"Masaya po akong makita kayo ulit." Sabi ko sabay sulyap kay tatay seth na nag-thumbs up lang naman sa akin. Natawa ako.

"Aria," Bumaling akong muli kay manang nang kunin niya ang mga kamay ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin. " Patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko noon. Galit din kasi ako sa daddy mo at nadamay kita. Hindi ko na naisip na wala ka namang kinalaman sa lahat." Sabi niya.

Bumuntong hininga ako. "Wala na ho sa akin ang mga 'yon manang. Hindi ko naman ho kayo kailangang patawarin dahil hindi naman po ako galit." Maaliwalas ang mukha ko nang palibutan ko nang tingin ang buong lugar. Dito ako lumaki at nagka-isip, nakaka-miss din pala. "Nandito rin po ako para ayusin at klaruhin ang lahat." Sabi ko pa.

"Napakabuti mong bata, Aria." Sabi ni manang at muli akong niyakap. "Ay oo nga pala!" Mabilis siyang humiwalay sa akin. "Kanina ka pa inaantay ng mommy mo. Excited na Excited 'yon kanina pa." Natatawang sabi niya.

Nagsimula na akong kabahan ulit nang alalayan niya ako papasok. Tulad ng dati ay wala pa ring nagbago sa mga gamit. Kung paano ko ito iniwan noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Ang pagkakaiba lamang siguro ay may mga paintings nang nakasabit sa mga dingding, ang iba pa'y pamilyar sa akin. "Nasa dining room ang mommy mo, puntaham mo na lamang at kanina pa iyon nag-aantay." Sabi ni manang bago magpaalam sa akin na may aayusin lang saglit.

Napangiti ako nang muling masilayan ang bahay kung saan ako lumaki. Akala ko ay hindi na ako makakabalik rito. Ang sarap sa pakiramdam na makatapak uli rito. Hindi man naging maganda ang mga karanasan ko rito, may mga bagay at tao pa rin namang magiging dahilan ng pagbabalik tanaw ko.

At ngayong araw, gusto kong subukang mag-simula muli. Para sa akin at sa pamilya ko.

"Salamat dahil bumalik ka rito, anak. Ang saya ko nang sabihin mo na pupunta ka." Nakangiting bulalas ng tunay kong ina. Abala ito sa pag-aayos ng mga pagkaing hinanda niya para sa pagdating ko.

Tinitigan ko siya at ang ginagawa niya. Ngayon ko lang naramdaman ang pag-aalaga niya bilang ina sa akin. Akala ko noon, wala na akong mararamdaman pang kahit ano para sa kaniya pero habang tinitigan ko siya ngayon, nakangiti at masayang pinagsisilbihan ako, parang bumalik lahat.

Parang ako ulit iyong Aria na gutom na gutom at sabik na sabik sa pagmamahal niya. And it feels so good and bad at the same time.

Above all, I'm scared.

"Pinagsalitaan mo po ba ng masama ang mommy ko?" Walang prenong tanong ko.

Napatigil naman ito sa ginagawa. Nawala ang ngiti sa labi niya at bahagyang nabalisa. "A-Anong ibig m-mong sabihin? Ako ang mommy mo." Aniya.

Bumuntong hininga ako. "Alam niyo po kung ano at sino ang tinutukoy ko. Sana po ay huwag na kayong gumawa ng mga bagay na ikasasakit ng loob ni mommy at ng pamilya ko. Minahal po nila ako at inalagaan. They don't deserve to be hurt." Sabi ko.

"I am your mother, Aria. Galit na galit ako sa kanila dahil kinuha ka nila sa akin. Tinanggal nila ako sa buhay mo at maski ang pangalan mo ay pinalitan nila! Binura nila ako sa buhay mo, anak. At hindi ko 'yon matanggap." Mariing sambit niya.

"Wala ho silang kasalanan. Ginawa lang naman po nila kung ano ang gusto mo." Nag-init ang mga mata ko. "Hindi ba't gustong gusto niyong mawala ako sa buhay mo? Hindi po ba't sinabi mo na sinira ko ang buhay mo? Ginusto niyo pong mawala ako sa buhay niyo at ngayong nangyari na," Nanginig ang labi ko. "Bakit po ngayon sinasaktan mo ang mga taong nagmahal at nag-alaga sa akin?"

"Aria!" Singhal niya kasabay ng tuloy tuloy na pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya. "Yes! I said and I did many things to hurt you but I didn't mean it!" Nanghihina siyang umupo sa tabi ko. "I'm sorry......" hikbi niya sabay abot sa mga kamay ko. "Patawarin mo ako sa mga nagawa ko noon sa'yo. Sobra lang talaga akong nasasaktan at nangungulila sa kuya mo. Patawarin mo ako kung naibuhos ko lahat ng galit ko sa 'yo. I'm so s-sorry, anak." Hagulgol niya.

"G-Galit ka na s-sakin bago pa man ako isilang. S-Sinubukan mo akong p-patayin noong nasa sinapupunan mo pa lang ako! Paano niyo po 'yon nagawa sa akin? Anak niyo rin naman ako kahit galing ako sa taong kinamumuhian mo! Anak mo pa rin naman ako......" Hagulgol ko rin. Kinuha ko ang kamay ko mula sa kaniya at pinagtakip ito sa mukha ko.

Akala ko, okay na ako. Ang sakit pa rin pala. Ang sakit balikan ng nakaraan. Ang sakit hanapan ng sagot ang mga tanong. But, I need this. Kailangan ko ito para makaahon at para maging maayos ang lahat.

"I'm s-so sorry, b-baby....." Sinubukan niya akong abutin para yakapin pero pilit akong lumalayo sa kaniya. "O-Oh god....what have I d-done!"

Napasinghap ako. Umurong ako para makalayo sa kaniya atsaka tumayo. "B-Buong buhay ko...wala akong ginusto k-kundi ang mahalin at tanggapin mo...pero h-hindi mo ako m-mahal." Pasimple kong sinalo ang dibdib ko ng maramdamang sumisikip na naman ito. Please, not now. "Galit ka sa akin at k-kinamumuhian mo ako....s-sabi ko noon na baka d-dumating din ang a-araw na matanggap mo a-ako. Hindi p-po ako nawalan ng pag-asa kasi mahal na mahal ko kayo." Nagpunas ako ng mga luha kahit patuloy pa rin ang pagtulo ng mga ito. "Hanggang sa dumating ang a-araw na nawalan na ako ng p-pag-asa. H-Hinding hindi mo ako mamahalin kasi a-anak ako ng taong s-sumira sa buhay mo. A-At kahit anong gawin ko, h-hindi mo ako m-matatanggap....."

Sinubukan niya ulit akong lapitan pero pilit lamang akong lumalayo. "Aria, nabulag ako ng galit. A-At noong ma-realize ko na maling mali ako.....w-wala kana sa akin. Sising sisi ako, a-anak. P-Patawarin mo na si mommy, b-baby ko." Iyak niya. "Nakikiusap ako...."

Lalo akong napahagulgol. "Alam niyo po b-ba kung ano ang m-mas masakit?" Napakapit ako sa sandalan ng upuan. Hindi na ako makahinga. "H-Hindi mo n-nga po ako n-napatay nang n-nasa sinapupunan mo pa lang a-ako.....pero baka n-ngayon magtagumpay na po k-kayo kasi......" Napatigil ako nang parang may pumitik na parte ng puso ko. Nanlambot ako at hindi na napigilang mapaluhod.

"A-Aria? A-Anong....." Sapo sapo ko ang dibdib nang daluhan niya ako. "Manang! Linda! Tumawag kayo ng ambulansiya!" Natataranta niyang sigaw.

Sinapo niya ang katawan ko at mahigpit na niyakap. Takot na takot ang mga mata niya nang makitang namumutla na ako't nanghihina.

"A-Anak? Hold on p-please....huwag mong iiwan si mommy...." Hagulgol niya.

Napapikit ako. Ang sarap marinig na tinatawag niya akong anak. Sa loob ng maraming taon ngayon ko lang naramdaman kung paano ang ma-kontento.

"Aria!"

Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na kayang dalhin ang katawan ko. Hindi ko na kontrolado ang pagpikit ng mga mata ko. At tulad noon, pakiramdam ko mamamatay na ako.

Hello everyone!
Sobrang tagal na noong huling update ko. May mga nangyari kasing hindi inaasahan at noong maayos na ang lahat hindi ko na alam kung paano makakabalik. Hanggang ngayon ay naliligaw pa rin ako kaya kung may mga questions kayo, huwag mahihiyang magtanong 👍🏻👍🏻

Sana magustuhan niyo ito🙏🏼  Namiss ko na kayo.

Happy new year!

Ps: Follow me kung may time kayo.
      Like my updates and comment your thoughts.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon