Volunteer for Dance

4.6K 75 3
                                    

CHAPTER NINETEEN

"Oh nakuha mo ba yung steps" sabi ni ate leader.

"Oo naman san ba yung position nung nawalang member" sabi ko.

"Dito ...." sabay turo nya sa unahan at nasa gitna pa talaga huh.

"What so sa gitna ang pwesto ko at hindi sa likod " gulat na sabi ko.

"Sya ang main dancer namin at choreographer naman ako kaya nasa likod mo ko at ganon narin si drake" sabi nya.

"Ah okay practice na tayo may klase pa ko eh" sabi ko tsaka pumuwesto sa gitna.

Nung nagumpisa ng tumugtog ay nagwarm up muna ako habang hindi pa naguumpisa yung steps.

Ilang segundo lang din ay ako ang unang nag krumping at sumunod ang nasa likod ko tsaka sumabay ung sa kabila at ganun na rin sa isa.

Natapos kami sa krumping at sabay na iginiling namin ang katawan namin at nag twerk ng ilang segundo.

Matapos non ay hinaluan namin ng konting jazz move at tsaka bumalik sa hiphop dahil remix song ang kanta nung natapos ang sayaw namin ay napanganga sila saakin.


"Wooow kei ang galing mong sumayaw at ang bilis mo ding makuha ang steps kaya gusto kita eh" sabi ni drake.

"Ayiiieh si drake duma da moves kay keira" pang aasar ng ibang kasamahan namin sa loob

Napakamot lang ito sa ulo at tsaka ngumiti na parang walang bukas.

"TAKEN na ko" hingal na sabi ko.

"Ayy sayang pre naunahan ka yata" sabi nung isa naming kasamahan.

"Okay lang yun pwede ko naman syang maging kaibigan eh right?" sabay hawak nya sa balikat ko dahilan para magkadikit kami.

"Oo naman" sabi ko.

"Kei mamaya pagawas practice ulit tayo" sabi nung leader.

"Okay ate leader sige pasok muna ako sa klase kita nalang ulit tayo pag awas" sabi ko

Nung tumingin ako sa relo ko nakita kong late na ko ng 5 minutes kaya tumakbo ako ng mabilis sa 3rd floor.

Pagkapasok ko nakita kong nagkaklase na si miss peyton.

Napatigil sila dahil sa malakas na pagbukas ko sa pinto dahilan para pag tinginan nila ako pati narin si dylan na naka kunot noong nakatingin sa akin.

"Sorry miss im late" sabi ko tsaka mabilis na umupo.

Hindi na nagsalita si miss peyton kaya nagderetso na sya pagtuturo ulit.

"San ka galing bakit hindi kita nakita nung tumaas ako dito kanina diba ikaw ang nauna dito at bakit hingal na hingal ka yata" mabilis na sabi nya.

"Wala ka na dun" hingal na sabi ko tsaka kinuha yung tubig na nasa tabi nya at ininom yon.

"Tss ang sabihin mo hindi mo na ako mahal kaya ganyan ka nalang kung makaasta saakin" sabi nya.

"Sabi mo eh kung dyan ka masaya sa pinagsasabi eh di GO !!" tsaka ako nakinig sa teacher namin.

Hindi na sya sumagot pero kita ng tabihang mata ko na nakatingin pa rin sya saakin at alam kong galit sya.

"Wag kang tumingin sa akin baka matunaw ako sa sobrang galit mo" sabi ko habang naka tingin pa rin sa unahan.

Inalis naman nya agad ang pagkakatingin saakin at nakinig na lang sa teacher namin.

HE'S INTO HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon