Chapter 23 (edited)

37.8K 879 54
                                    


"He's dead."

"He's dead."

"He's dead."

"He's dead."

"Hindi. Hindi."

"Minerva, wake up." Napadilat ako ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko at si Mama Grasya ang nabungaran ko. Nakahiga ako sa isang ospital bed at hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. "Andito tayo sa Ace Hospital. Nawalan ka ng malay habang nasa himpapawid tayo." sabi ni Mama Grasya habang hawak niya ang kamay ko.

Hinimas ko ang puson ko. Ang baby ko, I think we're safe.

"Ilang oras ako nakatulog ma?" tanong ko dahil hindi naman ako nakapang-hospital gown. Sinipat nito ang relo.

"27 minutes to be exact. Are you feeling alright?" Alalang tanong niya sa akin.

"Yes ma. Si Kevin ma? We need to find him. Hindi ako naniniwala sa balita. It was a hilarious prank." Ayan na at hindi ko na naman mapigilan ang lumuha.

Dali-dali akong bumangon ng maalala ko ang asawa ko naaksidente kaninang umaga.

"anak, calm down."

"Wala akong karapatang humiga dito. Hindi ko po matatanggap ang sinasabi mong wala na ang asawa ko po." Mahinang sabi ko kay mama.

"Hija calm down he's fine.. He's totally fine. Wala tayong dapat na ipag-aalala."

"Ma please, wala akong panahon para sa kanila. Kahit ngayon man lang, alalahanin mo si Kevin ma. Anak mo siya." Sagot ko sa kanya dahil hindi ko talaga matatanggap ang ano pamang sasabihin niya. Hindi ko mapipigilan ang hikbi ko dahil sa nakikita ko ay parang hindi ito nag-alala kay Kevin.

"Hija calm down. I didn't say He's dead I said he's fine but if you want to find him, of course you can."

"I have to find my husband!" May pinalidad na sabi ko at binuksan ang pintuan.

Paglabas ko ng room ko ay may iilan ngang mga taga social medya sa labas at sa lobby. Gaano ba kasikat si Kevin at kahit at andito sila naki-tsismis na hindi naman totoo ang balita. Lumapit ako sa may information desk para magtanong.

"Mrs. Minerva Montero?" tanong ng receptionist.

"Yes. Ako nga. Andito ba naka-confine si Kevin Joon Montero? A-ako ang asawa niya." Tanong ko sa kanya. Titig na titig ito sa akin na para bang pinag-aralan ang buong mukha ko.

"Maganda nga naman. Uhm ah Nasa operating room number 2 po si Dr. Montero. And your presence is highly requested by him once you arrived ma'am.."

Huh? Kailan pa naging pwede yun? Nagtataka man ay at least medyo gumaan ang pakiramdam ko na hinanap pala ako. Meaning buhay siya.

"Sa second floor maam at right wing. Makikita niyo po."

"Pero bakit ang daming medya dito?"

Tumingin sa akin ang nurse na para bang nakakatawa ang tanong ko.

"Ma'am the Monteros are the VVIP at sikat na sikat din po siya in all aspects ma'am. And the reason they're here is to witness the young star's operation...maybe. Hindi din po ako sure maam."

Baby Maker WifeWhere stories live. Discover now