Chapter 5 (edited)

36.3K 894 16
                                    

Minerva's POV

Kumakalam na ang sikmura ko dahil pasado alas dos na ng hapon at wala pa akong kain simula kaninang umaga. Namamaga ang mukha ko dahil sa kalmot at sampal na inabot ko sa nobya ni Kevin, naintindihan ko siya kahit naman siguro ako ay magwawala kapag nalamang may baby maker ang nobyo ko. Pero grabe ang natamo ko sa kanya walang totoong nobya si Kevin mula ng ikinasal kami dahil natural lang kay Kevin na pabago-bago ang mukha ng mga babae nito dahil likas na sa binata ang pagiging playboy....

Pero umabot na sa ganitong punto na sinasaktan na ako bahagyang namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iiyak na wala namang patutungohan.

Narinig ko ang ugong ng sasakyan na umalis ng mansyon kaya bumangon ako. Dali-dali akong lumapit sa bintana at nakita ko ang kotse na papalabas na ng gate. Baka hinatid na ni Kevin yung girlfriend nito dahil medyo tumila na ang ulan kaya dali-dali akong lumabas para kumain dahil talagang gutom na gutom na ako. Ayokong lumabas kanina dahil andyan sila at paniguradong aawayin ako ng girlfriend ni Kevin at kakampihan din ni Kevin ang babae. Sino ba naman ako di ba para pagtuonan ng pansin ni Kevin. Ako na mabaho at aalis rin balang araw sa buhay niya.

Kanina ko pa gustung-gusto kumain nitong lechong paksiw na nasa ref ko nilagay kagabi. Akala ko ay kinain Iniisip ko pa lang ay naglalaway na ako. Noon ay hindi ako makakain ng ganito dahil hindi namin kayang bumili ng ganitong pagkain. Naintindihan ko kung bakit hindi man lang namin ito nakain ni Van noon. Bagoong lang at asin ay sapat na talaga sa amin minsan pa ay walang bigas na masaing. Dali-dali ko itong nilagay sa microwave at kumuha ng coke sa ref. May kaunting kanin sa rice cooker pero hindi na ako nagsaing baka babalik kaagad sila Kevin at yung jowa nito at pagdidiskatihan na naman ako. Para akong magnanakaw sa ginawa ko at halatang patay gutom. Sobrang bilis ng galaw ng mga mata ko dahil sa pagmamasid sa paligid. MAsama ang ugali kapag mayaman ka pero hindi naman lahat yun ay opinyon ko lang ang ibig ko lang sabihin ay si Stephanie. Simula nung dumating ako ay ito lang ang nananakit sa akin. Bihira lang ang nakakaintindi sa aming mahihirap. Karamihan ay parang basahan talaga ang turing sa amin at sanay na ako sa ganyang pakikitungo. Matapos kong mainit sa microwave ang lechong paksiw ay kaagad akong kumain.

Halos mabulunan na ako sa pagkain ng balat ng lechong baboy dahil sa pagmamadali. Inorder ko pa ito kahapon dahil nakakatakam at gusto ko lang maranasang kumain ng lechong baboy na ulam ng mga mayayaman. Promise, pag-uwi ko ay ililibre ko si Tatay at si Van ng ganito dahil napakasarap.

"Take it slow Minerva." Sa gulat ko ay nalunok ko ang kinain ko kaya dali-dali kong binuksan ang coke pero inagaw niya yun sa akin.

"See? Mabubulunan ka niyan. Do not drink like this... it's not good for your health. water is enough, " Natigilan ako sa pagkain at may nilagay itong isang basong tubig sa tabi ko. . Kaagad kong inilugay ang aking buhok baka mapansin ang sugat sa mukha at bahagya kong niyuko ang ulo ko.

"Ahm.. gusto ko ng soda, Sir." Sabi ko at nanginginig ang kamay ko sa takot. Takot akong masaktan o kaya'y pagbuhatan ako ng kamay.

"Sir? Are you making fun of me, Minerva? Why not call me baby, darling, babe, love or whatever dahil pinakasalan mo naman ako dahil sa pera. Damn I am your husband kaya wag mo akong matawag-tawag na sir." Galit na turan nito. Aba ang galing. Husband daw o saan naman niya napulot ang husband na yan. May husband ba na nagdadala ng kabit sa bahay?? Gusto kong itanong pero baka iba ang aabutin ko sa kanya.

Gustong sabihin sa kanya kung asawa ko siya bakit siya nag-uwi ng babae dito. Paano na lang kung biglang darating si lola at mabulilyaso kaming dalawa na ganito pala kami kapag wala sila sa bahay?. Pero pinili ko na lang ang manahimik kesa makipagsagutan sa kanya.

Baby Maker WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon