Chapter 4 (edited)

35.9K 842 26
                                    

Few days passed by...

"Dito na ang bago niyong tirahan, ha?"

Napangiti ako habang dinidiligan ko ang mga bagong bili na mga bulaklak ko. Lumabas ako kanina para bumili ng lechong paksiw at bumili na rin ng mga bulaklak nang napadaan kami sa tabi-tabi, pandagdag sa mga bulaklak ni lola. Mukhang mamahalin ang mga bulaklak ni lola kaya hindi ko nilagay ang mga pamili ko sa garden nito na binili ko ng tig two hundred..

"Gusto ko pag-uwi nila ay namumulaklak na kayo ng bonggang-bongga. Paniguradong magugustuhan kayo ni Lola." Sabi ko sa mga bulaklak. Napangiti ako dahil sobra nilang ganda. Noon pa man ay mahilig na ako sa mga Rose. Kaya limang klase ng rose ang binili ko.

"Ma'am Minerva, tumawag si Doktora Minda." Tawag sa akin ng isang kasambahay kaya tumakbo ako papasok ng bahay.

"Hello la?" Sabi ko nang mahawakan ko kaagad ang telepono. Namiss ko na din kasi si lola.

"Oh. Tumakbo ka ba?hehehe wag ka ngang tumakbo madapa ka pa. Kumusta ka dyan?"

"Ok lang po ako. Galing po ako sa labas, may bulaklak po akong binili kanina." Kaagad kong balita kay lola at tumawa lang ito.

"Ikaw talagang bata ka. It's good to hear that. May kakampi na ako pagdating sa mga bulaklak."

"Kumusta po kayo dyan la?"

"Heto kakauwi ko lang from my check-up. Ikaw hindi ka ba inaway na ni Kevin?"

Napangiti ako sa tanong niya dahil para naman akong bata para aawayin.

"Ok naman po kami dito. Wag mo po akong alalahanin. Pag-aawayin niya ako uumbagin ko po ang apo ko." Biro ko sa kanya at tanging matunog na halakhak lang ang sagot nito sa akin.

"Oh siya, mabuti nga't naisip mong hindi ka magpapaapi sa kanya."

"Mag-iingat po kayo dyan la..."

"Of course, hija. Kumain ka na ba?"

"opo..."

"Oh siya, hindi na ako magtatagal dahil gabi na't kailangan ko pang magpahinga."

"Tumawag ka po palagi ha?"

"I can sense na nababagot ka na dyan. Andyan ba si Kevin ngayon?"

"Wala po ako lang mag-isa ngayon sa bahay....."

"Hindi na naman umuuwi yung batang yun? Tell me."

Napaisip ako. Hindi naman talaga madalas umuuwi si Kevin pero kapag sasabihin ko naman yun sa kanya ay malamang na magagalit sa akin si Kevin dahil nagsusumbong ako kay lola.

"Dito naman po ang uwi ni Kevin gabi-gabi la......."

"Good. Mag-ingat ka dyan. May pera ka pa ba? Bumili ka kung anong gusto mong bilhin. Or mag-shopping ka today. Don't worry pag-uwi ko may pupuntahan tayong lugar tiyak na magagandahan ka. Excited na akong umuwi."

" Ok po la. Nakaka-excite nga po yang plano niyo.. Hindi pa naman ako masyadong bored la.. good night po dyan la.."

"Goodnight din."

Toot toot toot.

Ibinaba ko na ang telepono at umupo ulit sa mahabang sofa. Tumawag si Lola at binalita na tapos na ito sa regular check-up nito at excited na daw itong uuwi.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto at nagkulong. Ano bang gagawin ko dito?? Inilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng silid ni Kevin. Ngayon ko lang napansin na sobrang boring ng kulay ng kwarto na kulay dark gray at light gray ang combination.

Baby Maker WifeWhere stories live. Discover now