"Hoy bata ka!! Tigilan mo nga ako sa pang iintriga mo. Hindi ako babaero no. Tsaka akin na yung relo ko. Tinupad ko na yung usapan natin." Sabi ko kay Arianna.

"Fine fine...napaka defensive. Hahaha eto na oh. Eh teka bat kasama mo sya? Sasama ba sya satin?" Sabi ni Arianna.

"Ah eh oo eh. Kasi may pupuntahan sana kami. Tutulungan ko sana sya kasi may hinahanap lang sya na kailangan naming makuha. Wag ka mag alala, hindi tayo magtatagal. Masusulit natin ang gala ngayong araw." Sabi ko kay Arianna.

"Naku ikaw talaga kuya ang dami mong pa segwey. Sige payag ako. Tutal tinawag naman nya kong cute eh. Pero ayoko ng maghihintay ng matagal sa pupuntahan nyo ah. O sige tara na lets go." Sabi ni Arianna.

Hay sa wakas. Buti napapayag ko tong batang to. Pero as usual, palaging may kundisyon. Kailangan na naming magmadali para masulit ang araw na to para kay Arianna. Nagpaalam na kami kay aling Maria at nagsimula kaming umalis.

Habang nasa byahe kami, tingin ng tingin si Arianna kay Liza. Dahil sa tingin ng tingin yung bata sa kanya, kinumusta naman nya pero inirapan lang sya ni Arianna. Maldita talaga tong batang to. Pagdating namin dun sa motel. Medyo di maganda ang aura dahil badtrip samin yung panot na F.O.A. dahil nga nakalimutan namin isoli yung damit na hiniram ni Liza.

"Magandang umaga po. Ahm may itatanong lang po sana kami." Sabi ko dun sa F.O.A.

"Natatandaan kita pati yung babaeng kasama mo ah. Kayo yung hindi nagsoli ng damit. Nasaan na yon? Ibalik nyo!!" Sabi nung F.O.A.

"Ah eh pasensya na ho pero kasi hindi po namin dala yung damit. Pero hindi po yun ang rason kung bat kami nandito. Gusto lang po sana naming itanong kung nasa inyo pa po yung saya na damit ng babaeng kasama ko. Kukunin na po sana namin kung ok lang." Paliwanag ko.

"Ang kapal din ng mukha nyo eh noh. Hindi nyo magawang ibalik yung damit na kinuha nyo samin tapos ngayon magtatanong kayo kung nasaan yung saya na damit nung babaeng kasama mo. Hindi ako papayag. Hindi ko ibibigay!!" Sabi nung F.O.A.

"Pakiusap naman po. Kailangan po kasi namin yun eh." Sagot ni Liza.

"Iha. Wag mong gamitin ang ganda mo sa pagmamaka awa mo sakin dahil hindi uubra yan. Ibalik nyo muna ang damit ko para magkasundo tayo." Sabi nung F.O.A.

"Eh babayaran na lang po namin. Magkano po ba?" Sabi ko.

"Isang libo. Anu may pambayad ba kayo? Wag nyo sinasayang oras ko." Sabi nung F.O.A.

Nababanas na ko dahil sa panot na to eh. Hindi naman ganun ka elegante yung damit na pinahiram nila kay Liza tapos pinababayaran ng isanlibo nitong panot na to. Babayaran ko na lang sana para maklaro na ang problema pero nagulat na lang ako ng biglang umeksena si Arianna.

"Hoy panot!!! Eto isanlibo oh para manahimik ka na. Please lang po ibigay nyo na yung hinihingi nila dahil naaatat na ko sa usapan nyo. May lakad pa po kami eh." Sabi ni Arianna.

Medyo pilya ang ginawa nung bata. Medyo nagulat ako pero ayos din. Muntik na rin ako matawa. Para syang matanda kung umasta.

"Ayan..kung ganyan ba naman ang ginagawa nyo eh magkakasundo tayo." Sabi nung F.O.A.

"Oh ok na po ba? Pwede na po ba naming makuha yung damit?" Sabi ko.

"Ah eh. Wala rito eh. Nasa laundry pa. Baka mamayang hapon pa dumating dito yung mga damit eh. Hehe." Sabi nung F.O.A.

Pareho kaming napeste ni Arianna. Inuubos lang nitong panot na to ang pasensya at oras namin eh. Muntik na kong makapagsalita ng hindi maganda. Pero bigla na lang nagsalita ulit yung panot.

"Pero may nakuha ako sa bulsa nung saya nung babae eh. Ito oh. Mukang swiss watch na ewan. iisa ang kamay ng relo na yan. Kunin nyo na oh at balikan nyo na lang mamaya yung damit." Sabi nung F.O.A.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now