Chapter 57: THE ESCAPE

Magsimula sa umpisa
                                    

Malungkot na tumango si Mariang Makiling sa tanong ni Blake. "Maaaring ganun na nga Blake." Malalalim ang pagbuntong-hininga ng diwata at may pag-aalalang tumingin sa Lubingan na nagsimula ng huminahon mula sa kinalalagyan nito. "Tumakas ka na Blake. Iwan mo na lang ako dito, pipigilan ko ang Lubingan para makaabot ka sa butas ng kuweba at makabalik ka na sa pamilya mo."

Parang binuhusan ng malamig ng tubig si Blake sa narinig sa diwata. "Teka, hindi. Hindi ko po kayo puwedeng iwan dito." Ang halos napapaiyak na wika ni Blake kay Mariang Makiling.

"Bata ka pa Blake at espesyal ang kapangyarihang mayroon ka. Kailangan mong linangin iyan at gamitin para sa kabutihan. Alamin mo ang pagkatao mo."

"Hindi, nangako ka sa akin na ikaw ang tutulong sa akin para makauwi sa pamilya ko. Kailangan niyo pong tuparin iyon." Ang pamimilit ni Blake sa diwata.

"Iyan na nga ang ginagawa ko Blake ang tulungan ka para makaalis ka na dito. Magagawa ko lang iyan kapag napigilan ko ang Lubingan sa paghuli sa atin para gawin niyang pagkain, kaya umalis ka na." Ang sabi ni Mariang Makiling na handang isakrapisyo ang buhay para masiguro lamang na ligtas ang batang si Blake.

"Kung gayon po, hindi rin ako aalis."

"Bla...Blake?! Huwag matigas ang ulo, umalis ka na, iligtas mo na ang sarili mo."

"Magsasama po tayo dito, kung ang tanging paraan para makaalis dito ay labanan ang Lubingan, lalabanan ko po siya. Nakita kong nasaktan siya ng husto sa liwanag ng aking kamay, ito rin ang magiging sandata ko para labanin siya." Ang matapang na tugon ni Blake at pinailawan ang kamay nito.

"Blake, importante ang kaligtasan mo kaya sundin mo ang sinasabi ko sa'yo."

"Importante rin po kayo sa akin. Kaya hindi ko po hahayaan na may mangyayaring masama po sa inyo. Kahit hindi na po ninyo ako tulungang makabalik sa pamilya ko okay lang po sa akin importante po sa akin ay ligtas po kayo at sabay tayong makakaalis sa lugar na ito."

Napaisip si Mariang Makiling sa sinabi sa kanya ni Blake. Naramdaman niya sa kanyang puso ang bawat salitang namutawi kay Blake, halos maiyak siya sa pagbibigay halaga sa kanya ng bata. Kaya pinilit niyang tumayo para sabay na silang aakyat ni Blake papunta sa labasan mula sa kisame ng kuweba.

"Tara na Blake, sabay na nating akyatin ang lagusan. Puwera na lang kung gusto mong maging pagkain ng lubingan?" Ang pabirong wika ni Mariang Makiling habang pinipilit na tumayo. Napangiti si Blake sa narinig mula sa diwata kaya pinatay nito ang ilaw sa kanyang palad.

Inalalayan ni Blake si Mariang Makiling sa pagtayo para kaagad na makaakyat sa mga stalagtite at stalagmite papunta sa butas ng kuweba. Pagkahawak nila sa malumot na bato ay muli nilang naramdaman ang mahinang pagyanig sa paligid. Nagkatinginan sina Blake at Mariang Makiling dahil kapwa nila alam na papalapit na sa kanila ang dambuhalang ahas.

Mabilis na kumilos ang dalawa sa pag-akyat sa may dalawampung metrong taas na kisame ng kuweba. Tinulungan ni Blake na makaakyat sa mga nakausling mga bato ang diwata bago siya nagsimulang umakyat. Mahirap para kay Blake na alalayan sa pag-akyat ang babaeng diwata lalo na't wala pa siyang sapat na lakas dahil isa lang siyang bata. Makailang ulit din na muntikan na silang mahulog mula sa mga stalagtite at stalagmite at mahiwa ang mga kamay at tuhod dahil sa mga matatalim na mga bato. Pareho nilang tiniis ang hirap na kanilang nararanasan dahil sa kagustuhang makaalis na sa lungga ng Lubingan.

Patuloy sa kanilang pag-akyat ang dalawa hanggang sa makaabot sila sa gitnang bahagi ng kanilang inaakyatang mga stalagtite at stalagmite at doon ay bahagyang nagpahinga muna. Mula sa kinaroroonan nila ay nararamdaman na nila ang malamig na hanging nanggagaling sa lagusan na nagbigay ng kaunting ginhawa sa kanilang pakiramdam.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon