Chapter 21: Past

Beginne am Anfang
                                    

"Hindi po kasi siya pumasok ngayong araw kaya nakalabas ako ng opisina."

Napakunot ang noo ko. "Hindi siya pumasok? Bakit naman?"

Kumibit-balikat siya. "Hindi po sinabi, eh."

Napaisip ako. Baka naman nagkikita pa rin talaga sila ng babae na 'yon?

Naalala ko bigla ang pakay ko kung bakit ko siya sinabihang makipagkita sa akin. "Leo, may itatanong lang sana ako."

"Ano po 'yon, Ma'am?"

"Ahm kasi. Ang Sir Ralph mo ba, may ano. May alam ka ba na. Yung ano. Ahm paano ko ba sasabihin 'to. Kasi ano. Nakita ko siya na may kahalikan. Ahmm..."

Bakit hindi ko masabi nang deretso?

"Kung may babae po si Sir?" natatawang dugtong niya sa nais kong sabihin.

Tumango naman ako. "'Yon nga."

"Wala naman po akong napapansin. Gano'n pa rin naman kasi si Sir. Laging trabaho pa rin ang iniisip. Wala rin namang babaeng tinatagpo sa meeting niya. Sino po ba ang nakita niyong kahalikan niya?"

Inalala ko nang mabuti ang mukha ng babaeng 'yon. "Mataas siya siguro kasing taas ko rin. Mestiza at maganda ang mukha. Payat at may kahabaan ang buhok na kulay brunette. Saka.... inaamin kong mas sexy siya sa 'kin."

Natawa siya sa sinabi ko pero sumeryoso siya nung may maalala. "Slang po ba magsalita?"

"Aba malay ko. Sa malayo ko lang sila nakita at hindi ko narinig magsalita." Nainis ako bigla kung sakaling slang nga ito. Talo na agad ako pagdating sa accent na 'yan.

"Meron po kasing isang babae na minahal si Sir Ralph dati based sa narinig kong sabi ng mga kaibigan niya. Pero matagal na po 'yon. Ten years ago na yata. 2nd year college pa po yata siya no'n. Ang narinig ko sa mga kaibigan niya, mahal na mahal niya raw ito dahil 'yon lang ang tanging babae na pinagtiisan siya at nakapagpawala ng init ng ulo niya. Apat na taon yata ang tinagal nila kung tama ang pagkakaalala ko."

Bigla akong naging interesado sa narinig ko. May minahal si Ralph? Pero bakit sabi ni Jinggay ayaw niya sa mga babae? Hindi kaya itong babae na ito ang rason kung bakit naging gano'n si Ralph ka-ilag sa babae ngayon?

"Bakit sila naghiwalay?" Na-curious ako bigla.

"Hindi po ako sigurado, eh. Basta po ang alam ko lang ay umalis ang babae dahil bumalik ito sa daddy niyang 'kano. Doon na raw nanirahan at iniwan si Sir. Hindi kasi makwento si Sir eh pero nagtatrabaho na ako sa kanya no'n mga dalawang taon na rin. Nakita ko kung paano siya nasaktan. Napabayaan nga po niya ang company dati dahil do'n."

I felt a pinch in my chest. Sa kwento pa lang, randam ko na kung gaano niya minahal ang babaeng 'yon. Grabe kasi ang dinulot nito sa kanya. Naalala ko tuloy ang sinabi niya.

Because in business, kung aalagaan mo at bibigyan ng oras, hindi mawawala sa 'yo. But if you invest in a person, kahit anong pag-aalaga, pagmamahal and no matter how much time you invest in, nawawala pa rin.

Doon pala nanggaling ang hugot niya na 'yon. Ngayon alam ko na kung bakit siya ganito katigas. His first love hurt him.

"Baka nga siya 'yon. Siya siguro ang nakita ko. By the way he kissed her, parang mahal niya ito. I saw it. Ramdam ko." I choked with what I said. Mahirap tanggapin pero 'yon ang totoo.

"Rachel po ang pangalan niya sa pagkakaalala ko. Pero kung siya nga po yung nakita niyo, malamang bumalik na po siya after 6 years siyang hindi umuwi sa Pilipinas."

Nakaramdam ako ng inis. "Bakit bumalik pa siya? Sana ro'n na lang siya sa America. Nakikipagbalikan ba siya kay Ralph eh siya naman itong nang iwan? Kung saan may asawa na si Ralph ay saka pa siya babalik."

Natahimik si Leo. Hindi niya marahil alam kung ano ang isasagot. Tiningnan ko siya pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"Leo, may hihingin sana akong pabor."

"Ano po 'yon?"

"Pwede bang ipaalam mo sa akin pag nalaman mong nagkita sila? Please?"

Tumango naman siya. "Makaaasa po kayo, Ma'am. Babalitaan ko po kayo."

Ngumiti ako. "Salamat."

Umorder ako ng pagkain para sa aming dalawa. Nakahihiya naman kung hindi ko siya pakakainin. Ang layo kaya nitong binyahe niya.

"Saan po ba kayo nakatira ngayon, Ma'am?"

Napakunot ang noo ko. "Paano mo nalaman na hindi ako sa bahay ni Ralph umuuwi ngayon?"

Ngumiti siya sa akin. "Inutusan kasi ako kahapon ni Sir na alamin kung nasaan kayo. Narinig ko kasing tumawag siya sa Chiu Airlines kahapon at nalaman niya na nung isang araw pa pala kayo nakauwi."

"Talagang ginawa niya 'yon?" Parang nabuhayan ako sa narinig ko. Hinahanap niya pala ako? Napangiti ako sa isipang 'yon.

"Opo. Pero sinabihan niya ako kahapon din na wag na lang daw pala kayong hanapin."

Nawala ang ngiti sa labi ko. Paasa 'tong si kuya. 'Yon na sana, eh. Bawing-bawi na sana, eh. Pero binawi pa ang sinabi. Hay...

"Bahala siya. Hindi pa rin ako uuwi."

"Magkaibigan po ang may-ari ng airlines kung saan kayo nagtatrabaho, Ma'am, at si Sir. Kaya alam pa rin ni Sir kung saan ang mga flight niyo. Meron po kayong flight bukas, 'di ba po?"

Napatango ako. Ibig sabihin, alam niya ang araw ng trabaho ko pati kung saan ako naka-assign? Pero bakit naman niya kailangang alamin 'yon tapos wala naman pala siyang pakialam? Minsan talaga mahirap intindihin si Ralph.

Naguguluhan ako. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?

"Please, Leo. Wag mong sabihin sa kanya na nagkita tayo ngayon at wag mo nang alamin kung saan ako nakatira. Mabuti nang wala kang alam. Salamat sa panahon mo."

"You're welcome po. Makaaasa po kayo," magalang na sabi niya saka nagpaalam na.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWo Geschichten leben. Entdecke jetzt