Epilogue

21.1K 511 23
                                    

HOW the playboy change when he get married?

Umm! Not all playboy change when they get married. Minsan nagiging malala pa sila. But, not on Axel side. Dahil simula ng makilala niya ang babaeng mahal niya ay bigla siyang nagbago. Nagbago ng panghabang buhay ha! Hindi pansamantala lang.

"Son, stop playing that. Kapag nakita ka ng mommy mo ay papagalitan ka niya." Saway ni Axel sa anak niya. Agad naman itong sumimangot sabay lapag niya ng tablet.

"Wag mo ako daanin sa ganyan Asher Jade," anito. "Look. Hindi maganda para sayo ang paggamit ng gadgets all the time. Dahil masisira nito ang iyong mga mata. Gusto mo ba yun mangyari ang hindi kami makita ng mommy mo katagalan?" Agad naman umiling si Asher Jade.

"Gusto ko makita kayo ni Mommy always at si bunso. At gusto ko rin makalaro si Dalton." Sagot nito.

"Kung ganun, dapat iwasan muna ang paggamit ng tablets. Pwede ka naman maglaro na hindi yan ang ginagamit mo." Anitong agad naman tumango ang anak. "Hindi na ako maglalaro gamit ang tablets ko Dad. Ayaw kong mabulag. Ayaw kong maging ganito." At agad nitong kinuha ang bitbit ng kasambahay nilang walis paypay sabay akto niyang parang bulag na gumagamit ng tungkod.

Dahil sa inasta ng anak niya ay bigla siyang natawa. "Diba ganun ang hindi nakakakita, Dad?" Inosente nitong tanong kay Alex. "Yes. Ganun nga, son." Ani Axel sabay gulo niya sa buhok ng anak niya.

"Mommy?"

Mabilis na sinalubong ni Asher Jade si Jasmine ng makita siya nito. Karga-karga nito ang anak nilang bunso.

"Naging good boy ka ba habang wala si mommy?" Tanong ni Jasmine agad kay Asher Jade ng makaupo siya sa tabi ni Axel.

"I play game.....sa tablet ko, po." Sagot ni Asher Jade na nilalaro ang kamay ng kapatid niya. "Pero, hindi na po ako maglalaro ulit gamit ang tablet. Kasi nakakabulag daw sabi ni Dad. Kaya ayaw kong mabulag. Baka hindi ko kayo makita kapag nabulag ako." Paliwanag pa nitong kinangiti ni Jasmine ng lihim.

"Finally. Titigil kana rin. Masaya ako at titigilan muna ang paglalaro gamit ang tablet." Saad nito sa anak na mabilis naman tumawa.

"Mommy. Kinagat ni bunso ang kamay ko." Natatawa nitong aniya habang nakatingin sa mag-asawa. Dahil sa pagtawa niya ay tumawa rin ang kapatid nito. "Yay! Marunong na mangagat si Princess." Tawang-tawa nitong saad.

"Ang dami mong alam na kalukuhan Asher Jade. Natural na marunong na mangagat yang kapatid mo. Nakakapagsalita na nga. Baliw ka talaga minsan." Ang naiiling na ani Jasmine.

"Mommy. Bakit ang bilis kasi lumaki ni bunso. Dapat, wag muna siya lumaki. Gusto ko baby muna siya." Anitong kinailing naman ni Axel.

"Bakit gusto mong manatiling baby ang kapatid mo, samantalang si Dalton gusto mong lumaki agad. Kung pwede nga lang na i-magic mo ang pinsan mo lumaki lang agad ay ginawa muna." Puna ni Axel dito.

"Kasi po, boy si Dalton. Gusto ko lumaki na siya agad para meron na akong kalaro at si Princess gusto kung manatiling baby. Para meron akong always baby sister." Paliwanag naman nito.

"Oh-yah!"

"Hindi oh-yah baby. Kuya. Kuya." Pagtatama nito sa sinabi ng kapatid niya. "Oh-yah!"

"Kuya. Say kuya." Anito sa kapatid.

"Oh-yah!"

Napakamot naman ito ng ulo ng hindi magawang i-pronounce ng kapatid niya ang pagtawag nito sa kanya ng kuya. "Princess naman e. Sabi nang kuya e." May hinampo nitong aniya sa kapatid. Agad naman itong dumukwang sa harap ng mukha ni Asher Jade sabay tawa.

"Ko-yah. Kuya."

Nang marinig ni Asher ang tinawag sa kanya ng kapatid ay halos magtatalon ito sa tuwa. Kaya nagkatinginan na lang sina Axel at Jasmine sa inasta ng panganay nila.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon