"Okay lang naman," and she gave him her best ever sweet smile. "Ikaw kumusta na? How's France?"


"I'm good very happy to see you again. May klase ka pa ba?"


"Huh wala na," sunud-sunod niyang pag-iling. "Half day lang ako today."


"Then that's good. Maybe we could have lunch together?"


Lunch together? ulit ni Brynn sa isip niya. OMG hindi siya makapaniwala. "Oo ba, basta libre mo ko," aniya at sinamahan pa ng matamis na ngiti.



Napatawa siya sa sinabi nito. Brynn was always the funniest girl as ever. She's a very likable lady at mataas ang level ng sense of humor.

"Ofcourse silly...come..." at inalalayan pa siya nito.


Napaka gentleman talaga ni Nathan. Ang gwapo na ang bango-bango pa.

Gwapo rin naman si Hunter at mabango rin 'di ba at may pagka gentleman din?

Anong gentleman? ang sabihin mo gentlemanyak!


Mabuti nalang at nakapagpalit na siya ng school uniform at nag taxi lang siya kanina alam niya kasi na susunduin siya ni Hunter today kaya hindi na niya dinala ang kanyang motor.

Oh no! oo nga pala, speaking of Hunter.

Kailangan niya itong itext baka hintayin siya nito at wala naman na siya sa school.


Ilang minuto na niya itong naitext pero hindi man lang ito nagrereply.

Nakakapagtaka naman.

That's why she tried to call him but his phone was unattended.

Bakit kaya? Baka naman low batt lang.


Kailangan niya parin makipagkita dito today dahil nakausap na rin niya si Amalia, at syempre magpasalamat narin dahil mukhang tumupad na ito sa deal nila.



"Something wrong?" tanong ni Nathan. Nakatitig sa kanya.

"Wala naman... tinext ko lang si Kuya na mamaya pa ako makakauwi..." Totoo naman na tinext niya rin si Leighron after niyang itext si Hunter.

"Oh okay cool... Here's the menu... Don't be shy orderin mo lahat ng gusto mo..." sabay kindat ng binata.

Isa ito sa katangiang nagustuhan niya kay Brynn wala itong kaartehan sa katawan.

Kahit ano ay kinakain nito hindi ito conscious sa kanyang figure.

Kahit payat ito ay sexy, with her black activewear pants na may touch of red sa gilid and a thin gray loose sweatshirt.

Ganito ang madalas suot ng babae, kung hindi girls cowboy outfit ay pants and simple shirt or blouse lang ang suot nito na bagay na bagay naman sa maliit nitong katawan.


"Sure ka? Sige oorderin ko lahat ng masarap na pagkain dito..." and she gave him a cute grin.


"You're too cute..." pinisil nito ang pisngi niya, "...whatever you want Brynn, I'll give it to you."


Oh my God! Halos tumalon ang puso ni Brynn sa kilig.


Talaga kahit ano? Ikaw Nathan, ikaw ang gusto ko.



"Thank you nga pala Nathan sa paghatid at saka dito." Itinaas niya ang dalang malaking supot na ang laman ay mga pagkain. "Nakakahiya naman may take out pa," she grinned, makikita mo sa mukha nito ang sobrang tuwa.

"No worries Brynn... anything for you cutie..." at pinisil nito ang kanyang baba and in return she gave him a very sweet smile. "I'll give you a call tonight."


And before Nathan left he hugged her and gave her a kiss on the forehead.

Ito na yata ang pinakamasayang araw ng buhay niya.

Finally napansin narin ni Nathan ang beauty niya.

Halos buong araw silang magkasama at nagkwentuhan.

Ayaw pa sana niya itong umalis pero baka may gagawin pa ito.

Nathan is a busy man.

Marami ito palaging inaasikaso sa kanilang negosyo.

At napakalaking bagay na para sa kanya na nagbigay ito ng oras para makasama siya.

She felt so important.

Sobrang saya niya.




Kailangan niyang makausap si Hunter.

Gusto niya itong pasalamatan.

Hindi niya alam kung ano ang ginawa or sinabi nito kay Nathan but so far everything works so good.

She's pretty excited sa mga susunod na araw.

Dalangin niya ay yayain siya nito sa isang romantic date.

The Wild InnocenceWhere stories live. Discover now