Chapter 29: Your touch

1.4K 54 1
                                    

SHAICEE'S POV:

       First day of class, second semester on my third year… mixed emotions. Since the day ng nagbigay ng bulaklak si Ner ay thrice a week niya akong pinupuntahan sa bahay. Wala naman kaming ginagawa kundi manood  ng DVD, minsan she's helping me sa laundry shop, minsan naman nagmo-mall lang kami at kumakain sa fast food. We never watch a movie kasi sobrang mahal na ang sine, kapos na sa budget. Basta magkasama lang kami.

      For a while nga, nagkaro'n kami ng sariling mundo. Thankful na rin ako dahil supportive ang mga bff naming sina Alice at Jam. Wala naman akong maipipintas sa naging takbo ng kung ano ang mayro'n sa amin. Kontento na ako sa ganito at natuto na akong hindi madaliin ang bagay-bagay.

         I wanted our relationship as "special friends" to grow. Hindi na namin napag-uusapan ang commitment - M.U. kumbaga. But on my part, every night before the day ends, I always say Iloveyou to her. Hindi man siya sumasagot basta feel kong special ako sa kanya, enough na muna 'yon.

      Maaga akong nagising. Magkikita pa kami ni Raga sa canteen dahil ipapahiram ko ang extra kong scientific calculator sa kanya.

       "Ma, alis na ako," sabi ko sabay halik sa pisngi ng nanay ko.

      "O, baon mo," sagot niya sabay bigay ng one hundred fifty. May natabi pa naman ako kaya't fifty muna ang kinuha ko.

       "Sige na anak, kunin mo na 'yan. Sakto lang ang pera mo pero para kung may emergency eh, may madukot ka. Kuwentahin mo na lang mamaya kung magkano lahat ng libro mo."

       "O sige na nga. Ay Ma, first day kasi ngayon. If eveer magkataong maaga kami pauwiin, pwede ba kami dito tumambay? Namimiss na raw nila ang spaghetti mo e."

      "O sige, mamalengke na lang ako mamaya."
      "Thanks Ma! I love you."

      
      Lalabas na sana ako ng pinto ng muli akong tawagin ni Mama. "Yes Ma?"

      "Ikaw ba anak, inlove ka?"
      "'H-ho?"
      "Medyo kasi iba ang aura mo ngayon? Ang mga mata maaliwalas, maningning? Aba! Eh pauntahin mo sa bahay kung may nobyo ka na. Ayoko ng sa labas ka nililigawan. Alam mo na ang patakaran kong 'yan."

       "Ma? Over analyze ka lang. Masaya lang ako kasi makikita ko na naman ang mga friends and teacher ko."

      "Walang masama sa pagpapaligaw, normal 'yan. Basta dito lang sa bahay. Dahil kung malinis ang hangarin niyan, dapat dito sa bahay."

      "Hay naku! Ma! Wala nga po."

      Lumabas na ako ng pinto at laking gulat ko ng pakatok sana si Neriza.

        "Uy!" gulat kong sabi. Napaatras pa ako ng isang hakbang.

       "Hi!" may ngiti niyang bati.
       "Nakakagulat ka naman kasi!"
       "Sorry naman."
       "Bakit kasi hindi ka nagpasabi na dadaan ka?"
       "Eh di hindi ka nasurprise?"
       "Haaay! Ikaw talaga."

       Pagdating sa school ay tumambay muna lahat kami sa canteen. Maaga pa kami ng  thirty minutes. Nagkamustahan, nagmeryenda. Magkatabi kami ni Ner at nasa tapat namin sina Alice at Jam.

      "Pa'no Ice? Dating gawi?" Tanong ni Alice. Tinutukoy niya ang tambay sa house mamaya.

      "Nakausap ko na si Jem, magdadala siya ng pansit malabon. Para naman bago tayo maging busy eh, unwind agad. Atsaka, magdadala na rin ako ng cake. Celebration ko na rin dahil pumayag na nanay kong ituloy dito pag-aaral ko."
     "Sure na ba 'yan?"
     "Yep!"

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon