Eleventh Symphony

Magsimula sa umpisa
                                    

Saglit na nag-loading kay Yassi ang mga sinabi ko. Nang tuluyang magsink-in sa kanya ay bigla na lang siyang bumunghalit ng tawa. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mangilan-ngilang estudyanteng napatingin sa amin. Nakakahiya! Pero imbes na pigilan ko si Yassi sa pagtawa ay tinitigan ko lang siya.

"Ha! Ha! You're really---" Tumawa na naman siyang muli pero halatang pinipigilan na nito. Nakita ko ring pinunasan ni Yassi ang mu-munting luha sa gilid ng mga mata niya. "Tama na. Ayoko na. H'wag ka na ulit magjo-joke ng ganoon, Rinne."

"Fine. Whatever." Tinalikuran ko siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Buti na lang talaga at may oras pa kami bago ang susunod na subject naming. "'Di naman maaapektuhan ang mga grades ko kapag di ako sumali sa mga clubs, 'di ba? Might as well skip it again, baka mahirapan din akong balansehin ang oras ko. There's a lot in my cup already, Yassi, and you know that."

"I still think you need to join one though." Hindi ko na sinagot pa si Yassi at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Hindi rin nakakatulong ang pakiramdam na parang may tumutusok sa likurang parte ng ulo ko.

🌸 🌸 🌸

Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa nang marinig ko ang announcement ng World Literature professor namin. Bakit ngayong graduating na kami saka pa nila naisip na i-require sumali sa mga clubs. Ang dami na nga nilang pinapagawang projects and stuff, tapos dadagdagan pa nila. 'Di na sila naawa sa amin.

"Ngayon wala ka ng choice kundi sumali sa kahit anong club, Rinne." Napa-angat ako ng tingin kay Yassi na kasalukuyang kumakain ng paborito niyang mac and cheese. Buti pa ang isang 'to hindi na pro-problemahin ang bagay na 'yon. "So anong desisyon mo? I can talk to Greta later since may meeting kami para sa quarterly publication ng university herald."

"Do you really think I can do it?" Nakapangalumbabang tanong ko kay Yassi. I only take photos as a hobby, kaya naman hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang sinasabi ng best friend ko.

"Ano ka ba! Give yourself a little bit more credit, Rinne. Alam kong kaya mo 'yon plus hindi naman ganoon kahirap ang ipapagawa sa'yo pag nagkataon. Panigurado mostly portraits ng mga tao lang ang kukuhanan mo ng litrato o kaya events."

Napabuntong-hininga ako. I might as well grab it. Wala naman akong maisip na ibang club na pwede kong salihan. Plus I would be with Yassi kapag sumali ako sa journalism club. Kung bakit pa kasi nila rinequire.

"Ugh! I hate Mr. Roas!" Dumukmo ako sa lamesa. Naramdaman ko ang mahinang pagsipa ni Yassi sa paa ko kaya naman napaangat ako ng tingin sa kanya. "What?"

"Don't say that! Baka may makarinig sayo at isumbong ka kay Sir." Suway niya sa akin pero I couldn't care less. 'Di ko na lang siya pinansin at linabas ko na lang ang iPod ko. I might as well listen to Stan's music para mawala ang badtrip ko. Pakiramdam ko nga ay nagtataksil ako sa mahal kong idol kasi ilang araw na rin akong hindi nakikinig sa musika niya. Simula kasi ng ginulo ni transfer student ang daily routine ko ay 'di ko na napapakinggan ang mga kanta ng iniidolo ko.

I may have dooze off while listening to his music 'because I'm hearing Yassi's voice from a distance. Nakaramdam din ako ng mahinang pag-alog sa akin.

"Rinne." Ayoko pang i-angat ang ulo ko. I shouldn't have dozed off, para tuloy minamartilyo ang pakiramdam ko. "Hey, wake up baka ma-late tayo sa susunod na klase natin."

I groaned and slowly lifted my head. Damn, it really hurts. Napahawak ako sa ulo ko saka sumandal sa lamesa. "Are you okay?" Sinipat ni Yassi ang mukha ko. "OMG! You look so pale, Rinne. Dadalhin na kita sa clinic." Akmang aakayin ako ni Yassi patayo pero pinigilan ko siya.

"Ayos lang ako, Yassi. Maaga na lang akong matutulog mamaya pag-uwi."

"No! H'wag ng matigas ang ulo, please? 'Pag may nangyaring 'di maganda sa'yo, I won't forgive myself at siguradong magagalit si Tita Reina kapag nalaman niya!"

Napapikit ako sa mahinang pag-sigaw ni Yassi, ang lapit pa naman niya sa tainga ko. Mas nakadagdag tuloy ito sa sakit ng ulo ko. Ibinalik ko sa loob ng bag ang iPod ko. Ayoko mag-absent sa klase kaya naman hangga't kaya ko ay papasok ako.

"Please Yassi, tapusin ko lang itong next subject natin and I promise di-diretso na ako ng uwi."

Bakas pa rin sa mukha ng best friend ko ang pag-aalala but she knows me better. Na kahit ano pang sabihin niya ay hindi ako makikinig. I heard her sigh. "Promise?"

Tumango ako saka dahan-dahang tumayo pero nakakaisang hakbang pa lang ako ay unti-unting nagdilim ang paningin ko. Damn, this feels like some sort of déjà vu. The last thing I heard before blacking out was Yassi screaming my name.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon