Kabanata 6

15 13 0
                                    

Jerk

Halos buo ang araw ko ng makita ko kung gaano nasarapan sa luto ko si Evanns at naparami ang kain niya. Halos ayaw na niyang humiwalay sa akin nang magpaalam na akong umalis. Gusto niyang sumama sa akin pero sinabi kong hindi pwede kaya agad siyang tumakbo palayo sa akin. Biglang tumulo ang luha ko.

"Pagpasenysahan mo na siya, Althea. Sige na, umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Evanns." Nagpasalamat at nagpaalam na ako kay sister kahit na ayaw kong umalis pero kailangan.

Muli akong napasulyap sa loob ng bahay at nakita ko kung paano umiyak si Evanns habang pinapanuod akong umalis. Ngumiti ako sa kanya at tsaka ako kumaway pero wala siyang naging reaksyon.

I sighed at sumakay sa taxi. Sinabi ko sa driver na ibaba ako sa bar na malapit lang sa address ng condo ko. Muli kong naalala ang mukha ni Evanns na nakangiti. Bigla akong napangiti. Gumagaan ang loob ko kapag nasisilayan ko ang ngiti niya pero halos gumuho naman ang mundo ko kapag tatakbo siya papalayo sa akin.

Pagkapasok ko sa bar ay dumiretso agad ako sa bar counter. I ordered some whiskey.

"Hi, miss. You alone?" Biglang lapit sa akin ng lalaki. I just smirk at him. Kailan ba ako tatantanan ng mga lalaki? I know he's handsome but that doesn't mean that i'm going to entertain them for long.

"Leave." Nabura ang ngiti ng lalaki at naiiling na binitawan ako. Napairap nalang ako sa kawalan at pinagpatuloy uminom.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon. Nakita kong tumatawag si Caleb. Agad kong pinatay ang phone ko. I want to be alone this time.

I need to freaking think. Para na akong nawawala sa sarili ko ng mga nakaraang araw. Mas lalo akong napapraning sa paligid ko.

Halos sigawan at itulak ko na ang mga lalaking lapit ng lapit sa akin. Kahit pala nakapangmatinong outfit ako ay parang mas lalong may mga lumalapit sa akin. Hindi ko alam kung magpapasalamat at maiirita ba ako sa gandang ibinigay sa akin.

"Althea?" Halos mapairap ulit ako ng may tumabi na naman sa akin. Napalingon ako sa kanya at mukhang pamilyar siya sa akin  pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.

"Mukhang mag-isa ka ngayon ah? Where's your friend?" Kita naman niya sigurong hindi ko kasama ang mga kaibigan ko diba?

"See for yourself." Sarcastic na sabi ko sa kanya. Natawa siya sa akin at nag-order ng drinks.

"I'm Rash, friend ni Cyrus. Remember?" Mas lalo akong napaharap sa kanya. Oh. Siya pala ang isang kasama ni Cyrus noon.

"Okay." Kibit balikat na sagot ko sa kanya. Napakamot nalang siya sa batok at mukhang nahalatang ayaw kong makipag-usap kaya natahimik nalang siya at sa isang katabi niya siyang nakipag-usap.

Pero paminsan-minsan ay tinatanong kung okay pa ba ako. Iniirapan ko nalang siya na ikinakatawa niya kaya inis na umalis ako sa tabi niya. Dala ko ang alak kong nakipagsayawan sa gitna ng dancefloor.

I'm already tipsy but I didn't mind. Gusto kong iwala muna ang mga iniisip ko. Gusto ko munang isantabi ang problemang nasa isip ko. I want to have some fun this night. No problem, no shits. Yeah that's right, Althea. Just enjoy just for tonight.

Naramdaman kong may humila sa akin paalis sa dance floor. Inis na tinulak ko naman siya. It's Rash. Cyrus's friend, who happened to be feeling close type of person.

"What the hell is your problem? Can't you see I'm dancing? Naiinggit ka ba?" Naiinis na sabi ko. Napabuntong hininga naman siya at biglang nataranta habang hinihilamos ang mukha niya. Mukha siyang natatae na ewan.

Ghost of the Past Where stories live. Discover now