Chapter 18

2.1K 32 1
                                    

Bachelor Girls Series 1: You and Me (Kayzee's Story)
By: Nayat
Chapter 18

"May ibang lungkot
Ako'y nakikita sa iyong mata
Di mo man sinasabi
May ibang galaw
Di maipaliwanag ng isip ko
Kahit ano pang isipin"

May naramdaman ako butil ng luha sa gilid ng mata ko nung inumpisahan na namin tumugtog at kumanta.

"Sawa ka na yata
May iba na bang nakita
Isa lang naman
Ang aking hiling

Ch:
Pag ayaw mona
Sabihin mo lang
Di ko matitiis na
Ikaw pang mahirapan
Kasi pag ayaw mona
Ako na ang lilisan
Hindi rin magtatagal
Pag ayaw mo na nga

Mga titig mo
Wala na ang tamis tulad noon
Di kana gaya ng dati
Wala na ang lambing
Nang pagtawag mo sa pangalan ko ooh
Di kita masisisi"

Battle of the band namin ngayon. Pang lima kaming banda na kumanta. Kaya heto kami na ang nakasalang. At dito din sa school namin na-held ang Battle Of The Band.

Oo! Battle of the band na at ang nangyaring yon that was 2 months ago. Dalawang buwan na ganito ang sitwasyon namin ni Callan.

Subrang sakit!!! Ang sakitg-sakit nang nararamdaman ko. Ano bang kasalanan ko? Bakit nya ako ginaganito? Nagsawa na ba talaga sya sa akin? Hindi na ba nya ako mahal? Akala ko ba ex-gf lang nya yon? Pero sa nangyayari ngayon parang sila pa ata eh.

Tapos,magkakasama nga kami sa backstage kanina pero kami istranghero sa isat isa. Asikasong-asikaso sya ni Adrianna. Na para bang sya ang girlfriend. Bawat pawis ni Callan,sya ang nagpupunas. Sa tuwing tumititig ako sa kanyang mukha wala ako maaninag kundi ang seryoso nya. Wala akong emosyon na nakikita sa mukha at mata nya.

"Sawa ka na yata
May iba na bang nakita
Isa lang naman
Ang aking hiling

Ch:
Pag ayaw mona
Sabihin mo lang
Di ko matitiis na
Ikaw pang mahirapan
Kasi pag ayaw mona
Ako na ang lilisan
Hindi rin magtatagal
Pag ayaw mo na nga"

After namin kantahin ang "Pag-ayaw mona" ni yeng,sinunod namin isinalang ang "Buses and Train".

"Hey Mom
Why didn't you tell me
Why didn't you teach me a thing or two
You just let me go
Out into the World
You never thought to share what you knew"

Oo nga,bakit hindi sinabi sa akin ni kuya ganito pala ang magmahal? Bakit hindi nya tinuro sa akin ang mga bagay-bagay na bago pa lang sa akin.

"So I walked under a bus
I got hit by a train
Keep falling in love
Which is kinda the same
I've sunk out at sea
Crashed my car, gone insane
And it felt so good
I want to do it again

Hey Mom
Why didn't you warn me
Coz about boys is something i should have known
They're like chocolate cake
Like cigarettes
I know they're bad for me
But I just can't leave 'em alone"

Sana buhay pa parents ko. Sana buhay pa si mama. Eh di sana sya ang nagturo sa akin kung panu ko malalagpasan lahat ng to. Sana maaga pa lang binalaan nya ako.

"So I walked under a bus
I got hit by a train
Keep falling in love
Which is kinda the same
I've sunk out at sea
Crashed my car, gone insane
And it felt so good
I want to do it again"

Ang ingay! Ang saya ng mga nanunuod sa amin. Ang daming tao. Buti pa sila masaya. Kung alam lang nila? Kung nakikita lang nila ano nararamdaman ng puso ko ngayon. Subrang umiiyak!

Habang nililibot ng aking mga mata ang lahat ng mga nanunuod sa amin. Nahagip ng mata ko sa isang sulok si Callan na sa akin nakatitig. Pakiramdam ko ng mga oras na yon,parang kami lang dalawa ang tao sa lugar na yon.

Blank expression nakikita ko sa mukha nya. As in blank talaga. Hindi ko alam ano iniisip nya. Gustong-gusto kong bumaba sa kinatatayuan ko ngayon para puntahan sya. Gustong-gusto ko sya puntahan? Gustong-gusto ko sya sumbatan? Kung bakit nya ako ginaganito? Kung bakit nya ako sinasaktan? Pero sa kabilang banda ng lahat ng yon. Gustong-gusto ko na sya yakapin. I miss him badly


Shett! Gusto kong magwala! Gusto kong manapak ng tao. Ang tagal na to eh,2 months ago na simula iniiwasan nya ako na hindi ko alam kung ano ang kadahilan.? At si Adrianna na ang kasa-kasama nya.

"So I walked under a bus
I got hit by a train
Keep falling in love
Which is kinda the same
I've sunk out at sea
Crashed my car, gone insane
And it felt so good
I want to do it again

(AND I WALKED) UNDER A BUS
I GOT HIT BY A TRAIN
AND IT FEELT SO GOOD
AND I WANNA DO IT AGAIN
WANNA DO IT AGAIN
*HEY EY IEEY*
(WANNA DO IT)
Oh, felt so good."

Tumulo na naman luha ko nung nakita kong naka-absyerte kamay ng haliparot na Adrianna na yon sa braso ni Callan.

Ay langya! Sarap nila isakong dalawa kasama granada para sumabog na sila. Callan naman to tuwang-tuwa pa. Ano to? Natutuwa pa sya na nasasaktan ako?

Ayon! Buti na lang tapos na akong kumanta. Meron pa sana ako ikakanta na pangatlo. Bawat kasi banda tatlo ang ikakanta,pero kelangan ko na kasi lumayas sa stage na to. Hindi ko na kaya mga nakikita ko. Ayoko turtorin sarili ko nuh? Hindi ako masokista. Promise,katabi ko lang dalawa na yon,ilulublob ko sila sa kumukulong tubig. Ang bad ko nuh? Ehhh..naiinis ako eh. Nasasaktan ako

Basta pagkatapos ng Buses and Train na kanta ko,bigla ako tumalikod at umalis ng stage.

Kita ko sa hitsura nina Sam at Jenn ang pagtataka bakit ako umalis.

Ayoko muna isipin yun,ang mahalaga makaalis muna ako dito. Magpapaliwanag lang ako sa kanilang dalawa.

Umalis na ako,tumakbo.. Gusto kung pumunta sa isang lugar na tahimik. Gusto kung mapag-isa.

Sa rooftop ng library dito sa school ako napadpad. Pumunta ako sa isang sulok. Umupo ako at kayakap ko ang aking dalawang tuhod.

Kahit andito ako sa rooftop naririnig ko may tumutogtog na ulit at kumakanta. Hindi ko lang sigurado kung ang banda ko parin yun dahil yung pangatlong kanta namin ang nakasalang.

Umiiyak ako..ah hindi hagulhol na pala ginagawa ko. Subra na kasi masakit. Hindi ko alam kung anung kasalanan ko sa kanya. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali?

Hindi ko alam kung gaanu na ako katagal sa posisyon kong yun. Basta iyak lang ako ng iyak.

Sa pag-iyak ko,may naramdaman akong tao. Inangat kong mukha ko,at pagkakita ko sa kanya niyakap ko sya ng mahigpit,maibsan lang yung sakit na nararamdaman ko.

"Huhuhu Raymar...." tawag ko sa pangalan nya pagkayakap ko sa kanya. Kaya napaupo sya nung niyakap ko na sya.

"Shhh...hush Kayzee,andito lang ako." pagpapatahan nya sa akin.

Oo,si Raymar ang sumunod sa akin. Magkaibigan parin naman kami kahit kami na ni Callan. Lalo lang kami naging close nung umiiwas na sa akin si Callan. Sya ang kasama ko simula nun.

Sya ang nakakakita kong panu ako masaktan nang dahil kay Callan. Actually kahit din naman sina Jenn at Sam. Galit sila kay Callan pero pinipigilan ko lang sila. Sinasabi ko ko lang na ako ang may kasalanan kung bakit nagbago si Callan.

Iyak parin ako ng iyak habang nakayakap ako kay Raymar,samantala sya hinahagod nya ang buhok at likod ko.

"Raymar,ang sakit-sakit. Huhuhuhu! Ayoko na! Pagod na pagod na ako " sabi kong umiiyak.

"Alam ko yun? Kaya nga andito lang ako,hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan. Magpakatatag ka! Lalo na ngayon dalawa na kayo? Kayzee makinig ka! Dapat muna sabihin sa kanya tungkol dyan? Dapat nya malaman? Afterall,meron parin sya karapatan?" sabi nya sa akin.

"No!!! Ayoko Raymar! Natatakot ako! Baka mas lalo lang ako masaktan pag hindi nya matanggap. Mangako ka Raymar walang makakaalam to?" sabi kong takot na takot.

"Pero Kay-" protesta nya.

"Please Raymar!" pagmamakaawa ko habang nakatitig ako sa kanyang mga mata na nangungusap.

"Sige (bungtong hininga) kung ganun hayaan mu akong tulungan ka? Hindi ako aalis sa tabi mu? Kaya tama na ha! Wag kana umiyak." sabi nya.

"Salamat Raymar,hindi ko na alam anung gagawin ko kung wala ka lang sa tabi ko. Problema ko si kuya Chris hindi ko alam kung panu ko to ipapaliwanag sa kanya." pag-aalala ko.

"Maiintindihan ka ni kuya Chris,wag kang matakot sa kanya. Sasamahan ka namin ni ate Aiko. Total malapit na din summer vacation,konteng tiis lang." sabi nya.

Natahimik na ako habang humihikbi. Uo malapit na kami magtatapos ng 3rd year 1 m0nth lang. Pero hindi ko alam kung makakaya ko pa ba ang isang buwan na yun na makita si Callan.

Namimiz ko na sya,pero kelangan ko na sya kalimutan. Masakit sa akin tong nangyayari sa amin pero wala na ako magawa. Kahit na malabo parin sa akin ang lahat? Kahit na gusto ko syang kausapin. Pero kelangan ko na pag-aralan na kalimutan sya at mamuhay at palakihin mag-isa ang magiging ANAK namin.....

Itutuloy......

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Where stories live. Discover now