Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 2

198K 2.9K 103
                                    

"KELS?" Natigil si Kels sa pag-akyat sa hagdan nang marinig ang boses ng ama. She faced her father and sent him a huge smile. Kipkip ang manggang nababalot ng polo ni Jacko.

"Hi, dad!" The beacon of delight pouring out from Kels was nearly palpable to her father dahil sa kakaibang ekspresyon ng mukha nito.

"You seem happy. Let me guess... did you convince Lacorte already?" Ang malapad na ngiti sa labi ni Kels ay unting-unting nawala.

"Ahm, dad, kasi... hindi ko pa po nasasabi sa kanya pero nagkakausap na po kami. Medyo masungit ang isang 'yon, dad."

"Mayabang kamo. Wala namang ipagyayabang na mukha."

"Dad!" she chided, feeling a bit protective to the man who had shown her kindness kahit papaano.

"Dad, that's not good. Masungit siya pero mabait naman. Mailap lang siya dahil siguro sa itsura niya, but I know deep within he's a good man."

"I don't care if what kind of person he was. All I care is to get what I want from him. His land. At may isang buwan ka para gawin 'yon, Raquel, if you want your freedom. You can do whatever you want once you've done with this."

Naiwan si Kels na nakatayo sa unang baitang ng hagdan nang talikuran na siya ng ama para sagutin ang tawag mula sa telepono nito. Napahaplos si Kels sa noo saka walang ganang pumanhik ng hagdan at tinungo ang silid. Inilapag niya ang manggang nakabalot sa polo ni Jacko sa mesita sa sulok. Tinungo niya ang dresser at naupo roon. Tinitigan niya ang sarili sa salamin.

"Paano ko bang sasabihin kay Jacko ang totoong pakay ko sa kanya?" Sinubukan niyang magpahaging kanina tungkol sa lupa pero mukhang wala talaga itong balak na ibenta ang lupa nito. Wala naman kasi talaga siyang alam sa ganito. Hindi niya alam kung paanong mangumbinsi ng mga prospective investor. Ito ang unang pagkakataon na ma-involve siya sa negosyo ng kanyang ama.

Kels earned a Bachelor's degree in Archictecture just recently. Ang limang taong dapat gugugulin niya sa pag-aaral ay naging pitong taon dahil sa hindi niya pagseryoso sa pag-aaral. In order to be licensed, she must complete a three-year paid internship at hindi niya alam kung kakayanin pa niya iyon. Nakakawalang gana na. She's 24-year-old now pero wala paring direksyon ang buhay niya. Hindi kasi ito ang gusto niya. Ayaw niyang maging architect, ayaw niyang maging interior designer o kahit anong may kinalaman sa negosyo ng kanyang ama pero mapilit ang kanyang ama at wala siyang magawa.

Nagpaalam siya sa kanyang ama na kung maaaring sa London niya na lang ituloy ang internship niya pero ayaw siya nitong payagan. Alam kasi nitong hindi niya gusto ang Architecture and any related in their business. Fine arts ang gusto niyang kuning kurso noon pero nakagalitan lang siya nito. Wala raw mangyayari sa buhay niya kung ipu-pursue niya ang walang kwentang career na gusto niya.

She loves painting. Gusto niyang makilala sa larangan ng pagpipinta balang araw katulad ng kanyang ina pero mukhang malabo iyon dahil ayaw ng kanyang daddy. Sampung taong gulang palang siya ay naghiwalay na ang kanyang mama at papa dahil sa maraming bagay na hindi napapagkasunduan. Napunta siya sa custody ng kanyang daddy at ang kanyang mommy naman ay nagtungo ng London. Dito siya sa San Carlos nagtapos ng gradeschool at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Maynila. Ilang taon na rin siyang hindi umuuwi sa probinsiya nila mula nang tumira sila sa Maynila. Kung hindi lang talaga mahalaga ang ipinapagawa ng kanyang ama; kung hindi lang sana nakasalalay dito ang kinabukasan niya ay hindi siya babalik sa probinsiyang ito.

Nakakainggit ang kanyang mommy. Pinursue nito ang pagpipinta at ngayon ay sikat na ang kanyang ina sa pagpipinta ng mga high-end bags and outfits sa London. Iyon ang painting canvass ng kanyang mommy at gusto niyang maging katulad nito at mangyayari iyon kung magagawa niya ang ipinapagawa ng kanyang daddy; ang kumbinsihin si Jackob Lacorte na ibenta ang lupa sa kanila. Iyon ang naging kasunduan nila ng kanyang ama. Papayagan siyang magtungo sa London para doon mag-intern at para na rin makasama ang kanyang mommy kung makukumbinsi niya ang mailap na si Jackob Lacorte.

Wonted HeatWhere stories live. Discover now