Chapter 8(edited)

36.8K 867 22
                                    

Minerva's POV

Hwwwoooowwwww

Pasado alas dyes na ng gabi na nakarating kami dito sa airport. Ang bonggang lola ay nawala yata ang kaantokan nang lumabas na kami sa eroplano. Palibhasa ay pareho kaming nakatulog sa private plane kaya may energy na akong magagamit. mabuti na lang at nagising ako mula sa masamang panaginip kaya may pagkakataon akongmakita ang mga ilaw na naglalaro sa ibaba. sobrang ganda ng mundo at tanging naninirahan lang sa mundo ang hindi maganda. Pero hindi ko naman nilalahat, meron pa ring nagmamahal sa kalikasan.


"John, Lola, Marco Polo na ba talaga to?"

"Yes hija. Come here. Let me hold you." Sabi ni Lola at inalalayan ko naman siya at ni John. Suot ko ang jacket ni John dahil sa lamig at dahil siya ang nag-offer ay wala na akong reklamo dahil talagang nilalamig na ako sa suot ko.


Sobrang layo namin sa Maynila, sobrang layo ko kay Kevin pero nag-aalala pa rin ako sa binata baka nag-alala na rin ito pero inisip ko na rin na napaka-imposible nitong maisip kami dahil panay naman barkada at babae ang iniisip nito.. Malayo ako sa masasakit niyang salita at mga gawa. Baka ito na ang simula na kakalimutan ko ang damdamin kong ito sa binata. Wala naman kasing nag-utos sa akin na mahulog ako sa binata dahil panay naman ang paalala ni lola na kailangan kong bantayan ang sarili ko. Hindi ko naman sinasadya ang mahulog ako sa binata na wala namang pakialam sa akin. Siguruduhin ko pag-uwi ko ay dapat matibay na ang damdamin ko.


Dahil sarado na ang mga mall para bibili ng maisusuot ay Nag-check-in na kami sa hotel at kanya-kanya pa kami ng hotel rooms para sa privacy daw namin. Pagkatapos kong patulugin si Lola ay pumasok na ako sa sariling silid ko. Tulog na rin siguro si John dahil sa pagod sa byahe. Gusto ko sana siyang makausap dahil miss na miss ko talaga siya pero may bukas pa rin naman. Mahaba pa ang kwentuhan naming dalawa.


Hindi na ako naligo dahil talagang inaantok na ako at gusto kong matulog ng maaga para maaga akong makakita ng view sa labas bukas. Sheyt excited na talaga ako eh. Paano ko ba ito mapipigilan? Sobrang lamig ng aircon pero gusto ko ang ganitong temperatura. Nawawala ang init sa katawan.


Paghiga ko ay naalala ko ang panaginip ko kanina. Inaway na naman daw ako dahil inagaw ko si Kevin at mas matindi pa ang inabot ko kesa nung una. Na.trauma na yata ako. Siguro reminder ko na din yun dahil masyado akong na-overwhelm sa kagwapuhan ng binata. Paalala na hindi pwedeng mangarap ang lupa na maka-akyat sa langit.


Muli kong Naalala si Kevin, ilang beses siyang nagdala ng babae sa bahay ni Lola. Kunsabagay yun ang taste ni Kevin, yung grabe magdala ng make up sa mukha, maarte at confident. Hindi ako kayang erespeto ni Kevin bilang babae at bilang asawa man lang sa papel sa bahay dahil wala akong maipagmalaki sa buhay at ini-expect ko na yang masama niyang ugali. Bakit hindi nalang sila mag-hotel gayung pwede naman at kayang-kaya namang bayaran ni Kevin, para na rin niyang binastos ang pamilya niya sa ginagawa niya.


Napaiyak ako dahil sa tindi ng selos at kahit sa papel lang ay nangarap din akong mahalin ng totoo ni Kevin..kahit sa maikling panahon lang.. Siya lang naman ang gusto ko pero hindi ko kayang tumbasan ang mga babae nito. Kung naging mayaman ba ako ay kaya akong magustuhan ni Kevin? Hanggang sa nakatulogan ko ang pag-iyak sa lalaking hindi ko alam bakit sobra kong mahal kahit hindi naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal bilang isang asawa. Unfair nga ang buhay.

Baby Maker WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon