ANNOYING BOYS

3.3K 51 0
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

Second day of school medyo nalate ako ng 10 minutes dahil nga ilang oras ang ibinayahe ko. Kumatok muna ako sa pinto ng classroom namin at dahan dahan itong binuksan.


"Sorry miss im late" sabi ko kay miss trixy na naguumpisa na ng discussion tumungo lang ito kaya naman dumiretso na ako sa upuan ko kung saan katabi ko si dylan mabilis lang na nag discuss si miss dahil may meeting daw ang ibang teacher kaya naman may 2 hours vacant kami bago ang klase namin sa panghapon.


Lumabas agad ako sa room kung saan iniiwasan kong makausap si dylan. Pumunta ako sa library dahil wala masyadong tao don kumuha lang ako ng libro at nagbasa basa ng konti.


Nang medyo bored na ako nag earphone naman ako at nanood lang ng Running Man.


Medyo natatawa ako sa pinapanood ko kaya ung ibang nag rereview sa Library ay napapatingin saakin na hindi ko naman pinansin.




Tinakpan ko ang aking bibig kung saan pinipigilan kong tumawa dahil sobrang natatawa ako sa combo ni Lee Kwang Soo at King Jongkook.



Sobra naman talagang nakakatawa ang pinapanood ko ng matapos kong mapanood ang latest episode ay lumabas na rin ako ng library at saglit na tumambay sa silong ng puno.




Ipinikit ko ang aking mata kung saan nakikinig ako sa Nature ASMR na nakakapag parelax saakin at mabilis kong nakaidlip ng oras na iyon.




Ginalaw galaw ko ang ulo ko dahil nakakaramdam ako ng parang may nakatingin saakin. Nag unat-unat lang ako at tsaka minulat ang aking mata.




Nang maimulat ko ang aking mata nagulat ako ng makita ko si Jay na nasa harap ko na naka angel seat na para bang kanina pa ako nito binabantayan at tinitignan.




"Bakit nandito ka !? kanina ka pa ba dyan" seryosong sabi ko habang tinatanggal ang earphone na nasa tenga ko.


"Ah hehe oo pasensya na kung tumabi ako sayo ng tulog hindi ko lang mapigilan ang ganda mo kasi" sabi nito medyo nerdy look sya dahil sa salamin na suot nya pero alam mong gwapo ito lalo na pag nagayos.



"Sa susunod na tatabi ka magsabi ka muna hindi yung sumi simple ka ng hokage mo" walang ganang sabi ko dito saka ako tumayo at ipinagpag ang pantalon kong medyo nadumihan.




"Sorry hindi na mauulit" sabi nito "Ah keira pwede ba akong makipag kaibigan sayo" nahihiyang sabi nito saakin.




"Noooo!" mabilis na sagot ko at nag deretso na ng paglalakad papuntang classroom.



Hindi na naman ito sumunod pa pero napansin kong halos lahat ng lalaki ay nakatingin saakin kaya tumigil ako sa paglalakad at saglit na nagsalita



"What !? May dumi ba ako sa mukha at ganyan kayo makatingin saakin" sabi ko sa nakatinging mga lalaki saakin.




Ang iba ay umiwas ng tingin at ung iba ay nagsalita lang ng "Ang ganda mo kasi keira" sabi nung isang lalaki "Oo nga at mukhang mabait ka pwede bang makipagkilala sayo" sabi nung kasama nya.




Nilapitan ko yung dalawa at "Wala ako sa mood makipagkilala sa inyo." sabi ko sa isang lalaki. Nagulat naman ito at tsaka nagsalita "H-hi J-jhune nga pala" sabi saakin nung isa "Bobby nga pala nagagalak kitang makilala miss keira."


Narinig kong may sinasabi pa sila pero hindi ko na iyon pinansin pa at pumasok na lang sa room medyo walang tao kaya naisipan ko nalang mag review nalang ulit habang wala pa ang teacher namin.



Napatingin ako sa gawing kanan ko kung saan umupo si dylan at may dalang tinapay at pineapple juice "O-ooh alam kong hindi ka pa nakain kaya kuhanin mo na to" medyo ilang na sabi nya.



"Hindi ako gutom salamat nalang" sabi ko sa kanya habang nagrereview pa rin sa ibang subject ko hindi naman na ito nangulit at inilagay nalang sa bag nya ang hindi ko kinuhang pagkain at nag review na lang din sya.



Lunch time na at mas maraming estudyante ang nasa labas ng room at canteen halos lahat sa kanila ay nagkakasiyahan at sabay sabay na pumupunta sa canteen para mag tanghalian habang ako ito magisa lang na kumakain.




Umorder lang ako ng isang solo pizza at of course pineapple juice wala kasi akong ganang kumain kaya yun lang ang aking inorder.



Umupo lang ako sa vacant seat sa tabi kung saan ako lang ang nakaupo doon mas mabuti na yon kesa mairita ako sa makikiring naguusap.




Kinuha ko ang cellphone ko at inilagay ko ulit ang earphone ko sa aking dalawang tenga at nanood lang sa YouTube habang nakain ako.



Napatingin ako sa harapan ko ng may biglang lumapit tinignan ko ito at as usual si Jay nanaman hindi ko ito pinansin at nanood nalang ulit.



Natigil nanaman ako sa pagkain ng mapansin kong may lumalapit nanaman sa pwesto kong mga lalaki nasa mahaba kasi akong lamesa at kakasya sa iisang upuan ang apat na katao at walong katao naman kapag harapan ang kain.



Napansin kong nasa tapat ko na yung tatlong lalaki para tuloy akong nasa blind date at ako lang ang nasa harapan nila. Tinanggal ko ang isa kong earphone at nagsalita sa kanila na nakatitig parin saakin.



"Bakit kayo nandito sa dami daming vacant na mesa ay dito pa talaga kayo pumwesto sa harap ko pa ano to blind date" seryosong sabi ko sa apat na lalaki na alam mong medyo nahihiya sila.



"Wala ka kasing kasama kaya tinabihan kita ewan ko lang sa tatlong to" sabi ni Jay "Ganon din kami Keira gusto lang namin na makasama ka para hindi ka naman mabored diba pre" sabi ni Bobby na nakatingin kila June na iniintay na sumang ayon sa kanya "Ah Oo ganon na nga" sagot ni june.



"Hindi ko kailangan ng kasama" sabi ko sa apat na kinagulat nila "Sa katunayan nyan gusto kong mapag isa pero hindi na yata mangyayari yon dahil sa inyo sabay tayo ko at kinuha ang tray na may laman parin ng pagkain ko.



Sabay sabay silang tumayo na parang susundan ako kaya pati mga tao sa canteen ay nakuha ang atensyon namin. Sinamaan ko lang ng tingin ang tatlo at nagsalita ulit "Kapag sumunod kayo saakin baka hindi ko na kayo makausap pa at masapak ko lang kayo" seryosong sabi ko sa kanila.




"Kapag may isa man sa inyo ang sumunod ng hindi nauubos yang pagkain nyo ngayon palang sinasabi ko na sa inyo mapapahiya kayo sa gagawin ko naiintindihan nyo ba" inis pero seryoso paring sabi ko sa kanila.




Umupo naman agad ang tatlo na parang nagulat sa inasta at sabay sabay silang sumagot ng oo na utal utal pa. Pagkasabi ko sa kanila non ay umalis agad ako ng canteen at bumalik nalang sa classroom ng hindi manlang kumakain ng kahit na ano.



"Hi ako nga pala si Archie (Chichi) nalang pala cute" sabi nung isa sa mga classmate ko.

"Ah hello Keira" simpleng pagpapakilala ko "Nakita kita kanina sa canteen ang astig mo" sabi nito saakin.



(Anong astig sa ginawa ko kanina eh pinagsabihan ko lang naman ang mga iyon na wag humabol sa akin) sabi ko nalang sa sarili ko.






"Ah yun ba wala yon" sabi ko nalang sa kanya magsasalita pa sana sya pero nag si datingan na ang ibang classmate namin kaya bumalik na ito sa unahan at umupo sa pwesto nya.



Ng dumating na ang teacher namin ay medyo nawalan na ko ng ganang makinig dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.



Napansin kong pa tingin tingin saakin si dylan kaya tinignan ko lang din ito saglit at ibinalik ang tingin sa prof. namin habang nakahawak sa gumagarulgol na tyan ko.






HE'S INTO HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon