Chapter 27: Kiss me Quick

1.5K 65 9
                                    

NERIZA'S POV:

         THE moment Shaicee's lips touched mine, it was heaven. I was so happy that I gave my first kiss to the one I hold in my heart dearly.

        Napakabilis ng tibok ng puso ko at totoo pala: Matamis ang unang halik. Gusto ko nga pa sana siyang halikan kaso dumating na sina Jecko at Alice.

         Masarap din sa pakiramdam na magkahawak kami ni Ice ng kamay habang pabalik ng rest house. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin nina Jecko at Alice.

        Pagbalik sa bahay ay agad kaming naligo. Sa kabilang banyo na ako para hindi na rin siya malamigan. Matapos maligo ay humarap ako sa salamin. Hinahaplos ko ang labi ko at parang nando'n pa rin ang init ng halik ni Shaicee.

         Ice loves me at di ko na 'yon maitatanggi. Mahal ko na rin siya dahil kung hindi'y bakit ganito na lang katindi ang pagseselos ko sa kanila ni Jex? Pero paano ko gagawin ito? Natatakot pa rin ako. Kailangan ba naming pag-usapan ang nangyari? Haaay!

         Pumasok na ako sa room namin pagkabihis ko. Nasa loob pa rin ng banyo si Ice. Kinakabahan ako, kasi mula kanina ay hindi pa kami nag-uusap. Ito siguro 'yung sinasabi niyang posibleng may magbago.

        Mas takot ang nararamdaman ko kasi ayokong mawala siya sa buhay ko, ayaw kong maging sila ni Jecko, takot akong baka hindi ako makapagkontrol dahil ngayon lang ako nagmamahal ng ganito. Matagal ko ng pinga-iisipan ang takbo ng relasyon namin ni Ice pero hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako.

        Napalunok ako ng lumabas ng banyo si Ice. Nakatapis lang siya. Ngayon ko lang siyang nakitang may balat siyang nakalantad. Parang 'yong paghalik niya sa akin kanina ang gumising sa akin para maappeciate ko ang kabuuan niya, inside out.

       Shaicee is a special girl and there's in me that I wanted to…. Protect her? To take care of her? Hindi nga ako sigurado.

       "Tapos ka na pala," sabi niya sabay lakad papunta sa cabinet. "Naiwan ko kasi ang panty ko kaya nagtapis na lang ako. Ipapaabot ko sana sa 'yo kaso walang kaluskos akong naririnig. Ang bilis mo namang maligo?"

       Hindi ko madistinguish kung ang tono ba ni Shaicee is just to break the ice o pormal ba? Pero isa ang sigurado ako, naiilang din siya.

       "Uhm… oo kasi mabilis naman talaga ako maligo. Bababa ka ba sa pool mamaya?"
       "I guess? Ando'n lahat sila eh. Ikaw?"
      "Kung nando'n ka, pupunta ako."
      "Okay sige."
      "Okay na ba ang paa mo? Pasensiya na, wala akong nagawa kanina tapos napaiyak pa kita before that. Sorry Ice."
      "Okay lang Ner, naiintindihan ko. Basta isa lang sasabihin ko, hindi mo dapat pagselosan si Jecko."

       Lumabas na kami at sasabay ng maghapunan sa lahat. Ramdam ko parin ang ilangan sa aming dalawa.

       "Oh Ice, Ner, umupo na kayo rito," alok ni Ma'm Mafin. Sa kanya ako tumabi at sa kaliwa ko si Ice. Katabi naman ni Ma'm si Raga at katabi naman ni Ice si Jam.

       Nakakatuwa ang mga pagkain dito, hindi kami magugutom. Saglit kong nakalimutan ang ilangan sa amin ni Ice dahil naaaliw rin akong makita siyang maganang kumakain. Kumuha ako ng pakpak ng manok dahil nakita kong isa na lang. Favorite ito ni Ice kaya nilagay ko 00000ñ000 sa pinggan niya.

       "Aaaw… ang sweet nemen," tukso ni Rein na nasa tapat namin. Si Rein na tinuring kong karibal noon. Siguro nga ako lang itong praning para bigyan ng kulay ang pagiging malapit nila ni Ice.

        "Thank you," mahinang sabi ni Ice. Nginitian ko lang siya. Napayuko na lang siya nang mapansin niyang napadako sa labi niya ang tingin ko.
Bigla akong nailang kasi hindi naman lahat alam ang sa amin ni Ice. Ang alam ko lang si Alice at Jam ang may alam. May takot kung paano nila kami tatanggapin, o kahit ako na lang.

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon