Chapter 6

32.6K 929 10
                                    

MULA ng gabing mayron nangyari kina Axel at Jasmine ay halos hindi na ito mawala sa tabi ng binata. Hatid sundo ng binata sa pinapasukan niyang cofee shop ang dalaga. Maging ang ina ng dalaga ay naging maayos na ang kundesyon nito kaya pinayagan na rin ito ng doctor niyang makalabas na ng hospital. Hanggang sa lumipas ang araw na kaylangan nang bumalik nila Axel ng Manila.

Kaya inaya ni Axel si Jasmine ng isang date bago ang araw ng pagbalik nila ng Manila. "Saan ba tayo pupunta?" May pagtatakang tanong ni Jasmine kay Axel habang nagmamaniho itong panaka-nakang bumabaling ng tingin sa kanya.

"It's a surprise honey." Anito sabay gagap ng kamay ni Jasmine. Agad niyang dinala ang kamay ng dalaga sa kanyang labi at kinintalan ng halik.

Hindi naman nagtagal ay narating nila ang resort ng mga Vergara. Hawak kamay nilang binaybay ang daan patungo sa loob ng resort matapos ma-ipark ni Axel ang kotse nito. Bawat madaanan nila ay bumabati sa kanila. Nang makarating sila sa loob ay mayron agad kinausap si Axel bago niya muling inakay si Jasmine patungong dalampasigan. Agad naman napansin ni Jasmine ang bangkang naroon.

Maingat na inalalayan ni Axel ang dalaga hanggang sa makasampa ito sa bangkang naghihintay sa kanila. Ihahatid sila nito sa yatch na pinahanda ng binata bago sila magtungo doon sa resort. Nagtataka man ang dalaga ay nagpatianud na lang ito sa binata hanggang sa makaupo sila sa bangka.

Makalipas ang ilang minuto ay narating nila ang yatch. Kaya muling inalalayan ni Axel si Jasmine sa pagpanhik sa yatch hanggang makasampa sila sa taas.

Pagkamangha ang makikita sa mata nang dalaga ng tuluyan silang makaakyat sa yatch na pag-aari ng mga Vergara. Naagaw lang ang atensyon ni Jasmine ng biglang yumapos mula sa kanyang likuran si Axel.

"Do you like the place?" Anang binata sa bandang tainga ni Jasmine na agad nanuot sa kanya ang mabangong amoy ng binata. Agad siyang humarap dito at ipinulupot niya ang mga kamay sa batok ni Axel sabay ngiti niya dito. "Mmm. I like it, ang ganda dito." Kumento nito.

Agad namang dinampian ng halik ni Axel ang labi ng dalaga. "Thanks at nagustuhan mo dito." Anito sabay haplos niya ng mukha ng dalaga. Agad niya itong inayang maupo sa mesang nakahanda para sa kanila sabay abot niya dito ng bulaklak. "Thanks." Nakangiti namang inabot ni Jasmine ang bulaklak na binigay ni Axel sa kanya.

Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang nakahandang pagkain na pinahaing ni Axel para sa kanila. Matapos nilang kumain ay agad na inakay ni Axel ang dalaga sa isang upuang naroon. Agad silang naupo doon sabay sandal ni Jasmine sa dibdib ng binata. Nilalaro naman ni Axel ang hibla ng buhok nito habang nakatanaw sila sa karagatan.

"Honey?"

"Mmm?"

"I need to go back in Manila para ipagpatuloy ang pag-aaral ko." Anito sa dalaga na biglang nalungkot.

"Ganun ba?" Pilit nitong pinapasigla ang sarili dahil ayaw niyang mahalata ito ng binata na malulungkot siya. "Sandali lang naman honey, babalikan kita dito I promise, basta hintayin mo ako." Anito sa dalaga.

"Okay. Maghihintay ako." Pilit parin nitong pinapangiti ang sarili kahit subrang bigat ng pakiramdan niya sa isiping malalayo siya sa binata. Agad namang hinalikan ni Axel ang pisngi ni Jasmine matapos ay inidiin na nito ang mukha sa bandang leeg ng dalaga. "I'm gonna miss you honey." Anito.

"A-ako rin. Mamimiss kita." Ani Jasmine na kinangiti ni Axel.

MULA ng araw na magpaalam si Axel sa dalaga ay pakiramdam niya napakabigat ng pakiramdam niyang lisanin ang lugar kung saan niya nakilala sa Jasmine. For him, sa lahat ng babaing dumating sa buhay niya ay kakaiba si Jasmine sa mga ito kahit napakasimple lang niya. Ang dalaga lang ang nakakapagbigay at nakakagawang pakabahin ang dibdib niya na hindi niya maipaliwanag.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon