Kabanata 12

7 10 0
                                    

Perfume

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Natatawang tanong ko kay Cyrus habang hinihila ako palabas ng shop ko. Dali-dali niya akong ipinasok sa kotse niya. Kunot noong pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makasakay na siya sa loob.

"What's wrong? Bakit parang ang saya mo?" Takang tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at kumindat.

"You'll know later." Nagkibit balikat nalang ako. Nakatingin ako sa dadaanan namin at kung ano-anong pumapasok sa isip ko kung saan kami pupunta.

Nakarating kami sa hindi kalayuang dog shop. Kunot noong nilingon ko siya pero ngumiti lang siya sa akin at hinila ako papasok.

"Goodmorning, ma'am/sir!" Bati kaagad sa amin pagkapasok namin. Ngumiti ako sa babae at inilibot ang tingin ko sa loob pero agad na bumitaw ako kay Cyrus at lumapit sa poodle na agad na tumahol at gumalaw-galaw ang buntot ng makita ako.

"Hi!" Magiliw na kausap ko sa aso. I giggled upon seeing the dog wants to be out of the cage.

Yumapos agad sa akin si Cyrus habang nakangiting pinagmamasdan akong kausap 'yong aso.

"Didn't know you love dogs. May pinapabili lang si kuya sakin dito." He chuckled. Hindi ko siya pinansin at inilapit ang kamay ko sa kulungan ng aso at mas lalo namang nagwala.

"Baby, he might bite you." Inilayo niya ang kamay ko at hinawakan nalang 'yon. Napanguso nalang ako habang titig na titig sa aso. Naaaliw talaga akong pagmasdan.

"I'll get this one please." Napatingin ako sa kanya at nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Nagpacute naman ako sa harap niya at malambing na niyakap.

"Ipapahiram mo naman siya sa akin diba? Diba?" Tanong ko. Mas lalo siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.

"That's for you. Siya muna ang baby natin ngayon." He winked at me na agad kong ikinapula ng mukha. Yung mga tao naman dito sa loob ay mukhang kinikilig sa narinig kay Cyrus.

"Really? Thank you!" Kahit namumula ako ay nagawa ko parin siyang halikan sa pisngi niya. Mas lalong lumawak naman ang ngiti niya.

"Sa pisngi lang?" Inirapan ko nalang siya habang natatawa ako.

Nang makawala ang aso ay agad na pumunta siya sa paanan ko at nagtatalon-talon.

"Hi, Coco! Meet your mommy and i'm your daddy!" Magiliw na tumalon siya kay Cyrus at agad naman niya itong binuhat. Halos matawa ako ng dilaan niya ito sa mukha.

Nang makalabas kami sa dog shop ay nakikipagharutan lang kami kay Coco. Hawak ni Cyrus ang maliit na cage niya habang ako naman ay buhat buhat ko si Coco. Para kaming pamilya kung tignan. Nakahawak sa bewang ko si Cyrus habang dikit na dikit naman ako sa kanya dahil ayaw niya akong palayuin kahit na konti.

"Wow." Hindi makapaniwalang napanganga ako sa ganda ng venue ng pumasok kami sa isang picnic area. Halos kami lang ang tao na naman dito.

"Surprise?" He chuckled. Namuo ang luha ko. Hindi ko inaasahan na mageeffort siya ng ganito para sa akin. Akala ko busy siya kanina dahil hindi siya nagtetext sa akin.

"Happy first month, baby." He kissed my temple. Hindi ko maiwasang mapayakap sa kanya.

"Akala ko nakalimutan mo na." Naiiyak na sabi ko sa kanya. Hinihintay kong batiin niya ako kanina pero walang dumating na greetings mula sa kanya. Akala ko talaga nakalimutan na niya. Pero bawing-bawi siya ngayon sa nakikita ko kung gaano kaganda ang lugar.

He chuckled again at inalalayan akong umupo sa pabilog na paguupuan namin na puno ng petals. Kinuha naman niya agad sa akin si Coco at ikinulong muna sa cage niya. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ako. He cupped my face while leaning down to give me a kiss on my forehead. Napangiti ako.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon