Chapter 10: Munting Kurot

1.5K 59 2
                                    

NERIZA'S POV:

      NAWALAN ako ng load bigla pagsakay ko ng taxi. Oo, nagtaxi na ako kasi baka iwan ako ni Shaicee. Pagbaba ko ay agad ko na siyang nakita sa tapat ng gate. Halos matalisod ako sa paglakad ng mabilis kasi baka makasakay na siya ng jeep. Buti na lang umambon at naantala ang pag-para niya.

      I am excited for this dinner. I don't know why. I just like to be with Ice all the time. I enjoy her company a lot. Yes, her company.

      "Excuse me, puwedeng maki-sukob?" sabi ko. Lumingon siya sa akin.

      "Hon!" Bumilis ang tibok ng puso ko kasi nakita ko talaga ang magkahalong gulat, excitement at saya sa mata niya.

      "Tara na? Sa'n tayo?" tanong ko. Mukhang di pa siya makarecover sa presensiya ko.

      "Ice sa'n tayo?" Sabi ko at nagsorry ako dahil late ako.

     "Ha? Ano, kahit saan. Saan mo ba gusto?"
      "Ano ba naiisip mo? Movie, dinner?"
      "Uhmm… gusto mo ba sa mga grilled? Bar? Tusok-tusok, mga dahon lang, fast food, buffet? Ano?"
       "Ice kahit ano. I'll fit everywhere. Wala akong pinipili. Baka ikaw dahil hindi ka kumakain ng gulay. Kaya exclude mo na ang dahon, haha!"

       Ice just smiled. She held my hand while her other hand holds the umbrella. Ito ang unang beses na hawakan niya ang kamay ko. Gusto kong alisin sana pero masarap sa pakiramdam. Hindi ko na pinansin ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

      "Tara Hon, do'n tayo maghintay sa kabila. Punuan na kasi mga fx dito," sabi niya habang mahigpit pa rin nyang hawak ang kamay ko. Hindi na ako nagtanong at sumunod na lang ako sa kanya.

       Magkatabi pa rin kami ngayon sa may labas ng 711 at nakapayong. Binitawan na niya ang kamay ko.
Ayoko pa nga sana eh, hehe.

    "Sa'n ba tayo pupunta Ice?"
    "Sa Glorietta."
    "Glorietta pa?"
    "Para maiba naman."
    "Baka gabihin tayo."
     "Bakit? May date pa ba kayo ni Jam after natin?"
     "Hinde… hindi 'yon. Ang Mama mo, baka hanapin ka."
     "She knows. Nagpaalam ako na kasama ka."
     "Ohh… Eh baka naman si Belle naman sa 'yo?"
     "Sila ni Alice magkasama ngayon sa Greenbelt."

      Biglang may humintong taong-grasa sa harap namin. Natakot ako kaya napa-atras ako bigla. Kinawit ni Ice ang braso niya sa beywang ko at hinapit. Sa nipis ng blouse ko ay nanalaytay ang init ng palad nya sa katawan ko.

     "Sorry… sorry wala po," sagot niya sa taong grasa. Umalis naman kaagad. "Tara Hon, lipat tayo sa kabila."

     Tumawid kami na nasa beywang ko ang kamay ni Ice.  Ang sweet sweet para sa akin. I feel so safe and secured. Pagtawid namin atsaka kami naka-para agad ng Taxi. Ako muna ang pinasakay niya. Sinara nya 'yung payong atsaka siya sumakay.

     Sa tabi ako ng bintana umupo. Umusog ako kasi basa 'yung payong nya, wala akong dalang extrang pamunas. Nilapag muna ni Ice 'yung payong sa gilid atsaka humarap sa akin. Instinct kong punasan ng panyo ko ang basa sa braso niya. Nagtataka ako kasi hindi ako ganito talaga  na touchy or clingy pero kay Ice, iba.

     "Okay ka lang ba Ice? Di ba uncomfy naka-uniform ka?"
      "Medyo, hehe. Pero may damit ako, nasa backpack ko. I'll just change sa mall. Ikaw? Okay ka lang? Basa ka rin ba?"
     "Hindi, okay ako. Magic payong yata dala mo eh."
      "Hehe, hindi ba magic touch?"
      "What?" Patay malisya ko na lang. Lagot sa akin mamaya 'tong si Ice. May audience lang kami eh, si Manong driver.

     "Wala, wala."

     Medyo traffic lang kasi umaambon at rush hour na. Nagpapakiramdaman kami ni Ice. Nabasag lang ang katahimikan ng tumunog ang cellphone niya. Binaling ko na lang sa
labas ang tingin ko. Pero siyempre, maririnig ko pa rin.

Songs Of The Heart Series 1:  Karugtong ng Aking AwitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon