Chapter 3

14 1 0
                                    

A/N: One of my male character, yung mami-meet ni Clara. Portrayed by Miguel Iglesias, dati kong classmate.



---------------------

"Mag ingat ka lage sister. Ay hindi hindi, dapat sila ang mag ingat sayo. Hehehe."

Nag roll eyes ako sa sinabi ni Michael. Pinutol ko ang panenermon ni mama kanina through telling her na mali-late na ako sa first class ko. In fact, vacant ko talaga after lunch break. Dinala ko na din si Michael in order to spare him from all the agony. Lol. Dinala ko siya para maihatid niya ko. Dahil nakauwi na siya, ibig sabihin, wala na akong sasakyan. Yung ginagamit kong car for 8 months ay pagmamay-ari niya at hindi sa akin. Though ina-assume ko na meron akong car pero in reality, wala talaga. Inaangkin ko lang ang kotse ng kapatid ko everytime na iniiwan niya ito sa panahon na naglalakwatcha sya.

Before ako pumunta ng university, dumiretso muna ako sa isang fast food chain na katapat ng school para bumili ng pagkain. Nang dahil sa biglaang pagdating ni Michael kaya hindi ako nabusog sa kinain ko kanina. Dalawang bag ang bitbit ko, yung handbag at bag ng laptop ko. Iniwan ko muna yung laptop ko sa may counter at syaka nagsimulang pumili ng oorderin ko. Medyo tumagal ako sa may counter dahil pinili ko pa talaga ng maigi kung ano ang pinaka-feel kong kainin. Sa dinami dami ng pinagpilian ko, takoyaki, fries, at syaka chocolate shake lang yung binili ko. Pagkatapos ko lagyan ng ketchup at ng kung ano ano pang sawsawan ang pagkain ko ay kinuha ko na ang laptop ko sa may counter.

"Okay po sir, papunta na po ako jan." Narinig kong sabi ng isang lalake na may hawak hawak na phone sa tapat ng tenga. Huminto siya sa may bandang counter at mabilis na kinuha ang bag doon. Pagkatapos nun ay dali dali siyang naglakad palabas ng restaurant.

Tiningnan ko yung relo ko. May 30 minutes pa ako para sa next class ko. Naglakad lang ako papuntang school. Pagdating ko sa faculty office ay nandoon na sila Ghea, Kyle, Carrie, at Lance.

"Hoy Maria Clara! Saan ka nanggaling?! Bat bigla kang nang-iwan kanina ng wala manlang pasabi?" Wika ni Ghea.

"Hehe, sorry. May emergency kasi." Sabi ko syaka umupo sa desk ko at dali daling inopen ang pagkain ko.

"Sus, emergency daw. Eh sino yung lalakeng ka love quarrel mo kanina sa labas?" Carrie

Ka love quarrel? At talagang napagkamalan pa nilang syota ko si Michael. Alam nilang may kuya ako pero hindi pa nila nakita ang mukha nito.

"Hindi ko syota yung lalakeng yun..."

"Aweeeeeeeeeeeeh." Hindi ko natapos ang explanation ko dahil ininterrupt nila ako. Sabay pa talaga silang napatili.

"May pa deny deny ka pa huh." Lance

"Oyy aminin mo Clara, siya na talaga ang lover boy mo." Kyle

"Kapatid ko yun." Sabi ko sa kanila kasabay nun ang pagsubo ko ng takoyaki.

Napatigil silang lahat.

"Haayy akala ko yun na ang itinakda para sayo." Ghea

"Itinakda? HAHAHAHAHAHA." Muntik ko ng maluwa yung kinakain kong tako. Itinakda daw? Parang epic lang.

"Clara, wala ka ba talagang boyfriend? Alam mo sa 2 yrs naming pagkakilala sayo, wala talaga kaming narinig na naka love affair mo ever since." Carrie

"Oo nga, 32 yrs old ka na pero NBSB ka parin? Plano mo na bang idevote ang buong pagkatao mo sa trabaho mo? Naku! Malungkot na buhay yan!" Lance

The Interracial ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon