Chapter 10

2.6K 32 1
                                    

Bachelor Girl's Series 1: You and Me ( Kayzee's Story )
By: Nayat

Chapter 10

< Callan's Pov >

Andito ako ngayon school kung saan nag-aaral si Sam. Magta-transfer ako. Ayoko na mag-aral sa Maynila.

Gusto ko makalimut. Psh! Wag na nga pag-usapan problema ko,chismoso rin kayo eh..hehe! Joke lang,baka mamaya palayasin ako ng author lalo na lahat kame transfer ang role sa kwentong to hehe ^__^

a/n: buti naman alam mo? Tsaka walang basagan ng trip kung lahat kayo puro transfer. Syempre transfer-transfer din pag may time hehe! Tsaka pwede kahit ako wag mong pagmayabangan okay. Hindi porket pogi ka at chinito eh pagbibigyan kita hehehe..

Uy..napopogian sa akin si Ms. Author,crush mo ako noh? (tseh!)..

Ayan! Back to reality na..

Pati si author chinichika ko pa. Pshh! So gay naman? Chika talaga haha..

Yun na nga,andito ako school. At buti na lang,madali ko lang nahanap si Sam kasama si Jenn. Teka! Bat parang kulang sila. Nasan yong amazona?

"Insan,samahan nyo ako sa Admin Office,ipapasa ko lang to requirment's for transferee." sabi ko.

"Sure kuya." si Sam.

"Wait lang ah,tatawagan ko muna si Kell,ang tagal naman ng taong yon. Magpapark lang ng sasakyan,aabutin pa ng taon." sabi ko sa kanila habang dinadialled ko number ni Kell.

At nag-iba hitsura ni Jenn pagkasabi ko yon. Hmm..alam kaya ng barkada nya about Jenn and Kell.

Ay..hindi nga pala ako tsismoso. Abangan nyo na lang sa Series 2 ang kwento nila dalawa.

..
"Tol.." tawag ni Kell. "kanina pa ako ikot ng ikot dito. Ang laki naman ng University na to kaya nagkandaligaw-ligaw na ako dito." pagpapatuloy nya nung nakalapit na sya sa amin.

"Kaya naman pala ang tagal mo. Oh tara na! Diba tol kilala mo na ang pinsan ko si Sam tsaka si Jenn." sabi ko.

"Oo.. Hi Sam,hi Jenn." pansin nya sa dalawa at pagpupungay ng kanyang mga mata kay Jenn.

Haizt! Tong kaibigan ko may papungay pungay pang nalalaman haha!

Ayun! Papunta na kame ng Admin Office,pero bigla may sumulpot na grupo ng mga babae. At yong isa dun bigla na lang yumakap kay Kell.

Nakita ko sa mukha ni Jenn yong sakit. Hah! Sabi ko nga hindi ako tsismoso diba? Pshh..antay nyo na nga eksenang eto sa Series 2.

"Tol,mauna na kame ah." malisyoso kong sabi at iniwan na namin si Kell. Si Jenn tahimik lang talaga.

..
Nasa Admin Office na kame. Lumipas ang 25 minutes,ok na ang lahat. Pati na din yong kay Kell dahil hindi katagalan sumunod din sya sa amin.

"Tol,sino bang mga yon? Ang ganda nung chix na yumakap sayo ah." tanung ko kay Kell,at nakita ko ang tension sa pagitan nila dalawa ni Jenn.

"Ah yon ba? Kababata ko si Melissa." sabi nya sabay tingin kay Jenn.

"Kuya,total okay na yan eh pwede na ba kame umalis ni Jenn,may klase pa kame eh." sabat ni Sam.

"Ah sige-sige." sabi ko at umalis na ang dalawa habang si Kell tinatanaw si Jenn.

"Alam mo,kung mahal mo pa sya. Huwag mo ng ituloy yang binabalak mo?" sabi ko at lumingon sya sa akin. "sige na to,maglibot-libot mona ako." sabay tapik sa kanyang balikat.

"Maglibot-libot? O baka naman hinahanap mo lang si amazona mo nyahaha.." sabi nya sa akin.

"Gago! Umuwe ka na nga. Puntahan mona si Ram." sabi ko sa kanya at tawanan kame.

Umalis na sya,bukas pa naman kame magka-klase. Ako naman humayo na din para makarame nyahaha joke!

Syempre,maglilibot ako para mahanap ko ang amazonang babaeng yon. Hindi ko kasi nakita. Malamang kaya nga hindi ko nakita kasi wala sya diba? Haizt! Common sense naman mga dre!

Lakad...

Lakad...

Lakad...

Wow! Ang daming chicks! Lahat sila sa akin nakatingin. Kitang-kita ko ang paglalaway nila sa akin. Iba na talaga pag pogi at chinito.

Dapat pala "Chinito" tittle ng istoryang to. Tamang tama nyahahaha..

Ayun! Lakad, lakad, lakad parin ako. Marameng pumapansin sa akin na mga chika babes. Syempre para hindi masabing suplado. Kelangan mo din pumansin hehe..

Sa kalalakad ko,napadpad ako sa library building hanggang sa natanaw ko ang punong Narra.

"Pahinga mo na ako sa punong yon. Saan ko ba hahagilapin ang amazonang yon." at papalapit na ako sa punong yon ng may marinig akong kumakantang babae.

'I'm feeling all superhuman you did this to me
A superhuman heart beats in me
Nothing can stop me here with you..'

..
Habang kumakanta sya,papalapit ako sa kanya. Bigla ako napasimangot makita kong may kasama syang lalaki. Hindi ko kasi nakita kanina dahil sa natatakpan ng katawan ng puno.

Pagkatapos kantahin ni Kayzee yong last part,hindi nila napansin paglapit ko. At bigla ko hinawakan braso ni Kayzee at hinila ko sya para mapatayo at kinaladkad ko na sya paalis ng punong yon.

"Ano naman bang problema mo?" sigaw nya sa akin nung nakilala na nya ako. "bitiwan mo nga ako." at luminon ako sa kanya na hindi parin maalis simangot sa mukha ko.

Nakakainis naman kasi? Sino ba kasi lalaking yon? Gusto ko sya tanungin pero baka pagtawanan nya ako.

Hindi ko parin pinapansin pagpupumiglas nya. Hanggang sa kinaladkad ko parin sya hanggang parking lot ng school. Hanggang nasa tapat na kame ng aking sasakyan.

...itutuloy

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon