CHAPTER TWENTY-NINE: War of the Castles

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumapit ako kay Torry at tinanggal ang duct tape sa kanyang bibig. He's been here for more than twelve hours already. Mukhang hapong-hapo na siya, namumutla na at tuyo na ang mga labi.

He should thank me because I brought him a bottled water to keep him hydrated. A man can live without food for a number of days, but he can't live without water.

Was my plan bordering to a criminal activity? From the looks of it, yes. I illegally detained this man here for almost half a day already. Parang hinostage ko siya kahit walang kapalit na ransom.

"Pakawalan mo na ako," pagsusumamo niya matapos ko siyang painumin ng tubig. Mahina na ang kanyang boses kaya malamang, wala na siyang lakas para sumigaw. If he tried crying for help last night, he would have exhausted his remaining energy.

I forced a cough and spoke through my black face mask. Hindi lang ito basta-basta maskara na ginagamit na pamporma. A voice-changing device was installed inside. Ilang buwan ko nang nabili ito sa Lazada, ang balak ko sana'y mag-prank call sa mga classmate ko. At last, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon para magamit ito.

"Hindi kita papakawalan hangga't hindi ka umaamin sa mga kasalanan mo." My voice sounded like Darth Vader's from the Star Wars franchise. Hindi gano'n kalinaw ang audio quality pero naiintindihan pa rin ang lumalabas sa bibig ko.

"Erald, alam kong ikaw 'yan," nanghihinang tawag ni Torry sa pangalan ko. "Itigil mo na ang kalokohang ito. This ain't fun, man."

Obviously, I had to deny that I am the person he called. "Hindi ko alam kung sinong Erald ang tinutukoy mo. Ngunit sang-ayon ako sa 'yo. Hindi nakakatuwa ang sitwasyon mo ngayon. Kaya kung ako sa 'yo, aamin na ako sa mga nagawa kong kasalanan para makaalis na ako rito."

"Ano bang gusto mong malaman, ha?" tanong ni Torry, iginagalaw ang kanyang ulo mula sa isang side. "This isn't part of the agreement."

Agreement? "Aminin mo na nakipagsabwatan ka kay Madelaine Castell para mapatalsik sa puwesto ang dating student council president at vice president. Aminin mo on the record na ikaw ang lider ng K-OS Club."

Natawa nang mahina si Torry. "Paano ko aaminin ang isang bagay na hindi ko ginawa? Do you want to force me to make a false confession that can hurt Madelaine's chances of winning the snap election today?"

"Ang gusto ko lang ay malaman ang katotohanan," tugon ko. Inihanda ko na ang recorder app ng aking phone, sakaling sumuko na siya sa pag-resist. "Bakit ba nahihirapan kayong magsabi nang totoo? May nakabara ba sa lalamunan mo kaya hindi mo maisambit ang katotohanan? O sadyang ikaw ang pumipigil sa sarili mo na mailahad kung ano ang totoo."

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo?" nagpupumilit na sagot ni Torry. "Na wala akong alam sa pinagsasabi mo. I can't admit something that I did not do!"

"Ipagpatuloy mo lang ang pagmamatigas, at tiyak na hindi na ka na sisikatan ng araw."

"Maniwala ka sa 'kin! Hindi ako ang—"

Muli ko siyang pinatahimik gamit ang duct tape. Well, even if he admitted to the crimes, I wouldn't set him free yet. As long as he's hidden in this isolated place, there's no way that his group could influence the snap election later.

Tinanggal ko ang sunglasses at ang face mask pagkalabas ng storage room. I put on the padlock again. This shed was like a Pandora's Box. Kung may magtatangkang buksan ito, maghahasik na naman ng lagim si Torry at ang kanyang mga kasabwat.

I removed the housekeeping personnel's uniform and stuffed it in my bag before returning to the QED clubroom. Nadatnan ko roon sina Clyde at Charlotte na mukhang maaga ring pumasok para maghanda sa snap elections. They were cutting printed leaflets that containted my name and my face. Thanks to our club president's camera and photography skills, hindi kami nahirapang makagawa ng campaign materials.

The Enigma of EraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon