Chapter 4: Bagay tayo

2.1K 85 1
                                    

SHAICEE'S POV:

Hanggang 4:30 ang klase ko ngayon. Ang drama presentation nina Alice ay 1:30 kaya lunch muna kami ngayon sa canteen. Magkatabi kami ni Alice, 'yung iba niyang kagroup ay nakikita kong nag-rerepaso pa ng script nila. Bumili ako ng hotdog in tomato sauce, si Alice naman ay chopsuey.

"Kaw talaga Ice, hilig mo sa processed food," sita niya.

"Okay lang, minsan lang naman 'to. Ay sa weekend, ipagluluto kita ng pasta. Name it!"
"Wala ako sa weekend. Uuwi ako ng Calamba diba?"
"Ow...sorry. 'Nga pala."
"So kamusta?"
"Alin?"
"Puso mo? Blooming na blooming ka Te! Anyare ha?" tanong ni Alice na may naunuksong mga mata at taas pa ng kilay.

"Anyare ka dyan! Pakana mong lahat, baliw ka!"
"Baket? Successful naman ah? At least, na open na ang line sa inyong dalawa."
"Bakit ba mahalaga sa 'yo na mapansin niya ako?"
"Bes, sa akin ka pa ba mahihiya? I know you like, Neri.. A.Lot. Ako naiinip sa 'yo eh."
"Am I too obvious na ba?"
"Hindi naman. Sa akin lang kasi kilala kita, best friend kita eh."
"Pa'no mo ko nahalata?"
" 'Yang mga tanong mo about her, 'yung nahuhuli kitang madalas siyang sulyapan. Minsan nga, parang siya lang ang tao sa mundo. Then, accidentally nung nakitext ako sa 'yo,
ay, naki Fb pala, nascroll ko 'yung gallery mo, puro captured pictures ni Neriza ang nando'n. Obssess ka na yata sa kanya eh. Kaya help na kita, mahirap na."

"Alice, hanggang do'n lang 'yon okay? Magka-kilala, classmate. Malabong maging kami. Mukhang straight na straight pa, or may Jam na siya?"
"Kaibigan lang niya si Jam okay? Tiwala lang!"
"Ready na ba kayo mamaya sa presentation niyo?"
"Ako pa?!"
"Yeah right."

Tuluy-tuloy ang kuwentuhan namin ni Alice ng biglang may pamilyar na boses akong narinig, sobrang lapit. Nag-angat ako ng mukha. Kumabog ang dibdib ko na makita ang nakangiting mukha ni Neriza. Magkatext pa kami kanina bago ako pumasok. Simpleng goodmorning at ingat pagpasok lang 'yon.

"Hi! Puwedeng tumabi? Maki-upo?" she asked. Inalis ni Alice ang bag niya sa ibabaw ng table. "Sure, sure! Ikaw pa," sagot niya sabay ngisi. Sasabunutan ko na talaga 'tong babaeng 'to eh! Hindi na nga ako makakilos!

"Pina-uwi kasi si Jam, nahihilo raw. Puyat kasi ng puyat kaka-COC."
"Diba ikaw rin, addict ang grupo mo sa COC na minsan nakikita ko sa Fb, pati do'n nagka-clash kayo?"
"Minsan na lang 'yon. Tapos na kayo kumain?"

"Eh, patapos na rin." sabi ni Alice. Sila lang nag-uusap kasi bigla-bigla akong nailang. May nilabas siya sa paperbag niyang tupperware at pinatong sa mesa.

"Tamang-tama, nag bake kasi ako ng banana bread kaninang umaga, try lang," sabi ni Neriza sabay tanggal ng takip ng lalagyan. Kumuha agad si Alice ng isa at biglang nilagay sa pinggan ko.

"Oh, ayan beshie. Pinili ko 'yung pinaka-malaki para sa 'yo," sabi ni Alice. Ang weird.

"Ay! Kanya talaga 'yan," sabi ni Neri. Sumagot si Alice, "Wow! Ang sweet sweet nemen..."

"Hahaha! Oo, sa kanya 'yan. Napansin ko kasi na lagi siyang bumibili niyan sa canteen. Tikman mo na.... Ice."

Bigla naman akong nailang sa presensiya ni Neriza. Why can she act so normal gayong ako itong ilang na ilang? Kinuha ko ang tinidor at kumurot nung bread. Malambot siya at ang bango.

"Hmmmm.... Sharap," sabi ko.
"Haahaha! Ano ba 'yan, para kang bata kumain," may ilan kasing nalaglag sa bibig ko.

"Sarap, masarap siya. Dapat magbenta ka rito sa school."

Hindi ko pa rin siya tinitingnan ng deretso kasi baka mahuli niya sa mata kong kilig na kilig ako.

"So Ner, bakit mo pala napansing lagi siyang kumakain ng banana bread?" Alice asked.

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang