Chapter 20

2.2K 29 0
                                    

Bachelor Girls Series 1: You and Me (Kayzee's Story)

By: Nayat

Chapter 20

Kayzee's POV

Sa School..

Lumipas ang ilang araw.. Masakit..pero kailangan ko magmove-on. Kaya para hindi ako nagmumukhang tanga, kahit nasa harap ko pa si Callan, nagkukunwari akong hindi ko sila nakikita. Na alam ko sa sarili ko napakasakit na..

Alam ko, madami nagtaka sa amin. Pero wala na ako pakialam! Nagtitiis lang ako tutal malapit na matapos ang klase. Medyo makakapahinga na ako sa mga pagkukunwari. At sana nga..

Pagkukunwari!! Oo, nagkukunwari din ako na hindi masakit. Kahit na alam ko sobrang sakit na. Pinapakita ko na lang sa mga tao na masaya ako a kahit sa harap pa nina Sam at Jenn. Kahit na subrang durog na durog na ako.

Pakiramdam ko para akong kristal na dati sobra ako inaalagaan ni Callan, ngayon sobra nya ako dinurog ng pinong-pino. Na mahirap na buoin.

Minsan iniisip ko,kelan ba ako mabubuo? Pero sa tuwing mahahaplos ko ang tiyan ko, naiisip ko buo pa ako. Dahil alam ko ilang buwan na to, lalabas na ang munting anghel ko. Na syang bubuo sa durog kong puso at pagkatao. Mamahalin ko sya. Sya ang buhay ko ngayon. Kaya hindi ko hahayaan masasaktan ako dahil alam ko mamahalin ako ng anak ko.

Kahit masakit ginawa ni Callan, nagpapasalamat parin ako sa kanya. Bakit? Dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi dadating sa buhay ko ang anak ko.

Galit? Tsk, hindi ako galit kay Callan. Hindi ko magagawa yun, dahil sa kabila ng lahat mahal na mahal ko parin sya. Hindi ko maitatanggi yun.

Sa loob ng isang buwan..

Ang daming nangyari. Andun na yung umamin ako kay Kuya Chris sa kalagayan ko. Wala ako narinig sa kanya sa pagbubuntis ko. Tuwang tuwa pa nga sya eh. Pinagalitan pa nga ako, bakit daw kelangan ko pa kasama sina Ate Aiko at Raymar sa pagtatapat ko ng kalagayan ko. Dahil kahit ano pa daw yun tatanggapin nya pamankin nya na anak ko nga.

Pero ang hindi ko lang mapigilan ang magalit sya kay Callan. Nung una, gusto nya sabihin ko na kay Callan pero tumanggi ako. Sinabi ko sa kanya ang totoo na matagal na ako iniiwasan ni Callan nung hindi pa ako buntis. Ayun! Sabi nya, mas maigi na lang daw hindi malaman ni Callan baka mas lalo lang daw ako masasaktan.

Andun na yung sa school. Habang nasa Music Room kami, kausap ko sina Sam at Jenn. At kung minsan kumpleto pa ang barkada. Kahit si Adrianna andun din. Bigla-bigla ako makakaramdam ng pagsusuka.

Isang araw, kami lang tatlo ang nasa Music Room, habang nagkukulitan sina Sam at Jenn ng bigla ako magkakasuka..

"Guarkkkkk!!"

"Oh anyare sayo girl? Ayos ka lang? Gusto mo punta tayo ng Clinic." pag-aalala ni Sam sa akin.

"No! Ahm ok lang ako. Hindi lang siguro maganda nakain ko kanina." pagdadahilan ko.

"Are you sure?" si Jenn at nag-nod ako.

Taz maya-maya makakaramdam naman ako na parang masusuka. Halos babaliktad ang sikmura ko. Kaya nag-excuse na lang ako sa dalawa.

"Excuse girls, punta lang ako ng Cr." hindi ko na hinintay sagot nila dahil tumayo na ako agad saka ako lumakad papunta pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan, sina Callan at Adrianna ang nabungaran ko, kaya mas lalo sumama pakiramdam ko.

"E-excuse." sabi ko sa dalawa sabay umalis na ako. Baka kasi masukahan ko pa sila.

Pagdating ko ng CR. Ayun, suka lang ako ng suka. Grabe na tong nararamdaman ko. Ang hirap pala maglihi. Ang hirap magbuntis, pero kelangan ko magtiis for the sake of my baby! Maya-maya, after ko maghilamos, habang nakaharap ako sa salamin. Biglang pumasok sa isipan ko si Callan.

Hindi ko maitatanggi mahal kn parin sya. Namimiss ko na talaga sya. At nakita ko na lang pagtutulo ng mga luha ko sa harap ng salamin. Kitang-kita ko sa sarili ko kung ganu ako nahihirapan. Pero kailangan ko magpakatatag para sa baby ko.

Tsaka wala na pakialam sa akin si Callan kaya need ko na rin yon tanggapin. Mas lalo na i need to move on.

Yeah move-on ang damit kong gawin.. Pero bakit mahirap hagilapin yang si move-on na yan?

Callan's POV

"Sweetie, sige na samahan mona ako sa mall." pagpipilit ni Adrianna sa akin.

Haizt! Asar talaga babaeng to? Sabi ko na nga ayoko eh. Ang kulit! Anung pakiramdam nya katulad parin kami ng dati. Hindi na pwede ibalik yun nuh?

"Ang kulit mo Adrianna, tumigil ka na nga." inis kong sabi sa kanya. Nasa hallway kami ngayon. Naglalakad papuntang Music Room, para lang masilayan ko si Kayzee..

Oo nah! Oo nah! Ako ng masama? May dahilan naman kasi ang lahat ng pangyayaring to eh. Alam ko, nasasaktan ko si Kayzee ngayon. Kung alam mo lang honeybunch ko kung ganu kita namimiz . Gustong gusto kita lapitan. Gustong-gusto kita yakapin ng mahigpit.

Pero lahat ng yan hindi ko magagawa dahil sa lintek na Adriannang 'to. Masama na kung masama, pero nakakainis na eh. Kahit saan ako magpunta nakasunod 'tong babae na to. Parang aso lang

Dagdagan pa ng Raymar na yan! Kahit saan ako lumingon parati na lang silang dalawa ni Kayzee ang magkasama. Alam ko, kasalanan ko ang lahat. Ang laki ng kasalanan ko kay Kayzee, hindi ko alam panu ko to iexplain sa kanya. Hindi nya lang ako maiintindihan.!

Napapansin ko pa, parati na lang masama pakiramdam ni Kayzee. Kahit nasa malayo ako, sya ang parati ko binabantayan. Tapos parati ladies room ang tungo nya pag nakakaramdam ng hindi maganda. Sa tuwing nangyayari yon sa kanya, gusto ko sya lapitan. Gusto ko sya yakapin. Sana okay lang sya. Haizt! Nakakamiss na sya.

Hindi na kami nagkausap simula dumating si Adrianna. Yun yong huling date namin ng nasa WOF kami.

"Sweetie, are you listening? Ang sabi ko samahan mo ako sa mall." biglang sabi ng babaeng to na parang naiirita na.

Hindi ko namamalayan napapaisip na pala ako. Kaya nga naiinis ako sa babaeng to. Akala mo kung sinong prinsesa iisa lang an prinsesa ko at si Kayzee lang yun.

Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng Music Room. At tumambad sa amin ang hitsura ni Kayzee na putlang-putla. Parang ang sama na naman ng pakiramdam nya. Shet! Kita ko na naman ang sakit na gumuhit sa mga mata nya nung nakita nya kami.

"E-excuse." sabi nya sa amin at saka sya kumaripas ng takbo.

Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko. Nasasaktan ako! Oo na, dapat lang sa akin ang masaktan ako. Pero kasi- Bahala na, susundan ko na lang sya.

Tatalikod na sana ako para sundan sya ng bigla ako hawakan ni Adrianna sa braso ko para pigilan nya ako.

"Subukan mong sundan sya. Hindi ako magdadalawang isip na patayin sya." galit nyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi nya! Ngayon, alam nyo na? Yan ang dahilan kung bakit iniwasan ko si Kayzee simula nun.

May sakit kasi sa tuktok ang babaing to. In other words meron saltek. Yan din ang dahilan kung bakit kami nagbreak dati...

Itutuloy.....

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Where stories live. Discover now