"I think we should leave Keifer alone." Yuri said to them.

"Mabuti pa nga... Puntahan muna natin si Kit sa ospital." Rory said.

"Daan muna tayo sa faculty at magpa-alam tayo." It was Calix.

They all walk together and leave me alone. Hanggang sa dalawang pares ng paa ang tumapat sakin.

"K-keifer... Puntahan ko muna si Jay-jay. Muka kasing hindi maganda ang lagay nya." Ci-N said.

I look at him and force a smile. "Please do... I want to know if she's alright."

"Halata namang hindi sya okay." Felix said. "...sana naman Keifer, pag-isipan mong mabuti yung ginawa mo. Hindi sa lahat ng oras pwede mong pairalin ang init ng ulo mo."

I just nodded and watch them leave. How can I control myself? How can I control this anger? Kung hahayaan ko yong pangunahan ako, masasaktan ko lang ng masasaktan si Jay-jay.

I don't want to see her suffer. What should I do?

Sa ganitong pagkakataon, isang tao lang ang naiisip kong kausapin. Sya lang ang makakapaglinis ng isip ko. Sya lang ang kilala kong makakapag-bigay sakin ng magandang sagot.

I grab my phone and dialled his number.

["Keifer..."] Is the first word I heard from him.

"Pwede ba tayong magkita? Kailangan ko lang ng kausap."

["Sige. Sa dating lugar."] He said and ended the call.

My mind is filled with so many thoughts. Pakiramdam ko hindi na matatapos ang araw na to.

I'm sorry Jay...

Hindi ako basta-basta humihingi ng tawad sa kahit na kanino. Ayoko ng ibaba at sisihin ang sarili ko. Pero para kay Jay-jay, handa akong lumuhod. Handa akong ibaba ang sarili ko.

Pinilit kong tumayo at maglakad paalis ng class room. Parang wala ako sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa parking.

Ni hindi ko na namalayan na halos lumagpas na pala ako sa kotse ko. Buti nalang at napansin ko ang kotseng nakaparada na muntik ko ng mabunggo.

I get inside my car and immediately start the engine. Pinilit kong mag-concentrate sa pagmamaneho dahil baka mabangga ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi tapakan ng madiin ang gas.

Nakarating ako sa destination ko ng hindi ko namamalayan. Pinarada ko ang kotse ko at napansin kong narito na ang kotse ng taong gusto kong maka-usap.

He came here before I do. Maybe he's thirsty and ready to taste some alcohol. Mabilis akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob.

Kingsground...

I remembered the first time I saw this place. It was just an empty building. Ginagawang boxing ring ng mga taong gustong magka-tapatan ng lakas. Tambayan ng mga istudyante'ng ayaw pumasok at taguan ng mga taong may ginawang kalokohan sa batas. I can't believe Tiger really pursue his dream.

To have a place where everybody is free. Free to have an alcohol, free to dance crazily, free to fight till death stop them and free to be whoever they wanted to be.

Akala ko hanggang biro lang yon. Usapang lasing nila ng mga kaibigan nya. Samantalang ako at si Angelo nakikinig lang habang tinatawanan sya.

Pagpasok sa loob, walang ka-tao-tao maliban sa mga crew na naglilinis at nag-m-map ng sahig. Kakasara ng disco section kaya ganito.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon