CHAPTER TWELVE: Paint It Black

65.1K 2.5K 893
                                    


ERALD

NATATANDAAN KO pa, apat na taon na ang nakararaan, kung bakit bigla akong umalis sa Volunteer Club. Walang masyadong impact ang mga pangaral sa akin ni papa pati ang pagkampi ng ate ko sa kanya. I stood by my principle of helping other students.

But everything changed when I accidentally overheard a conversation. A chit-chat between two members of my club. Nakasandal ako sa isang pillar ng hallway nang makita ko ang aming club president na si Faith - payat pa siya noon, nakalugay ang buhok at hindi pa ganon ka-developed ang kanyang dibdib - at ang isa naming member na nakalimutan ko na kung sino.

Tatawagin ko sana silang dalawa para kumustahin pero natigil ako nang marinig kong banggitin nila ang pangalan ko.

"Sa tingin mo, papayag ba si Erald na gawin 'yon?" tanong ng babaeng may mahabang buhok. Even if I bang my head against the wall, I couldn't recall what her name was. Maybe she wasn't that significant in my elementary days.

"Siya na siguro ang pinakamasunurin nating member kaya sigurado akong gagawin niya kung anuman ang ipapagawa natin," sagot ni Faith. Medyo na-touch ako sa sinabi niya dahil kinilala niya ang efforts ko, hindi kagaya ng mga kadugo kong minamaliit ang pagiging bahagi ko sa Volunteer Club.

"Basta kapag ako ang nagsabi sa kanya, one hundred percent sure na susunod siya sa akin," dagdag niya. "I believe na may gusto siya sa akin kaya lagi siyang nagpapakitang gilas tuwing may activity tayo. Kung uutusan ko siyang gumulong sa sahig o tumahol na parang aso, hindi man siya magdadalawang-isip na gawin 'yon."

"Oo nga, 'no? Napansin ko ngang lagi siyang nakatitig sa 'yo. Baka sumali siya sa club natin dahil gusto ka niyang makasama?"

"Kung iyon nga ang rason, mas mapapadali ang trabaho ko sa club," sinundan niya ito ng isang mahinang tawa. "Ni hindi nga niya napansin na laging 'yong mga mahihirap na assignment ang binibigay ko sa kanya. Go pa rin siya nang go."

Natulala na lamang ako habang patuloy nila akong pinag-uusapan. Nang dadaan na sila sa tapat ko, mabilis akong tumalikod at tinakpan ang aking mukha para hindi nila ako makilala. Nagtatawanan pa sila noon kaya malamang, hindi nila napansing nandoon ang taong pinagtsitsismisan nila.

And that's where my faith in humanity began crumbling. Kapag nga naman nagpakabuti at nagpakabait ka sa kanila, pagsasamantalahan nila ito. Napakuyom ang mga kamao ko nang sumagi sa aking isipin ang matatamis na ngiti ni Faith tuwing may hinihingi siyang pabor sa akin.

That was just an illusion. That was just a lie. And there I was, acting like a fool for her.

Oo, aaminin kong nagkagusto ako sa kanya noong nasa elementary pa kami. 'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ganado ako sa mga club activity namin. Ngunit nagkakamali siya kung iniisip niyang ang mga ginawa ko noon sa club ay pagpapakitang-gilas para magpa-impress sa kanya.

Pagkatapos no'n, ilang araw din akong hindi pumunta sa club hanggang sa mapagdesisyunan kong umalis na roon. What's the point of staying in a group where they were just treating me like a tool?

"Aba, ang lalim yata ng iniisip mo," bulong ni Faith sa kanang tenga ko, dahilan para manumbalik ang kamalayan ko sa kasalukuyan. I wonder why those memories began flashing in my mind. Every piece of the past Erald's tragic memories has been locked away in my memory vault.

I turned to her, looking slightly uncomfortable. "Kailangan kong mag-concentrate para ma-confirm ko kung tama ang interpretation ko sa chessboard code."

Dinala kami ni Faith sa gymnasium kung nasaan ang clubroom ng mga chess player. Maliit lamang ito - kasing-liit ng aming office - at ang tanging laman ay isang parihabang mesa kung saan may nakapatong na chessboard at ang cabinet na halos kasing-tangkad ko na puno ng mga tropeyo mula sa iba't ibang chess competition.

The Enigma of EraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon