Chapter 12

34.3K 915 5
                                    

WALANG sinayang na oras si Axel. Halos liparin na niya ang daan marating lang ang airport. Gustong gusto na nitong mayakap ang anak nila ni Jasmine. Hindi niya akalain na may anak na pala sila ng babaeng mahal niya.

At habang nasa daan sila ay tahimik lang si Jasmine na nakatuon ang paningin sa daan. Kaya agad na ginagap ni Axel ang kamay nito at dinala sa kanyang labi.

"Babawi ako sa mga araw at oras na hindi niyo ako kasama ng anak natin." Saad nito kay Jasmine. Bahagya naman itong nginitian ni Jasmine sabay sandal nito ng ulo sa balikat ni Axel.

Ang takot at pangamba niya ay biglang napawi. Hindi niya akalain na darating parin pala ang araw na mabubuo silang tatlo, si Axel, siya at ang anak nila. Kaya ng marating nila ang airport ay agad din naman silang nakapasok sa loob ng paliparan. Tuloy-tuloy lang sila sa loob hanggang marating nila ang sasakyan nilang private plane patungong Mindanao. Hindi rin naman nagtagal ng lumipad ang private plane.

Makalipas ang isang oras nilang byahe sa himpapawid ay lumapag ang private plane sa paliparan ng Cotabato. Kaya agad na bumababa ang magkasintahan at lumabas ng airport. Agad nilang hinanap ang ina ni Jasmine kung naroon na ba ito. Hindi rin naman nagtagal ang paghahanap nila ng makita ni Jasmine ang kanyang ina kasama ang kanyang anak.

"Ma."

Tawag nito sa kanyang ina. Agad naman napaangat ang mukha ng ginang pagkarinig nito sa boses ni Jasmine. "Mommy." Tili ng anak ni Jasmine sabay takbo nito patungo sa kanya. "Baby. I miss you." Anito sa anak na agad pinaghahalikan sa mukha.

Samantala hindi naman halos maihakbang ni Axel ang mga paa habang nakatingin siya sa kanyang mag-ina. "D-daddy." Biglang tawag sa kanya ng anak. Pinakawalan naman ni Jasmine ang anak nito upang bigyang laya para sa binata. "Puntahan mo si daddy, anak." Utos nito kay Asher Jade na agad namang tumalima.

"A-anak."

Tawag ni Axel sa kanyang anak. Agad naman tumakbo si Asher Jade at patakbo itong sinugud niya ng yakap ang amang napaluhod. "Anak." Muling sambit nito sa anak sabay yakap niya dito ng mahigpit.

"My God. Daddy na nga ako." Anitong nagpipigil na wag maluha dahil sa tuwa at nayakap na niya ang kanyang anak. "Daddy. I love you." Anang anak nito sabay halik nito kay Axel. "I love you more son. I love you and your mom. Your my life now." Anito sabay halik niya sa kanyang anak na agad ipinulupot ang maliliit na kamay sa kanyang leeg.

Agad na binuhat ni Axel ang kanyang anak at lumapit sa kinatatayuan ni Jasmine. "Hi tita." Ani Axel sabay mano nito sa ina ni Jasmine. "Kumusta po kayo?" Tanong niya sa ginang.

"Ayus lang ako iho, ito magaling na. Kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi ko na naalagaan itong anak niyo." Anito kay Axel na nakangiti.

"I'm sorry po tita kung wala ako sa tabi ni Jasmine noong mga araw na nagdadalang tao siya. Hindi ko po kasi alam kung saan ko kayo hahanapin. Binalikan ko po kasi kayo noon sa bahay niyo. Pero, hindi ko na po kayo inabutan pa at hindi naman alam ng mga kapitbahay niyo ang bago niyong address dito sa Mindanao." Seryoso nitong aniya sa ina ni Jasmine na napangiti.

"Kalimutan muna yun iho, ang mahalaga ay ngayon at magkakasama na kayo ng mag-ina mo." Anang ginang sa binata.

"Tama po kayo tita. Kaya nga po nagpapasalamat ako at dinig ni God ang dasal ko na magkita kaming muli ni Jasmine at makasama siya. At subra pa po ang natanggap ko dahil hindi ko akalain na isa na pala akong ama. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko ng marinig ko ang boses ng anak namin. Parang gusto ko na po siyang takbuhin at yakapin ng mahigpit." Anito sabay halik niya sa kanilang anak na isiniksik na ang ulo sa leeg ni Axel. Napangiti naman si Jasmine habang nakamata siya sa kanyang mag-ama. Kaya agad siyang lumapit sa mga ito at ipinulupot niya ang kamay sa baywang ni Axel. Agad naman kinintalan ni Axel ng halik ang buhok ni Jasmine.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon