Chapter 30

3K 29 0
                                    

Bachelor Girl's Series 1: You And Me (Kayzee's Story)

By: Nayat

Chapter 30

Kayzee's pov

Nasa labas pa lang kami ng Dine-in Restaurant nakikita ko na ang bultong katawan ni Callan na nakatalikod. Panu ko alam, kasi naman salamin yung dingding ng Restaurant.

"Mama, bakit po nanginginig kamay nyo." ayan napapansin na pala ng anak ko, hindi kasi ako mapakali. Talagang kanina pa ako kinakabahan.

Nginitian ko lang anak ko at saka naman kasi pumasok sa Restaurant. Binati pa nga kami ng guard at tinuro kung saan nakareserve ang table namin kahit na alam ko kung saan naman dahil obvious diba? Nakikita ko si Callan.

"Papa!!" biglang tawag ni Kaylla, kasi andito na kami sa likod ni Callan. Hindi nya siguro alam nasa likod lang nya kami. Lumingon naman si Callan samin.

"K-Kaylla!! K"Kayzee!!" sabay gulat nya nung nakilala nya kami. Pero ano nga yong sabi nya. Tinawag nya si Kaylla?? Literal na kumunot noo ko sa nalaman ko at nakatingin ako sa kanya ng seryoso. Magtatanong na sana ako ng bigla magsalita anak ko.

"Papa!!! Papa Callan." tapos nakita ko na lang sinugod nya ng yakap si Callan.

Papa Callan?!! Huh!! Ano 'to?? Meron ba akong hindi alam? Parang ako ata ang nasurprise ah?

"Mama, Mama.. Halika po." sabay hawak nya sa kamay ko at hinila nya ako paupo sa tabi ni Callan, "Mama, sya po si Papa Callan, sya po yung kinukwento ko po na kaibigan ko. Papa Callan, ang Mama ko po. Ang napakaganda kong Mama hehe."

Wow ah! As in napakalaking WOW!!!! Diba dapat ako ang magpapalikaka sa kanilang mag-ama? Anyare? Tsaka aano 'to? Panu sila nagkakilala? Grabe speechless talaga ako ah?! Di ko akalain ganito mangyayari? Basta ang alam ko pareho kaming natahimik ni Callan, nagkakatitigan kami. Hindi ko alam kung ano ang naiisip nya basta nakikita ko ang blankong expression ng mukha nya. Para lang yung noon sa Battle Of The Band 6 years ago.

"Papa Callan, ano po bang ginagawa nyo dito? Alam nyo po bang dumating na daw po ang Papa ko sabi ni Mama at ngayon nga po kami magkikita eh. Hehehe kanina pa po ako excited makita sya eh." masayang sabi ni Kaylla at nagulat talaga ako dun. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko Callan eh.

"P-papa mo?" sabi nya sabay sakin nakatingin ng seryoso.

Heto na talaga Kayzee, papakilala mona sila. Before that inhale, exhale! And clear throat!! Kaya mo yan. At saka ako tumingin sa kanilang mag-ama. Wow! Feel na feel ang 'mag-ama' ko ah, ang sarap sa pakiramdam sa totoo lang.

"Ahm.. Anak, gusto ko lang ipakilala sayo ang P-papa mo, si Papa Callan. C-callan, s-sya si K-kaylla ang a-anak natin." may gad!! Sobrang nanginginig ako. Parang gusto ko na himatayin.

Pareho naman sila napatitig sa isa't isa bago ako tiningnan ni Callan. Tinitigan ko din sya na parang sinasabi later ko lang ipapaliwanag ang lahat. Tapos nakita ko parang nagte-teary eyes na sya. Pero dalawang bagay ang nakita ko sa mga bata nya. Sobrang saya at sakit...

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Where stories live. Discover now