Keira's Boys !?

4.1K 94 0
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT



Matapos kong magpahinga ay narinig kong may kumakatok sa pinto ko kaya naman binuksan ko ito at tinignan kung sino ang kumakatok.




"Dre tara sabay sabay na tayong magdinner sa baba" sabi saakin ni caleb na may benda na ang tuhod.



"Sige dre susunod ako puntahan mo na din si Reese."


Nagpalit lang ako ng suot kong damit at inayos ang aking buhok tsaka sumunod sa kanila na nakapila na sa counter.


2 cups of Rice and Adobo with boiled egg lang ang kinuha ko sa inumin naman ay mineral lang. Matapos naming umorder ay naupo kami sa dati naming pwesto.



"Dre anong balita? " sabi ni caleb.


"Anong balita ang sinasabi mo dyan." sabi ko sa kanya sabay subo ko ng pagkain ko.


"Malamang kanino pa ba edi kay keira isang linggo na oh wala parin bang nangyayari? ." sabi naman ni reese.



"Ahh you mean kay keira? Well kada break time namin ang bilis nyang lumabas ng room di ako maka tyempo. Kapag na t-timing-an ko naman sya na walang kasama maya maya lang may lalapit na agad sa kanya para lang kausapin sya". naisabi ko nalang sa dalawa


"Pre kung ako sayo habang maaga pa ~~~ habang maaga pa ipaliwanag mo sa kanya ang nangyari non kailangan nyang malaman ang totoo pre kailangan. " seryosong sabi naman ni reese.



Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya. Totoo ang sinabi nya wala akong nagawang masama kung may mali man ay dahil yun sa ginawa saakin ni megan na alam kong binalak nya talagang paghiwalayin kami ni keira.

----------- Si keira na pinakamamahal ko hanggang ngayon.



"Wag kayong mag alala gagawa at gagawa ako ng paraan para makausap ko sya" sabi ko sa dalawa.



Matapos ang pag didinner namin ay nagbalak kaming tatlo na bumalik na sa kanya kanya naming kwarto.



"Uy mga dre tingnan nyo oh akalain nyong babae pala ang tutuloy sa dorm d-24" sabi ni caleb.



"Huh asan wala naman eh" sabi ni reese na hinahanap ang babaeng sinasabi ni caleb "OO nga wala naman" sabat ko naman.



"Kakapasok lang sa room nya kaya hindi nyo siguro napansin" sagot muli ni caleb. "Ahh okay." walang ganang sabi ko sa kaniya at nagtuloy nalang sa kwarto ko para magpahinga.



Sa katunayan nyan wala akong interest sa kahit na sino pa mang babae. Oo naging flirt ako sa mga babae noon dahil gusto kong makalimutan si keira.




Pero kahit anong gawin kong paraan para makalimutan sya ay hindi ko nagawa kaya itinigil ko na ang kalokohan ko noon.




HE'S INTO HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon