Kabanata 9

21 10 0
                                    

Change

Nasa labas ako ng bahay kung saan nakatira si Evanns. Gustong-gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong ilapit ang sarili ko sa kanya kahit na gustong-gusto ko.

He's playing his puzzle piece habang tahimik na nakaupo sa garden. Hindi ako lumabas sa kotse ko pero kitang-kita ko dito kung anong ginagawa niya.

Nakita kong kanina pa siya pasulyap-sulyap sa kotse ko. Mabuti nalang at tinted itong kotse ko. Kunot noong ibinalik niya ang pagbuo ng puzzle pero lumingon na naman siya dito. Kitang-kita kong lumapit sa kanya ang nanny niya at ibinigay ang hawak kong cupcakes kanina. Napangiti ako ng kinuha niya 'yon agad at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng maubos niya ang cupcakes na dala ko.

Bigla ulit siyang napatingin sa gawi ko. Hindi ko alam pero bakit parang nakikita ako ni Evanns? Umiling nalang ako. Alam kong hindi dahil tinted ang salamin ng kotse ko.

Nag-stay pa ako saglit doon hanggang sa pumasok na siya sa loob. Nakangiti pero malungkot na nilisan ko ang lugar.

Dumiretso nalang ako sa shop. Balak ko sanang bugbugin ang sariling oras ko sa trabaho pero hindi nangyari 'yon ng biglang pumasok si Cyrus na halatang galing sa trabaho.

"You're not answering my calls." He said at umupo sa harap ko. Napatingin naman ako sa mga empleyado ko na mukhang kinikilig sa presensya ng lalaking nasa harap ko pero hindi man lang niya sila binigyang pansin.

"Naiwan ko yung cellphone ko. Why are you here? Namiss mo ko?" Pagbibiro ko sa kanya. Ngumiti siya at tinignan ang ginagawa ko.

"Yeah. I'm here to pick you up for early dinner. Take your time. I can wait." He winked at me. Napailing nalang ako at napangiti. Pabalik-balik naman ang tingin ng mga kasama ko sa amin ni Cyrus.

Marahil ay nagtataka sila. What's the real score between us. Pero hindi ko rin alam ang sagot. Basta ang alam ko ay sobra sobra pa ang pagkagusto ko sa kanya. At siya naman ay lagi akong iniinvite lumabas. It's been a week since nagsimula kaming lumabas na dalawa.

Hindi na din ako nakakasama sa mga kaibigan ko. Pati sila ay nagulat dahil mismong sa harapan nila ay niyaya ako ni Cyrus lumabas at makipag-date sa kanya. Pumayag naman silang lahat. Except sa isa siyempre. Caleb.

Huminga ako ng malalim ng maalala ko kung paano na naman kami nag-away ng dahil sa pagsama ko kay Cyrus. Ni hindi niya ako kinakausap simula noong araw ng pagtatalo namin. Ipinagkibit balikat ko nalang. Alam ko namang may gusto pa siya sa akin pero kailangan niyang mamulat na magkakagusto din ako sa iba. Alam kong umaasa parin siya na magustuhan ko siya pero mas kilala ko ang puso ko. Alam ko at kilala ko kung sino ang itinitibok neto.

"That's cute." Pagpuna niya sa ginagawa ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Really?" Tuwang-tuwang tanong ko. Tumango siya at ngumiti. Napakagat ako ng labi ko at mas lalong pinag-igihan ang pagdrawing. Sana magustuhan rin ito ni Evanns.

"There is something with your smile." Hindi ko namalayang napatitig na pala siya sa akin. Naging tipid ang pagngiti ko at tinitigan ang pang-batang outfit.

"I'm just happy." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa gawa ko. Hindi na siya nagsalita at pinanuod nalang akong magdesign ng mga damit hanggang sa natapos ako.

Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at nagpatianod sa hila ni Cyrus.

"How about my car? Maiiwan dito?" Tanong ko sa kanya. May tinawagan naman siya agad at narinig kong pinapakuha niya ang kotse ko at ipark doon sa condo ko. Ibinigay ko nalang sa kanya ang susi at hinintay ang lalaking inutusan niya.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon