Chapter 10

31.4K 772 3
                                    

SUMAPIT ang araw ng party na gaganapin sa tahanan ng mga Monte Silva. Jasmine wearing a purple sleeveless na pinarisan niya ng black strappy bowtie sandals mesh lace up. At habang nakaharap sa harap ng malaking salamin ang dalaga ay bigla namang pumulupot ang dalawang kamay ni Axel mula sa kanyang likod.

"You look gorgeous, honey." Pabulong nitong aniya sa punong tainga ni Jasmine. Bigla naman nagsitayuan ang balahibo nang dalaga ng tumama sa kanyang balat ang mainit na hininga ng nobyo.

Bago pa man sila lukubin ng init ay ipinasya ng dalagang awatin ang binata. Kilala na niya ito at mahirap itong awatin at isa pa mahirap tanggihan ang mapang akit nitong halik.

"Kailangan na nating umalis, honey. Baka, malate na tayo sa party. Nakakahiya naman sa kanila." Ani Jasmine sabay pulupot nito ng dalawang kamay sa batok ni Axel.

"Okay as my queen said." Anito sabay kintal niya ng halik kay Jasmine.

Magkahawak kamay silang lumabas ng unit ni Axel hanggang sa marating nila ang parking lot. Nang marating nila ang kotse ni Axel ay ipinagbukas niya agad ng pinto ang nobya.

Habang tinatahak nila ang daan ay tahimik lang ang magkasintan. Minsan ay panaka-nakang sinusulyapan ni Axel si Jasmine at kapag nahuhuli ito ng dalaga ay kinikindatan niya ito. Kaya natatawa na lang si Jasmine sa ginagawa ng nobyo.


Makalipas ang ilang minuto nilang byahe ay narating nila ang tahanan ng mga Monte Silva at agad ipinark ni Axel ang dalang sasakyan. Nang makalabas siya ng sasakyan ay agad niyang ipinagbukas ng pinto ang nobya.

Nakahawak sa braso ni Axel si Jasmine ng pumasok sila sa loob ng mansyon ng mga Monte Silva. Bahagya pang sumaludo ang guard na nakatalaga sa bungad ng main entrance ng mansyon pagkakita nito kay Axel. Halatang kilala na nito ang binata sa tantya ng dalaga.

"Hey! Bro," ani Kurt ng makita nito si Axel sabay ngiti nito ng pilyo. "Mukhang  nabuhayan tayo ah?" Saad pa nito.

"Gago." Naiiling na lang ito sa tinuran ni Kurt. "Where is the other?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan nila. Agad naman silang inakay ni Kurt kung saan ang mga kaibigan nila. At gaya ng inaasahan niya ay siya halos ang sentro ng usapan nilang magkakaibigan.

"Dapat nating binyagan itong si Vergara number two. Dahil mukhang nakapagtanim na rin sa wakas. Tingnan niyo, hindi na mukhang lantang gulay." Ani Tyrone na kinapula ng mukha ni Jasmine.


"Gago, shut up. Naiilang sa'yo yung tao oh!" Saway naman ni Rain kay Tyrone na napakamot ng ulo. "I'm sorry. Masasanay ka rin sa amin." Anito kay Jasmine na ngumiti naman ng tipid. Dahil nahihiya pa siyang makihalubilo sa mga ito. Hindi pa talaga siya nasasanay sa mga ito.

Lumipas ang oras everyone's enjoying the party ng biglang nagkagulo ang lahat. Narinig nilang lahat na tila meron nahulog sa swimming pool kaya ang lahat ay lumapit doon. Agad naman nilang nakita si Yugene na biglang tumalon sa swimming pool. Pag-ahon nito ay kasama na niya si Aslea Dennisse na parang walang malay tao. Agad naman itong tinulungan ni Frank upang maisampa niya sa gilid ng pool ang wala ng malay na si Aslea Dennisse.

"Honey, wake up. Come on, honey you hear me." Ani Yugene na bakas sa mukha nito ang takot. "God, damn it. We need to bring her to the hospital." Pasigaw nitong saad kaya nagkagulo na agad sila.

"P-princess?" Ani Axel na nag-aalala rin sa kapatid. Agad namang binuhat ni Yugene si Aslea Dennisse. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Jasmine sa nobyo.

"I don't know, honey? Let's follow them." Aniya sabay akay sa nobya na agad naman nagpatianod.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng mga naroon na naguguluhan sa nangyari ngunit walang makasagot ng mga katanungan nila.


HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon