Chapter 4

34.6K 947 13
                                    

****NAKARAAN****

NANG matapos ang trabaho ni Jasmine sa coffee shop na pinapasukan ay agad siyang gumayak upang umuwi. Habang pauwi siya ay bigla niyang nakasalubong ang tatlong lalaki. Agad siyang binalot ng takot dahil nagkataong nasa parting walang katao-tao niya nakasalubong ang mga ito.

"Panginoon ko kayo na po ang bahala sa'kin." Taimtim nitong dasal at ipinagpatuloy ang paglalakad na kunway baliwala sa kanya ang tatlong lalaki.

"Mga pare nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Dinig ni Jasmine na anang isa sa mga ito. Ang isa ay bahagya pang sumipol ito. Ang isa naman ay biglang sinalubong ang dalaga.

"Hi miss, taga rito ka ba?" Tanong nito sa dalaga. "Opo." Tipid nitong sagot. "May boyfriend kana ba?" Dagdag pa nitong tanong sa dalaga.

"Wala na po kayo doon kong may nobyo ako o wala." Sagot nito sa tanong ng lalaki. "Wow! Mukhang palaban ito mga pare." Anang lalaking unang nagsalita.

"Oo, nga mga pare." Sabay pinadaanan ng pangalawang lalaki na nagsalita ang balikat ni Jasmine ng kamay nito. Kaya agad kinilabutan ang dalaga. "Umalis nga kayo sa dinadaanan ko at wag mo ako mahawak-hawakan. At sino ba kayo huh?" Lakas loob nitong aniya kahit binabalot na siya ng takot.

"Paano kung ayaw naming umalis miss dahil gusto ka muna namin tikman. Wag kang mag-alala dahil tiyak na masasarapan ka sa ipapatikim namin sa'yo." Anang lalaking huling nagsalita sabay hawak niya kay Jasmine. "Ano ba bitawan mo ako." Pagpapalag nito.

SAMANTALA ng mamataan ni Axel na tapos na ang trabaho ni Jasmine dahil nakita nitong lumabas na ito ng coffee shop na pibagtratrabahuan ay ipinasya niya itong sundan. Kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupoan niya.

"Gago saan ka pupunta?" Tanong ni Mark kay Axel. "None of your business, fucker." Anito bago ito mabilis na lumabas ng coffee shop, kung saan sila nakatambay na magkakaibigan. Agad namang nahulaan ni Blake kung saan pupunta ang pinsan at kung bakit ito nagmadaling lumabas ng coffee shop.

"Good luck gago, galingan mo." Sigaw ni Blake na kinatawa nilang magkakaibigan.

Habang naglalakad si Jasmine ay nakasunod lang sa kanya si Axel. Bigla tuloy siyang natawa ng lihim sa pinaggagawa niya dahil nagmumukha siyang stalker ng dalaga. But he doesn't care kung ganun ang matatawag sa ginagawa niya.

At habang nakasunod siya kay Jasmine ay agad niyang namataan ang tatlong lalaking lumapit sa dalaga. "What the fvck. Wag lang kayong magkakamaling hawakan siya. I swear babalian ko kayo ng buto mga son of a bitch." Ani Axel sabay buga niya ng hangin pagkakita niya sa isang lalaki na hinarangan ang dinadaanan ni Jasmine.

Napansin ng binatang mukhang nag-uusap ang mga ito ngunit hindi lang malinaw sa pandinig niya ang usapan ng mga ito. Habang nakikiramdam siya sa mga ito ay bigla niyang nalakumus ang kamao sa nakita. Nakita lang naman niyang hinawakan ng lalaking unang lumapit sa dalaga ang balikat nito. Kaya mabilis na nagwala ang dalaga.

Dahil malakas ang lalaking humawak kay Jasmine ay hindi siya nakawala dito. Kahit magwala siya ay walang panama ang lakas ng katawan niya sa lakas ng katawan nito. Kaya impit siyang umiyak sabay takip niya ng tainga gamit ang dalawang kamay habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Tumawa naman ang lalaki sabay angat ng kamay niya para hipuan ang katawan ng dalaga. Ngunit bago pa man lumapat ang kamay nito sa pang-upo ng dalaga ay isang flying kick ang tuma dito.

Dahil expert sa martial arts si Axel ay walang kalaban-laban ang mga ito sa binata ng atakihin niya ang mga ito. Isang tadyak lang sa sikmura ang ibinigay niya sa lalaking unang nagsalita na may katangkaran sabay pinagsiklop niya ang dalawang kamay sa tainga nito. Kaya namilipit ito sa sakit at nagpaikot-ikot hanggang sa matumba at mawalan ng malay.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon