FINALE...

4.9K 58 2
                                    

Bachelor Girl's Series 1: You And Me (Kayzee's Story)

by: Nayat

FINALE...

Dumating na ang oras para pumunta na ako sa lugar kung saan kami magde-date ni Callan. Sobra ako kinakabahan talaga. Naeexcite ako na ninenerbyos. Kaya inayusan na ako ng tatlo kong kaibigan. Sabi ko nga magdedate lang, hindi kami pupunta ng party para ayusan nila ako ng bongga. Mga sira talaga 'to. Ang dahilan lang nila, dapat daw maganda ako sa gabing 'to. Pero sa totoo lang, nakakahalata na ako sa ikinikilos ng tatlo na 'to. Pero hindi ko na lang pinapansin, baka napaparanoid lang ako.

After nila ako ayusan, tamang-tama naman dumating ang driver ng family ni Callan para sunduin ako at ihatid kay Callan. Kaya umalis na ako, si Kaylla iniwan ko naman sa tatlo kong kaibigan. Sila na daw bahala sa anak ko.

6 pm kami nakarating ni Kuya Driver sa kung saan Restaurant kami magdedate ni Callan. Pagkababa ko ng sasakyan, umalis na si Kuya driver. Kaya pumasok na ako sa loob ng Restaurant. Pagpasok ko, nagtaka ako kung bakit walang katao-tao. Parang walang costumer na pumunta. Pero may lumapit sakin na guapong waiter.

"Kayo po si Maam Kayzee." nagnod lang ako, "this way po Maam."

Saka naman nya ako sinamahan sa Garden ng Restaurant. Pagdating ko sa Garden, namangha ako sa nakita ko. Dahil sobrang ganda ng view, at sa gitna ng Garden na yun, andun ang mesa na kung saan nakalagay ang candle light at kung ano pang mga pagkain. Napansin ko pa, red carpet ang lalakarin ko papunta sa mesa na yun. Ang hindi ko lang napansin, ang pagkawala ng waiter sa tabi ko pagkahatid nya sakin. Masyado kasi ako namangha sa nakikita ko. Pumasok sa isip ko yung surprise na ginawa ni Callan nung Monthsary namin noon. Kaya kinilig na naman ako.

Dahan-dahan ako naglakad kasabay ng pinapatugtog sa pamamagitan ng Violin ang You And Me themesong namin dalawa.

Malapit na ako sa mesa ng biglang sumulpot si Callan sa kung saan na may hawak-hawak ng boque ng flower. Nakatitig sya sakin na may halong saya ang mukha nya.

'May gad! Ang guapo talaga ng boyfriend ko.' pasensya ha, lumalandi lang, yun na kasi napansin ko eh. Naiiyak na nga ako sa sobrang galak, saya at kilig na nararamdaman ko.

Pagkalapit ko sa mesa na may candle light, binigay sakin ni Callan yung flowers. Sobra talaga ako ninenerbyos promise. Pinaghila nya ako ng maupuan at umupo naman kami.

"A-ang ganda mo talaga." puri nya sakin. Nginitian ko na lang sya, "nagustuhan mo ba surprise ko sayo?"

"Oo, salamat ha! A-akala ko kasi ahm--" hindi ko na lang itinuloy, nahiya na ako. Sasabihin ko na sana akala ko nagbago na naman sya sakin.

"Kasi ano?"

"Ahm w-wala. Thanks nga pala dito."

"Marami pa ako ipapakita sayo at surprise." ngiti nya.

"Huh! T-talaga?"

Ayun, tamang kain at kwentuhan lang kami. Ang dami nyang sinabi sakin, andun na yung muntik na sila ikasal ni Adrianna. Kasi nung umalis ako naging miserable buhay nya, kaya isang gabi umuwe syang lasing at dun gumawa ng tyempo si Adrianna kaya nagisingan nyang magkatabi sila sa kama. At naisip ko, yun siguro yung time na nadatnan ko silang dalawa ni Adrianna hubot-hubad. Nasaktan pa nga sya nalaman nyang sabay kaming umalis ni Raymar. Pero pinaliwanag ko naman hanggang kaibigan lang talaga turing ko kay Raymar kaya naamin nyang hindi na raw sya magseselos dun. Hehe selos na selos pala sya kay Raymar. Ang poge nya talaga magselos hahaha.

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon