulad mo. Biglaan lang talagang natanggal ako eh." Paliwanag niya.

"Baste, alam mo naman ang rule ko dito. Masyado na nga akong maluwag sayo. Paano naman ang ibang nakatira dito, unfair naman sa part nila." Naiinis na sagot ni Gab, "At pwede ba, wag mo muna akong istorbuhin ngayon. May ginagawa ako."

"Bigyan kita ng potion, libre yun. Galing pa sa lola ng lola ng lola ng lola ko yun. Effective, sure ako. Lahat ng hihilingin mo matutupad" Proud niyang sabi.

"Eh bakit hindi mo gamitin? Humiling ka na sana magkaroon ka na ng sariling bahay nang hindi na kita makita."

Naging malungkot ang mukha niya, "Lord naman. Hindi yun tatalab sa akin. Hindi yun ginawa para gamitin sa pamilya namin."

Bumuntong hininga nalang siya at paulit-ulit na umiling. "Hindi ko kailangan yan ngayon. Busy ako. Bibigyan kita ng isang lingo para umalis sa apartment ko. Pasensya na talaga." Huling sabi ni Gab bago ito pagsarhan ng pinto. Nakailang katok pa si Baste pero hindi na niya ito pinansin.

"Ano na namang dahilan ng probinsyanong 'yun?" Tawang tanong ni Bart habang busy sa paglalaro ng mobile games.

Hindi na sumagot si Gab. Umupo na ito at nagsimula ulit tawagan si Anna, pero nabigla siya nang naging out of coverage na ito. Napatayo siya sa at pinagpapawisan na kahit malakas ang aircon ng apartment niya. Kinutuban na siya. Oo, ilang beses nagpapatay ng phone si Anna lalo na pag nagsusulat siya. Pero ngayong gabi, tila iba na talaga ang kutob niya.

Makalipas ang isang oras, tumawag ang mommy ni Anna at binalitang malubha ang lagay ni Dhapnie at Anna matapos ang aksidenteng kinasangkutan ng dalawa. Dali-daling dumiretso silang dalawa ni Bart sa ospital na sinabi sa kanya.

At doon nakita niya ang ilang relatives at mga kaibigan ni Anna na nasa labas ng operating room. Agad siyang niyakap ng ina ni Anna habang humagulhul ng iyak. "I don't know what to do. She is in critical condition, Gab." Nalulumong sagot ng ina nito. Niyakap niya ito ng mahigpit at unti-unting dumaloy ang luha niya. Hindi niya inakalang mangyayari ang ganitong trahedya bago sila haharap ng simbahan sa linggo.

All of them are waiting for a safe and good answer from the doctor. Ilang oras din silang nag-antay. Matagal ang operasyon. Mas critical si Anna kumpara kay Dhapnie, as per police, nakabukas ang bintana kung saan nakaupo si Anna. Malala ang kondisyon niya lalo pa't nabagok ang ulo niya dahil hindi din ito nag seatbelt.

He is praying deeply. Okay na sa kanya na pansamantalang hindi matuloy ang pinakaasam nilang kasal mabuhay lang si Anna. Wala siyang pakialam kung ilang taon siya mag-antay, if it's worth the wait, why not. All he had in mind is for Anna to be safe and sound. He wanted to bargain everything, just for her to come back.

Lumabas ang doctor at bumuntong hininga, sabay pa silang lahat na napatayo at lumapit dito maging si Gab at ang mommy ni Anna.

"Patient Dhapnie Gomez is finally safe. She will be transfer into a private room." Paunang sabi ng Doctor.

"What about my daughter, Doc? Don't tell me..." Kinakabahan na sabi ng Mommy ni Anna

"She's safe but I doubt magiging stable siya agad. She suffered a lot."

"Please get into the point immediately" Utos ni Gab habang nakakuyom ang kamay niya sa galit.

Bumuntong hininga ang doctor at tumingin sa kanya, "She may suffer comatose. Matindi ang naging impact sa utak niya dahil sa aksidente. It's better to be prepared for what's about to come."

Lahat nang nandoon ay nanlumo at nanghina. Hindi na nila alam saan huhugot ng lakas. Anna Liza gave them light and blew it out in an instant. Especially for Gab. Anna gave him everything he dreamt. For him she is everything he could ask for. Sobra pa nga. Maraming masasayang bagay ang nangyari sa buhay niya, lahat ng paghihirap ay nakayanan nila. At ngayon, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Lubos siyang nasasaktan.

"I don't know how to say this, but she is pregnant. The baby is safe." Patuloy ng doctor. Everyone gasp, both excited and worried at the same time.

We're having a baby? He is deeply happy and everyone too. Gab didn't know what to feel for now. Masaya siya at malungkot. Dalawang mahalagang tao ang critical ngayon.

Habang ang iba ay isa-isang umuwi pagkatapos dalhin si Anna sa ICU, naiwan ang ina ni Anna at si Gab. Nanatiling nasa tabi ni Anna ang ina nito na pawang kinakausap ang anak niya habang si Gab naman ay nasa tabi nito.

"I know, you are strong anak. Everything you had come from your sweat and your eagerness. You can do better than this. For your baby and for us who's praying for you."

Everything will be fine. Anna will be safe, God knows kung gaano siya kabait at kaimportante sa lahat ng tao na kilala niya. He also know for sure, many people will be praying for her.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now