Episode 4

17 0 0
                                    

Flashback.....

A year ago....

Alam naman ni Mia na bawal pa siyang mag boyfriend dahil nag aaral pa siya at sobrang strict ng parents niya lalo na ang kanyang Mama.

Kaya ganun na lang ang pag sekreto niya sa kanyang pamilya maliban na lang sa kanyang close cousin's na si Yika, Rizelle, Liane at mga kaibigan ang maging boyfriend si Alden Cruz.

Alden: Babe, Pupunta lang ako sa barkada kong si Jigs. Birthday kasi niya ngayon babe. Anu sama ka ba babe?

Mia: Naku babe, alam mo naman na hindi pwede. Baka hindi ako payagan kasi alam mo naman na hindi legal ang relation natin db?Tska marami pa akong gagawin at marami rin na project alam mo naman na ayaw ni mama na mababa ang grades ko kasi pag nagkataon ay ipahihinto niya ang pagsali ko sa dance troupe. *sabay yakap na lang kay Alden para hindi ito magtampo*

Alden: Sige babe naiintindihan ko. Mag text na lang ako sayo kapag nandoon na ako babe okay? *sabay yakap at hinalikan ni Alden si Mia sa nuo* At sabay sabi na.... Babe bakit ang bango mo kahit amoy pawis ka na. Hahahaha...

Mia: *hinampas ni Mia sa braso si Alden, naghabulan at nagtawanan sila* Loko ka babe ha? Halika dito! Lagot ka sa akin pag naabutan talaga kita. *sabay hampas ulit at tawanan*

Alden: Sorry na, sorry na babe nagbibiro lang naman ako eh. Alam mo naman na mahal kita kahit amoy pawis ka. *sabay yakap kay Mia at nilalambing*

Mia: Naku ewan ko sayo babe! Bahala ka jan! Alam mo naman na kakatapos lang ng practice natin eh db? Hmp! *sabay pout*

Alden: Wag ka na magtampo babe, I loveyou babe so much! *sabay kiss sa cheeks ni Mia*

Kinikilig si Mia na hindi pinapahalata sa nobyo. Kaya niyaya na ni Mia si Alden umuwi

Mia: Hmp! Okay fine. Tara na nga babe. Baka gabihin na tayo sa daan. Db aalis ka pa?

Alden: Sige babe tara na. Akin na yung iba mong gamit para hindi ka mabigatan.

Kaya inabot ni Mia ang kanyang ibang gamit kay Alden. Umalis na silang dalawa ni Mia at hinatid ni Alden si Mia sa tapat ng kanyang bahay. Dahil sinisigurado ni Alden na safe ang kanyang nobya.

Umalis na si Alden at umuwi para makapag bihis. At nagpunta na si Alden sa bahay ng kaibigan na si Jigs. Sa di inaasahan ay imbitado pala ni Jigs ang dating nobya niya na si Erika Gaton.

Erika: OMG! Alden ikaw na ba yan? Kumusta ka na? *Niyakap nito si Alden at hinalikan sa labi*

Natulala si Alden dahil hindi niya inaasahan na magkikita pa sila ng dating nobya. Niyakap rin niya itong mahigpit.

Alden: Okay naman ako Erika! Ikaw kumusta ka na?

Erika: Heto kita mo naman maganda pa rin. Hahaha. Na-miss kita Alden! *sabay yakap ulit kay Alden*

Alden: Ako rin namiss kita. Namiss talaga kita. *Niyakap nito pabalik at tila nakalimutan niyang may nobya na pala siya at nawala sa sarili ng nakita ang dating ka-relation*

Biglang naalintana ang pagyayakapan ng dalawa dahil tinawag na sila ni Jigs ang birthday celebrant para ihipan ang cake na gawa ng mommy nito. Pagkatapos ay nagkasiyahan sila at nagkayayaan na mag inuman.

Hindi nila namalayan nalasing na sila Alden at Erika kaya hindi nila inaasahan na may mangyayari sa kanilang dalawa.

Kinabukasan ay nagising na lamang si Alden na nakatakip na lamang ito ng kumot at nakita sa tabi niya si Erika na walang kahit anong suot na damit. Alam niyang may nangyari sa kanilang dalawa.

Nakita ni Alden ang mga tawag at text ng nobya na si Mia.

*10 Missed calls*

Text messages:
*Babe! Saan ka na? Db sabi mo magtetext ka sa akin pag nandyan ka na sa party?*

*Babe!*

*Babe okay ka lang ba dyan?*

*Naku mukhang nakalimutan mo nga. Okay lang basta mag ingat ka ha? Wag ka masyadong iinom okay? I loveyou babe. *kiss emoji*

*Babe matutulog na ko. Mag ingat ka ha? Wag ka magpagabi okay? Mahal na mahal kita babe! See you! I loveyou babe.

Hindi alam ni Alden ang gagawin dahil sa nangyayari ngayon. Kaya dali-dali siyang umalis sa bahay ng kaibigan at iniwan doon si Erika.

Makalipas ang ilang buwan...

Pumunta si Alden sa mall kasama ang nobyang si Mia. Dahil nagpasama ito sa kanya sa National bookstore para bumili ng ibang supplies sa kanyang gagamitin na project.

Habang busy na namimili si Mia ay hindi napansin ni Alden na nakita pala siya ni Erika at niyakap sa likod. Pag harap ni Alden ay nagulat na lang siya ng halikan siya ni Erika. Hindi akalain ni Alden makikita niya si Erika sa mall.

Erika: Hi baby! Bakit mo naman ako iniwan doon kina Jigs?

Alden: Oh Erika ikaw pala yan? *gulat na sagot ng binata kay Erika*

Erika: Grabe ka naman. Nag text ako sayo eh. *sabay pout*

Nagulat na lamang si Mia na nakita ang nobyong si Alden na may nakayakap dito at hindi inaasahan na hinalikan ng babae ang kanyang nobyo.

Mia: Babe! Sino yan? *tawag niya sa nobyo*

Alden: M-mia! *tugon ni Alden sa kanyang nobya, Hindi alam ni Alden ang isasagot sa nobya*

Erika: And who the h*** are you?

Mia: Ako ang girlfriend ng lalaking niyayakap mo Miss.

Erika: Are you sure? Kasi pagkakaalam ko, ako ang girlfriend ni Alden. At kailan lang ako bumalik galing states.

Mia: A-ano? I-ikaw ang girlfriend niya? Paano? *nauutal na tanong at napatingin na lamang siya kay Alden*

Erika: Paano? Noong nakaraang buwan nagkita kami sa party ni Jigs at doon may nangyari sa amin. Kaya kung ako sayo umalis ka na. *flirt na sabi ni Erika kay Mia*

Biglang sunud-sunod na tumutulo ang luha ni Mia. Hindi makapaniwala si Mia sa nangyayari ngayon. Parang gumuho ang mundo niya. Hindi niya akalain na lolokohin siya ng kanyang nobyo. Kaya dali daling tumakbo si Mia paalis ng mall. At natagpuan na lang sarili sa isang park. Doon ay paulit ulit rumerehistro ang huling sambit ng babae sa kanya.

*Noong nakaraang linggo nagkita kami sa party ni Jigs at doon may nangyari sa amin*

*Noong nakaraang linggo nagkita kami sa party ni Jigs at doon may nangyari sa amin*

*Noong nakaraang linggo nagkita kami sa party ni Jigs at doon may nangyari sa amin*

May nakita siyang mga bata na naglalaro sa playground. Umupo siya sa isang bench doon at nilabas lahat ng sakit at hinagpis na nararamdaman sa nobyo.

Bigla na lang may tumabi sa kanya. Hindi niya ito pinansin ngunit nagulat na lang siya na may inabot na panyo. Hindi niya sana tatanggapin iyon pero kinuha na rin niya dahil maraming tao ang napapadaan na tinitignan siya. Napansin niyang umalis na ang tumabi sa kanya.

Nagpasalamat na lang sa hangin si Mia sa estranghero na nag abot sa kanya ng panyo. Kahit hindi niya kilala ito ngunit napansin nia ang initials sa panyo K-M-L-R...

Kung sino ka man maraming salamat dahil kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob. At nagpasyang umuwi na lamang.

Tadhana para sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon