Keira Keira Keira

5K 79 1
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"Oh keira andyan ka na pala tara sumabay na kayo saamin" sabi ni ate kay keira na ikinagulat ko.

Lumapit naman agad si keira at mabilis na naupo sa harap ni ate.

"Magkakilala kayo ate?" gulat na sabi ko sa kanya.

"Yep sya nga din ang nagtxt na dito sya magdidinner eh" sabi nya

Tinignan ko naman si keb kung alam nya rin pero nag kibit balikat lang ito na parang wala din syang idea.

"P-pano? Paanong magkakilala kayong dalawa ni keira" sabi ko.

"Well sya lang naman ang youngest shareholders ng school na halos sya narin yata ang nagmamayari bakit dahil 60% ang share nila at kung hindi dahil sa kanila baka matagal ng wala ng school natin baby" mabilis na sabi ni ate.

"At alam mo ba baby hindi ako makapaniwala na sya pala yung babaeng binully mo noon" pahabol ni ate.

"Ah hehehe" sabi ko nalang sabay hawak sa batok ko.

"Bakit hindi mo sinabi saakin babe" sabi ko kay keira.

"Actually hindi naman talaga saakin yan kay lola talaga yong share na yon na ipinasa lang saakin dahil wala na sya" sabi naman ni keira.

"Pero sayo parin yon" sabi ko
hindi na sya sumagot at kumuha nalang ng pagkain nya na parang nasa sariling bahay nya.

"Sabi ko naman kasi sayo kumain nalang tayo sa labas tingnan mo nagutom ka tuloy" sabi ko.

"Eh gusto ko dito eh bakit ba." sabay subo nya ng kanin at ulam.

Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nalang din na medyo natatawa pa.

Napapansin kong nakatingin saamin si ate habang nakain kami at ganon na rin si keb na nakangiti pa.

"Nagkiss na ba kayo?" pangaasar ni ate dahilan para masamid ako.

Si keira naman ay parang wala lang sa kanya ang tanong na yon. I mean ang kalma ng mukha nya.

"Ano ka ba ate nakain tayo tapos ganyan ang sasabihin mo kainis ka din eh" inis na sabi ko sabay inom ng tubig.

Tumawa lang si ate pati narin si keb tsaka naman nagsalita si keira.

"Naku ate si dylan yang kapatid mo mana sayo aggressive." sabay tingin nya saakin .

"Talaga ba baby naku baka mamaya mas mauna pa kayong magka baby saamin ni keb ha" pangaasar ni ate.

"Ate aaa-ano ba yang ppp-pinagsasabi mo sari sari ka din eh isa ka pa keira eh ikaw nga yung mas aggressive kesa saakin" inis na sabi ko.

/Raaaaawr. Hahahha -Blueming/

Sabay naman nagtawanan yung tatlo habang ako ay nahihiya sa usapan nila.

"Hi keira po pala" sabi ni keira kay keb.

kinuha naman ni keb ang kamay ni keira.

"Keb jacob asawa ni aries" sabay halik nito sa ibabaw ng kamay ni keira.

"bakit mo kiniss kamay ni keira" inis na sabi ko kay keb.

Ngumiti lang ito at ganon narin si ate at keira na lalong kinainisan ko.

"Naku ang baby ko malaki na talaga at keira mukhang mahihirapan ka dito oh. Nampaka seloso." pang aasar nanaman ni ate.

"Oo nga ate aries. Sobra kung magselos basta pag ako nainis dyan sa kapatid mo makikipaghiwalay ako dyan at bahala sya sa buhay nya maghanap ng ibang babae" sagot naman ni keira.

Dahian para taasan ako ng balahibo sa sinabi nya.

"WHAT !!? At sino namang nagbigay ng permiso na makipaghiwalay ka saakin haaah? Hinding hindi kita hihiwalayan dahil alam kong ikaw na ang forever ko" sabi ko.

"Pffft !! FOREVER ulul walang forever" sabi nya naman.

"Wala mang forever ito lang ang sasabihin ko saiyo ikaw lang ang mamahalin kong babae hanggang kamatayan naiintindihan mo" parang isip batang sabi ko sabi ko sa kanya.

"okay o sya kumain na tayo gutom pa ako oh" pag puputol ng usapan namin kaya kumain na lang ulit kami.

Pagkatapos kumain ay pumunta naman kami sa sala para mag desserts.

"Oh pano ba yan mauna na kami titignan kasi namin yung bahay namin baka dun na rin muna kami matulog" sabi ni ate.

"Paano ako ate" sabi nya.

"Anong paano ka dyan. Andyan naman si manang at si keira oh" sabi ni ate.

"Pero ate ..." naisabi ko nalang pero hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil hinawakan ni keira ang balikat ko.

"Sige na ate ingat kayo sa paguwi. Ako ng bahalang magalaga kay dylan" sabi naman ni keira na medyo natatawa pa.

Pagkasabi ni keira nan ay mabilis na umalis si ate at kami nalang ni keira ang natira sa sala wala na sila manang dahil natutulog ito sa kabilang bahay bukod kasi ang bahay nila sa bahay namin .

"Oh natahimik ka dyan" sabi nya.

"Ah-Eh ang tahimik kasi wala pang tao kaya medyo naiilang ako sayo ngayon"

"Wow at ngayon ka pa talaga nailang" sabi nya sabay tayo nya sa sofa.

"Tumayo ka dyan dun tayo sa kwarto mo medyo nakakabingi ang katahimikan dito sa sala medyo late narin.

Pagkasabi nya non ay mas lalo akong nailang pero hindi ko nalang pinahalata at dumeretso nalang sa kwarto ko.

Naglibot libot sya sa kwarto ko at tsaka humiga sa kama ko na parang sarili nyang kama.

"Maligo ka na babe" sabi nya habang nakapikit.

Sumunod naman ako at nagdiretso na sa banyo mabilis lang akong naligo at tsaka nag toothbrush.

Pinatuyo ko na din ang buhok sa loob ng cr kaya medyo natagalan ako pagkalabas ko nakita ko si keira na naka angel sit sa kama at nanonood ng tv doon.

"Uuwi ka na ba medyo gabi na oh kailangan na kitang ihatid" sabi ko

"Dito ako matutulog" sabi nya habang nakatutok pa rin sa tv.

"Haaah! Baka magalit parents mo" sabi ko pero sa loob looban ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.

Tumayo sya sa pagkakaupo at tsaka naghalungkat ng damit sa cabinet ko.

"Gagamitin ko to huuuh wala akong dalang damit eh" seryosong sabi nya.

"O-okay sige bababa muna ako kukuha lang ako ng makakain natin" sabi ko tsaka mabilis na bumaba.

Kumuha lang ako sa baba ng dalawang can softdrink tsaka dalawang malaking junkfood pag kataas ko ay hindi pa rin nalabas si keira kaya naisipan ko munang humiga at manood.

Tumingin ako sa orasan ko na katabi lang ng kama ko at halos 30 minutes na ay hindi parin sya nalabas medyo humihikab na ako kaya naisipan ko munang umidlip saglit.

HE'S INTO HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon