Chapter 4

10 1 0
                                    

"Hoy Ara! Anong nangyayari sayo? Haaaaays! Bat mo naman nahulog lahat ng dala mo?"

Nagising ako bigla mula sa pagkakaestatwa nang marinig ko ang sigaw sakin ni Michael. Doon ko lang napagtanto na nahulog ko pala lahat ng chocolates at junk foods na bitbit ko. Wala sa sarili akong lumuhod at pinulot ang mga nahulog kong pagkain at nilagay sa basket na dala dala ni Michael. Medyo nanginginig pa yung kamay ko dulot ng pagkakakita ko sa kanya. Pagkatayo ko ay mabilis kong nilingon ang kinaroroonan ni Han Tae Hyun kanina. Ngunit wala na siya.

"Kuya, sampalin mo nga ako. Isang beses lang." Sabi ko habang nakatingin parin sa kaninang kinatatayuan ni Tae Hyun.

Nagulat ako nang sinampal nga ako ni Michael. At ang lakas pa talaga. Walang hiya!

"ANG SAKIT NUN HUH!"

"Feel ko kasi nagdi-day dream ka. Ginigising lang kita sa katotohanan."

Hindi ko alam pero parang may connotative meaning yung sinabi nya. Mukhang humuhugot.

"Feel ko nakita ko siya kanina."

"Sinong siya?" Tanong niya habang lumingon sa direksyon na tinitingnan ko.

"Si He-Who-Must-Not-Be-Named."

"Oh my Ghad! Si Voldemort?" Nanlaki ang mata nya. Niliteral naman niya ang tawag sa villain ng Harry Potter.

"Si Han Tae Hyun."

Ngayon ay hindi na biro ang pagkakagulat niya. "Seryoso ka? Kaya ba gulat na gulat ka? Eh bat mo naman siya makikita dito? Pero baka naman hindi siya yun. Baka kamukha niya lang."

"Ewan ko." Yun nalang ang nasabi ko at syaka naglakad na ako papuntang counter.

Baka nga hindi siya yun, baka kamukha niya lang. May possibility na namamalikmata lang ako at napagkamalang siya yung lalakeng nakita ko. In fact, 6 years na mula nung hindi ko siya nakikita. 6 years na kaming hiwalay at 6 years na din mula nung umalis ako ng Korea.

Nang dahil sa nangyari sakin ngayong gabi ay bigla ko na namang natatandaan yung mga araw kung kelan kami nagsimulang magkakilala

Flashback

Isang araw ay nagising akong good mood na good mood. Nung nakaraang gabi kasi, may na-meet akong gwapo at gentleman na Koreano. Feeling ko nun ay siya nayung itinadhana para sa akin. Pumasok ako ng university na ngiting ngiti. Yung mga estudyante at co-teachers ko medyo na-wi-weirduhan sakin kasi ngumingiti daw ako na parang baliw nang mag isa.

Pagka lunch break, hindi pa gaanong maraming tao nung nag-order ako ng pagkain sa cafeteria. Magbabayad na sana ako sa cashier nang biglang may mag-abot ng credit card before ako makaabot ng cash. Nagtaka ako kaya lumingon ako sa likod ko at over yung pagka shock ko nung nakita ko si Han Tae Hyun.

Nginitian niya ako at nagsalita. "Let me pay for your meal, Ms. Clara."

Mas lalo akong nakafeel nang pagkagulat. "Huh? Ah, no no. You don't need to..." Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko nang tinanggap ng cashier ang credit nya. Napansin kong may dala dala rin siyang tray ng pagkain at binayaran niya rin ito.

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang resibong binigay ng cashier. "Kansahamnida. (thank you)" Sabi ko sa cashier sabay bow. Nag-bow din naman siya at nag thank you.

"Thank you so much. You really don't need to pay for my lunch." Nahihiya kong saad kay Tae Hyun.

"It's okay. I like it that I am able to buy you a meal. I really appreciate that you took care of my sister last night." Nakangiti niyang sabi.

The Interracial ComplexKde žijí příběhy. Začni objevovat