Alam niyang halang ang kaluluwa ni Robert Swift pero hindi niya akalaing pati ang sariling anak ay magagawa nitong saktan sa ganoong kamurang edad. He'd actually seen this scene before. Too many times to count pero hindi sa bata. His grandfather, Robert Swift and their men had done this to enemies, snitches, and to those who failed to pay. Mga taong nang oonse sa mga ito. Mga taong itinatakbo ang pera o 'di kaya'y droga. Sadyang ipinapakita sa kanya ng kanyang lolo ang mga maruruming gawain nito dahil balang araw ay siya raw ang magtutuloy ng ilegal na negosyo nito.

Pero hinding-hindi niya gagawin iyon. Tama na ang sumunod siya sa gusto nitong pasukin niya ang pulitika para raw protektahan ang ilegal nitong gawain. That's enough! Hindi na niya kaya pang pasukin ang maruming gawain ng mga ito.

Senator Wilson Rudolph de la Fuente and Robert Swift are one of the most dangerous crime syndicates in the country. Rober Swift is an American-Filipino, anak ito ng isang bayarang babae sa isang Amerikanong sundalo. Inabandona ito ng sariling ina nang sumama sa costumer nito sa isang club. Matinding paghihirap din ang dinanas ni Robert noong bata pa ito kaya marahil ganitong buhay ang sinapit. Iniwan si Robert ng unang asawa nito— ang ina ni Samantha. Ngayon, isa na itong pinuno ng isang malaking sindikato na nagkukubli sa katauhan ng isang mayaman at kagalang-galang na negosyante.

Paano niyang nalaman ang lahat ng iyon? Robert Swift loves dishing about his past. Ito mismo ang nagkwento sa kanya ng mga bagay na iyon. Proud ito sa kung ano ito ngayon.

"ANONG klaseng ina ba si Samantha kay Ryke, yaya?" Nilingon si Wilson ni Yaya Myrna na nakatayo sa harapan niya habang nasisiyahang pinagmamasdan ang mag-ina na gumagawa ng homemade ice cream. Si Ryke ay nakaupo sa high stool habang si Samantha ay abala sa pagmix.

"Nariyan ka po pala, señorito." Muling ibinalik ni Myrna ang atensiyon sa dalawa.

"Napakabait niyang ina. Wala siyang hindi gagawin para kay Ryke. Pero ngayon medyo naninibago ako sa kanya."

"Ano pong ibig mong sabihin?" Pumihit paharap sa kanya si Myrna.

"Hindi ko po maipaliwanag pero may nagbago talaga sa ugali niya. Para siyang estranghera sa 'kin. Siguro dahil sa nangyaring aksidente sa kanya. Para ring iniiwasan niya si Ryke. Kaya nga natutuwa ako ngayon na nagba-bonding sila. Madalas nilang gawing mag-ina ang ganyan noong nasa Amerika kami. Ibinubuhos niya kay Ryke ang buong oras niya kapag wala siyang trabaho. Ang pagmamahal na hindi niya naranasan mula kay Sir Robert ay ibinuhos kay Ryke."

Si Yaya Myrna ay matagal nang nagta-trabaho sa pamilya Swift. Ito na ang nag-aalaga kay Samantha bata pa ito, kaya kung may nakakakilala man kay Samantha ay si Yaya Mryna iyon. Sa Edad na singkwenta ay hindi na ito nag-asawa pa dahil ibinuhos ang lahat ng oras kay Samantha.

Hindi niya akalain na may masamang karanasan si Samantha noong bata pa ito. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit naging sunod-sunuran si Samantha sa sariling ama. Wala siyang pinagkaiba kay Samantha. Parehas silang nakaranasan ng kalupitan sa sariling mga pamilya.

Lumapit si Wilson sa mag-ina.

"Daddy!" Agad niyang hinawakan si Ryke nang tumayo ito sa high stool na kinauupuan nito. Kumunyapit ito sa kanyang leeg at ilang beses siyang hinalikan sa pisngi.

"What are you guys doing?"

"We are making an ice cream," masayang tugon ni Ryke.

"It looks delish." Isang chocolate ice cream ang ginagawa ni Samantha. Pinapanood ang paraan ng pagawa sa YouTube.

Pumuwesto siya sa likuran ng asawa at masuyong ipinaikot ang mga bisig sa katawan nito. He simply rested his chin on her shoulder. Wilson wanted to groan as his own desire stirred as he absorbed the warmth of her body into his own. Wala sa plano pero kakaiba bigla ang naging reaksiyon ng katawan niya sa pagkakadikit ng katawan nila ni Samantha at malaking pruweba ang biglang pagkabuhay ng kanina lang ay mapayapa niyang kaibigan.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon