Chapter 36: Christoff

Start from the beginning
                                    

"Tss.. mga baliw," sabi ko sabay iling muli dahilan para mas lalong lumakas ang pagtawa nila.

Huminga ako ng malalim at sumandal ako sa upuan habang naka cross-arm. Hindi na ako makapagtimpi. "What's funny?" Seryoso kong tanong sa kanila. Naiinis na ako, isa pa nakukuha na rin namin ang atensyon ng mga estudyante dito.

Tila nahalata naman nila na iba na ang tono ng pananalita ko. Naramdaman siguro nila na naiinis na ako.
"Sabi ko nga kakain na ako," sabi ni Zils sabay subo ng pagkain niya. Ipinagpatuloy na rin naman nung iba yung pagkain nila.

***
Arzila's POV

Hindi ko talaga mapigilan ang hindi mapatawa sa epic na itsura ni Mirs habang umiiling. Pero tumahimik na rin naman ako at ipinagpatuloy yung pagkain ko dahil napansin ko na medyo naiinis na siya. Ayaw pa man din niya na pinagtatawanan siya.

Heto kasing si Jeff eh tumawa pa 'yan tuloy nahawa ako. Kapag nasimulan pa man din ako ng pagtawa, minsan hindi ko na mapigilan, sunod sunod na yun.

"By the way, Amira close ba kayo ni Cath?" Napatingin ako kay Mirs ng bigla siyang nasamid dahil sa tanong ni Niel. Agad naman na inabutan ni Kevin ng tubig si Mirs dahilan para kantyawan namin sila. Infairness din dito kay Kevin ha.


Nanguna si Kiel sa pang aasar kay Kevin na sinigundahan ko naman.

"Ang bilis ni Kevin ah."

"Number, number?"

Actually, kinikilig talaga ako sa dalawang ito 'eh. Kung hindi ko nga lang sila kilala, napagkamalan ko nang mag- on sila.

"Eleven!."

Napatingin kami sa kay Kevin nang magbigay siya ng number. Si Mirs naman napataas lang ang isang kilay. Ang taray talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Pero wag ka, mahal ko 'yan kahit ganyan 'yan. Ayieeh haha!.

"A B C D E F G H I J.. K?"

"KEVIN?!"

Sabay sabay naming banggit sa pangalan ni Kevin na halos isigaw na namin, ay mali, isinigaw na pala talaga namin, kaya napunta na naman sa amin ang atensyon ng mga tao na nandito sa Canteen. Tiningnan ko si Kevin na nakangisi lamang habang habang yung kanang kamay niya ay nakatuon sa lamesa at inaalog alog yung inumin niya gamit naman ang kanang kamay niya. May pasulyap sulyap pang tingin kay Mirs, habang si Mirs naman ay hindi maintindihan ang itsura.

"Kailangan isigaw?" sarkastikong tanong ni Mirs.

"Ayieeh si Kevin."

"Kaya pala eleven."

"Lakas."

"Nice bro!"

"Kilig naman si Amira."

"Nagbblush na nga oh."

"Yuck! Can you stop it, guys?"

Halata ang pagkairita sa tono ng pananalita ni Mirs. Nakakatuwa talaga ang itsura niya kapag naaasar. Pero kahit galit o ganiyan ang itsura niyan, ang ganda pa rin. Nakakainis. (A/N: Inggit ka naman?") No way Author. I have my unique beauty. So, shut up!.

***
Amira's POV

"Yuck! Can you stop it, guys?" Irita kong sabi. Si Kevin kasi akala mo naman kikiligin ako, eh totoo naman. Ayts.. ano ba 'tong sinasabi ko?

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now