Kapag nangyari iyon, magagawa niya roon ang gusto niya, ang pangarap niyang walang pumipigil. Walang sumisita at walang amang nanglalait. And she missed her mother so much. Hindi rin ito nakauwi noong graduation niya dahil sa mga comittment. Ang kanyang mommy ang nagsuhesyon na doon na lang siya mag-intern sa London pero ang kontrabida ng kanyang ama.

She needs to convince Jackob. Ito na lang ang pag-asa niya para makaalis siya sa puder ng kanyang ama. Gagawin niya ang lahat para makumbinsi ito. Nakagawa na siya ng paraan para makalapit kay Jacko at ang kailangan na lang niyang gawin ay kumbinsihin ito na ibenta sa kanila ang lupa.

Kilala niya si Jackob Lacorte. Her father had briefed her already about Jackob Lacorte. Nang lapitan niya ito sa kabisera habang nanonood ng parada ay kilala na niya ito. Hindi niya alam kung paanong appoach ang gagawin niya kaya nagkunwari na lang siyang isa siyang tourist at kunwa'y napagkamalan niya itong nakamaskara. But at least it was effective move dahil nagkaroon siya ng rason para puntahan ito sa bahay nito at magbigay ng peace offering.

"KELS, hija, ikaw pala. Napapadalas ang dalaw mo kay Jacko, ah?" May himig ng panunukso ang boses ni Aling Laura, ang mayordoma ng mansiyon ng Lacorte.

"May ibibigay lang po ako sa kanya." Itinaas niya ang kamay kung saan niya bitbit ang maliit na paperbag na naglalaman ng polo. Nagpabili siya ng polo sa kaibigang si Miles sa Maynila kahapon. Saktong may business trip ito malapit sa San Carlos ngayon kaya nakuha rin niya agad, sinalubong niya ito sa airport kanina. Namantsahan kasi ang polo ni Jacko kaya naisipan niyang palitan na lang.

"Tara sa loob," yaya sa kanya ni Aling Laura. Napasukan nila si Jacko sa sala na palakad-lakad at panay ang sulyap sa relong pambisig. Balisa at parang may hinihintay.

"Kanina pa 'yan ganyang batang 'yan," ani Aling Laura habang patungo sila sa receiving area kung nasaan si Jacko.

"Jacko, may bisita ka." Napatigil si Jacko sa pagpaparo't parito nang kunin ni Aling Laura ang atensiyon nito. Bumakas ang gulat sa mukha nito nang makita si Kels. Kels smiled sweetly at him as she offered a slight wave. Inabot ni Jacko ang batok at marahang pinisil iyon habang pasimple nitong pinasadahan ang kabuan ng dalaga. Nang ibalik nito ang tingin sa kanyang mukha ay mas tinamisan niya ang pagkakangiti lalo nang makita niyang maaliwalas ang mukha nito.

"Nandito ka?" Unti-unti ay nawala ang pagkakangiti niya nang mag-iba ang timpla ng mood nito. Balik sa pagiging masungit.

Lumabi si Kels. "Masungit ka pa rin? Kala ko friends na tayo?" Inabot niya rito ang paper bag sa binata. Inabot iyon ni Jacko at sinilip ang laman.

"Nadagtaan ang polo mo kaya bumili ako ng bago. I hope you'll like it."

"Hindi mo naman kailangan palitan ng bago."

"Thank you will do, Mr. Sungit." Ang maaliwalas na mukha ni Kels ay hindi nabawasan man lang kahit pinapakitaan siya ng pagkadisgusto ni Jacko.

"Salamat," anito sa mababang boses. At least he knows how to say thank you.

"Punta ulit tayo sa burol."

"Ahm... may gagawin pa ako, eh." Hays! Kainis naman. Gusto niya sanang magpunta ulit sa burol. May nakita siyang santol nang papauwi na sila. Gusto niya sanang mamitas.

"Naku, Jacko, kung ano man 'yang gagawin mo, e, mas maiging ipagpaliban mo na lang muna. Nakakahiya naman kay Kels. Sinadya ka rito at dinalhan ng pasalubong tapos tatanggihan mo lang."

"Kaya nga po." Pinalungkot niya ang kanyang mukha.

"Nakakahiya kay Kels. Sige na, ipasyal mo na siya," pamimilit ni Aling Laura. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito bago inabot kay Aling Laura ang paper bag.

Wonted HeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon